Aries (Mar 21 – Apr 19)
May malaking chance na maging moody ka ngayong araw, kaya naman mas mabuting umiwas ka muna sa mga taong makukulit.
Love:
Couples: Huwag mong gawing kumplikado ang lahat. Huwag masyadong mapraning sa mga bagay na simple lang naman talaga.
Money/Career:
Mukhang may matatanggap kang good news sa iyong trabaho at kaiinggitan ka ng lahat.
Lucky color: Blue
Lucky number: 25
Taurus (Apr 20 – May 20)
Huwag kang masyadong magmadali. Kapag pinagpatuloy mo ito, malaki ang chance na magkamali ka ng marami sa iyong mga gawain.
Love:
Couples: Huwag kang mabibigla kung magbago man ang ugali ng iyong partner. Marahil ito ay isang side niya na hindi mo pa nakikita.
Money/Career:
Maging open-minded ka sa iyong trabaho. Huwag agad manghuhusga sa iyong kapwa.
Lucky color: Black
Lucky number: 10
Gemini (May 21 – Jun 20)
May malaking chance na maging pasaway ka ngayong araw. Kaya naman magiging sakit ka sa ulo ng mga tao sa iyong paligid.
Love:
Singles: Mukhang may makikilala kang tao ngayong araw at mukhang maalaga siya sa katawan dahil palagi siya sa gym.
Money/Career:
Ito na ang tamang panahon para umaksyon ka. Huwag mo na ipagpabukas pa ang iyong mga balak.
Lucky color: Pink
Lucky number: 3
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Magiging emosyonal ka ngayong araw at may malaking chance na may kinalaman dito ang iyong isang kaibigan.
Love:
Singles: Aminin mo na sa taong natitipuhan mo na gusto mo siya. Huwag mo na ito patagalin at baka maunahan ka pa ng iba.
Money/Career:
Kung merong taong nagkamali sa iyo, patawarin mo siya lalo na kung nagsorry naman siya sa iyo.
Lucky color: Orange
Lucky number: 23
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Kung gusto mong gumimik mamayang gabi, tapusin mo nang maaga ang iyong mga gawain para maaga ka rin makaalis.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para magbonding kayong dalawa. Yayain mo ang iyong partner na mamasyal sa mall.
Money/Career:
Kung meron kang subordinates, mas mabuting maging close ka sa kanila para naman hindi sila masyadong stressed sa trabaho.
Lucky color: Pink
Lucky number: 25
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Kung hindi mo sigurado kung ano ang dapat mong gawin, mas mabuting sumunod ka na lamang sa agos at hintayin kung ano ang susunod na mangyayari.
Love:
Couples: Huwag masyadong mainitin ang ulo. Mag-ingat ka dahil baka mailabas mo ang sama ng iyong loob sa iyong partner.
Money/Career:
Pag-isipan mong mabuti kung plano mong umalis sa iyong trabaho.
Lucky color: Grey
Lucky number: 19
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Mukhang maganda ang araw na ito para ikaw ay bumili ng sasakyan o ng mga bagay para lalo pang gumanda ang iyong bahay.
Love:
Couples: Huwag kang maglihim sa iyong partner. Mas lalo lang siyang maghihinala sa iyo kapag ipinagpatuloy mo ito.
Money/Career:
Huwag kang susuko sa iyong mga kalaban dahil tiyak naman na mas nakakaangat ka sa kanila.
Lucky color: Cream
Lucky number: 24
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
May malaking chance na maging malambing ka ngayong araw. Kaya naman may ilang tao ang magiging sweet din sa iyo.
Love:
Couples: Huwag ka masyadong maglaan ng maraming oras sa iyong career. Maglaan ka rin ng sapat na panahon para sa iyong partner.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa music ang trabaho.
Lucky color: Orange
Lucky number: 1
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Kung nangako ka isang tao na pupunta ka sa event niya, pumunta ka. Huwag ka na tamarin at baka mainis lang siya sa iyo.
Love:
Singles: Huwag ka na maatat magkaroon ng love life. Darating din ito sa tamang panahon kaya habaan mo lang ang iyong pasensiya.
Money/Career:
Dapat ay mukha kang confident sa iyong trabaho. Kung kinakabahan ka, huwag mo itong ipahalata sa iyong boss.
Lucky color: Violet
Lucky number: 26
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Mukhang makakatanggap ka ng tulong mula sa taong hindi mo inaasahan. Huwag mong kalimutang magpasalamat sa kanya.
Love:
Singles: Kung takot ka pang magmahal muli, hayaan mo lang ang iyong sarili na makarecover. Huwag kang magpapastress sa ibang tao.
Money/Career:
Mukhang magkakaroon ng tensyon sa iyong trabaho ngayong araw. Kung wala ka namang kinalaman dito, huwag ka na sumali.
Lucky color: Orange
Lucky number: 26
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Okay lang naman na bumili ka ng mga bagay na gusto mo, basta siguraduhin mo lang na hindi mo uubusin ang iyong budget.
Love:
Singles: Mukhang malapit ka lang sa taong gusto mo, pero hindi mo pa rin magawang aminin ito sa kanya.
Money/Career:
Huwag ka magpadistract sa iyong trabaho. Hindi porke umaagilid sa iyo ang crush mo ay mawawala ka na sa focus.
Lucky color: Blue
Lucky number: 28
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Mukhang magkakaroon ka ng problema habang nasa daan. Kaya naman mas mabuting may plan b ka para hindi ka ma-late sa iyong pupuntahan.
Love:
Couples: Kung going strong naman ang inyong relasyon, marahil ay panahon na para kayong dalawa ay magpakasal.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa alahas ang trabaho.
Lucky color: Pink
Lucky number: 4

