in ,

Daily Horoscope: January 21, 2018 – Sunday

Aries (Mar 21 – Apr 19)
Kung may problema ka sa ngayon, isipin mo kung paano ito nagsimula at baka nandoon ang solusyon na hinahanap mo.
Love:
Couples: Huwag kang mapressure sa sinasabi ng ibang tao. Kung masaya ka naman sa relasyon ninyo, ipagpatuloy ninyo lang ito.
Money/Career:
Mukhang panahon na para ituloy mo ang isang bagay na dapat matagal mo na sinimulan.
Lucky color: Black
Lucky number: 20

Taurus (Apr 20 – May 20)
Kung hindi ka na masaya sa nangyayari sa iyong buhay, panahon na para gumawa ka ng paraan. Huwag ka na maghintay ng himala.
Love:
Couples: Kung going steady naman ang inyong relasyon, marahil ay panahon na para i-level up ninyo ang inyong samahan.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa construction ang trabaho.
Lucky color: Neon green
Lucky number: 28

Gemini (May 21 – Jun 20)
Kung may nalaman kang sikreto ngayong araw, gawin mo ang lahat para hindi ito ipagkalat sa iyong barkada.
Love:
Singles: Kung hindi ka pa sigurado sa desisyon na gagawin mo, ipagpaliban mo muna ito para makapag-isip ka pa.
Money/Career:
Kung hindi man nagiging maganda ang takbo ng iyong career, bigyan mo lang ito ng panahon at magiging maayos din ito sa huli.
Lucky color: Cream
Lucky number: 29

Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Magiging energetic ka ngayong araw, kaya naman may chance na matapos mo ang mga bagay na dapat mong gawin.
Love:
Couples: Huwag kang magpastress sa iyong problema. Kumalma ka lang dahil may maiisip ka rin naman na solusyon para rito.
Money/Career:
Maging consistent ka lang sa iyong trabaho at tiyak naman na gaganda ang future mo sa iyong career.
Lucky color: Grey
Lucky number: 17

Leo (Jul 23 – Aug 22)
Kung may gala ka ngayong araw, may malaking chance na magkaroon ka ng problema habang bumibyahe.
Love:
Couples: Maging handa ka dahil may chance na magkaroon ng kumplikasyon sa inyong relasyon. Hindi mo ito maiiwasan.
Money/Career:
Kontrolin mo ang iyong paggastos. Gawin mo ito kundi mapipilitan kang mangutang sa ibang tao.
Lucky color: Blue
Lucky number: 13

Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Huwag mong kalimutang gawin ang mga bagay na inutos sa iyo. Simulan mo na ang mga ito kung ayaw mong mapagalitan.
Love:
Couples: May chance na maguluhan ka sa status ng inyong relasyon. Kung feeling mo ay may tinatago sa iyo ang iyong partner, magmasid-masid ka muna sa kanya.
Money/Career:
Kung magkakaroon ng problema sa pera ang iyong pamilya, mas makakabuti kung gagawan mo na agad ito ng aksyon bago pa lumala ito.
Lucky color: Pink
Lucky number: 1

Libra (Sep 23 – Oct 22)
Maganda ang araw na ito para makipagbonding ka sa iyong mga dating kaklase. Kamustahin ninyo ang buhay ng isa’t-isa.
Love:
Singles: Magaling kang makipagflirt sa ibang tao, pero kung lagi mo itong gagawin, walang taong seseryoso sa iyo.
Money/Career:
Kung hindi na talaga maganda ang dulot sa iyo ng iyong trabaho, mas mabuting magquit ka na lang dito.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 13

Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Gawin mo muna ang inuutos sa iyo ng iyong mga magulang bago ka umalis ng bahay. Sige ka, baka hindi ka nila payagan.
Love:
Couples: Kung may sinusubukang bago ang iyong partner, hayaan mo lang siya na gawin ito. Huwag mo siyang pagtawanan kung pumalya man siya.
Money/Career:
Maganda naman ang takbo ng iyong career. Pero maaaring mag-iba ang isip mo kung makakatanggap ka ng isang magandang job offer mula sa iyong kaibigan.
Lucky color: Blue
Lucky number: 14

Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Kailangan mong kontrolin ang sarili mong buhay. Huwag mong hayaang manipulahin ka ng ibang tao dahil tiyak na hindi ka magiging masaya sa huli.
Love:
Singles: Maaaring malapit lang ang taong nakatadhana para sa iyo, pero lagi kayong hindi nagkakatagpo.
Money/Career:
Mukhang may chance na mapagastos ka sa darating na mga araw, kaya mabuting magtipid-tipid ka muna.
Lucky color: Black
Lucky number: 15

Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
May chance na maging emosyonal ka ngayong araw, kaya mas mabuting manatili ka na lamang sa bahay kung ayaw mong mapahiya sa harap ng maraming tao.
Love:
Couples: Mukhang nagiging maganda na ang status ng inyong relasyon at hindi na rin kayo madalas nag-aaway.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong balak bumili ng bahay.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 25

Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Huwag mong kalimutang alagaan ang iyong sarili. Masipag ka nga sa iyong mga gawain pero kung magkakasakit ka naman, mapupunta lang sa wala ang lahat.
Love:
Singles: Kung pinag-iisipan mong pumasok na sa isang relasyon, marahil ay panahon na para gawin mo ito.
Money/Career:
Bago mo bilhin ang isang bagay, suriin mo muna ito para hindi na hassle sa iyo magbalik.
Lucky color: Cream
Lucky number: 26

Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Huwag ka muna makipagtalo sa kahit na sino ngayong araw, lalo na kung ayaw mong sumama ang mood mo.
Love:
Singles: Kung may feelings ka pa sa ex mo at ganun din siya sa iyo, mukhang may chance na kayo ay magkabalikan.
Money/Career:
Kung may job offer sa iyo na may kinalaman sa pagtravel, mas mabuting tanggapin mo na ito.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 10

Comments

Original “Encantadia” sang’gres reunite for a night out; may be reuniting for a project together

Watsons guarantee a #HappyNewYou with partner products