in ,

Daily Horoscope: January 9, 2018 – Tuesday

Aries (Mar 21 – Apr 19)
Huwag ka masyadong judgemental. Makinig ka muna sa sasabihin ng kabilang party bago ka magsalita ng tapos.
Love:
Couples: Maaaring magkaroon ng kumplikasyon sa inyong relasyon ngayong araw at tiyak na may kinalaman dito ang iyong kapatid.
Money/Career:
Kung nahihirapan ka sa iyong mga gawain, huwag kang mahiyang humingi ng tulong sa iba.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 7

Taurus (Apr 20 – May 20)
Kung meron kang pinoproblema, mas mabuting i-share mo ito sa iyong mga kaibigan para na rin mapayuhan ka nila.
Love:
Couples: Maaaring panalo ka nga sa away ninyo, pero magtatampo naman ang iyong partner sa iyo, kaya talo ka pa rin sa huli.
Money/Career:
Mukhang may magandang job offer sa iyo, pero mukhang malayo ito sa iyong tinutuluyan.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 3



Gemini (May 21 – Jun 20)
Kailangan mong kumilos nang mabilis. Masyadong maraming pagbabago ang nagaganap sa iyong paligid kaya hindi ka dapat magpahuli.
Love:
Couples: Kung meron kang event na pinaplano, may malaking chance na konti lang ang mga pumunta rito.
Money/Career:
Mag-ingat ka sa iyong trabaho dahil may katrabaho kang balak ipahiya ka sa harap ng iyong boss.
Lucky color: Pink
Lucky number: 4

Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Kung hindi mo pa rin magawang matapos ang iyong mga gawain, marahil ay dapat mag-isip ka na ng bagong strategy.
Love:
Couples: May malaking chance na maguluhan ka sa mga ikikilos ng iyong partner. Magmasid-masid ka muna sa kanya.
Money/Career:
Kung nag-appear ka sa isang job interview kamakailan, maaaring makatanggap ka ng good news mula rito sa mga susunod na araw.
Lucky color: Blue
Lucky number: 5

Leo (Jul 23 – Aug 22)
Mukhang maganda ang araw na ito para magpasikat ka sa ibang tao. Ipakita mo sa kanila ang iyong natatagong talento.
Love:
Couples: Huwag kang magpatalo sa stress. Subukan mong kausapin ang iyong partner para matulungan ka niya na magrelax.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga estudyanteng gumagawa ng kanilang research.
Lucky color: Orange
Lucky number: 4

Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Magiging moody ka ngayong araw, kaya naman subukan mong lumayo muna sa mga taong makukulit para hindi ka topakin.
Love:
Singles: Kung medyo bored ka na, subukan mong maghanap ng bagong hobby para naman mabuhay ka kahit konti.
Money/Career:
Magtiwala ka sa iyong mga kasama. Kahit na makukulit sila, meron naman silang sense of responsibility.
Lucky color: Dark violet
Lucky number: 18

Libra (Sep 23 – Oct 22)
Subukan mo ang iyong swerte ngayong araw. Tumaya ka sa lotto at malay mo, tumama ang iyong mga inaalagaang numero.
Love:
Singles: Kung merong tao ang hihingi sa iyo ng second chance, pagbigyan mo siya lalo na kung pipilitin niyang magbago para sa iyo.
Money/Career:
Para makapagconcentrate ka sa iyong trabaho, bawas-bawasan mo muna ang pagchecheck sa iyong mga social media accounts.
Lucky color: Pink
Lucky number: 18

Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Kung gusto mo makagala sa gabi, tapusin mo nang maaga ang iyong mga gawain. Hindi ito ang tamang oras para maging tamad ka.
Love:
Singles: Mukhang handa ka na pumasok sa isang seryosong relasyon. Gawin mong memorable ang araw na iyon.
Money/Career:
Ito na ang chance mo para magpasikat ka sa iyong boss. Gawin mo ang lahat para mapansin ka niya.
Lucky color: Baby blue
Lucky number: 28

Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Kung nahihirapan kang magdesisyon, kunin mo ang opinyon ng iyong mga kaibigan para maliwanagan ang iyong isipan.
Love:
Couples: Mukhang maguguluhan ka sa mga ikikilos ng iyong partner ngayong araw. Huwag ka muna mag-isip ng masama at obserbahan mo muna siya.
Money/Career:
Kaya mo iyan. Malapit ka na maging successful sa iyong career kaya huwag kang bibitaw.
Lucky color: Gold
Lucky number: 10

Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Magiging importante ang araw na ito para sa iyo. Huwag mong kalimutang i-check ang iyong email at baka may matanggap kang good news.
Love:
Couples: Kung hindi ka na masaya sa iyong relasyon, kahit pa matagal na kayong nagsasama, mas mabuting tapusin ninyo na lang ito kaysa mahirapan pa kayo sa huli.
Money/Career:
May malaking chance na mastress ka sa iyong trabaho ngayong araw. Subukan mong magpamasahe para mawala ito kahit papaano.
Lucky color: Black
Lucky number: 1

Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Mukhang mapapansin ka ng maraming tao ngayong araw. Merong iba sa iyo at magtataka ang ilan tungkol dito.
Love:
Singles and Couples: Kung meron kayong dapat alagaan na tao, gawin ninyo ito. Huwag ninyo muna isipin ang ibang mga bagay.
Money/Career:
Kahit na gumigimik ka palagi, hindi mo naman pinapabayaan ang iyong trabaho.
Lucky color: Pink
Lucky number: 27

Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Huwag mo masyadong pagkatiwalaan ang mga taong feeling close sa iyo. Marahil ay may gusto lang silang makuha sa iyo.
Love:
Singles: Mukhang wala naman masyadong ganap sa iyong buhay, kaya mas mabuting yayain mo na lang ang iyong single friends na gumimik.
Money/Career:
Kahit na mahirap ang iyong trabaho, maganda naman ang ipinapakita mo. Ipagpatuloy mo lang iyan.
Lucky color: Black
Lucky number: 7

Alessandra de Rossi answers a blind item alluding to her

Bluboo smartphones arrive in the Philippine market