in ,

Daily Horoscope: February 2, 2018 – Friday

Aries (Mar 21 – Apr 19)
Mukhang may taong hihingi sa iyo ng tulong ngayong araw. Kung ayaw mong madamay tungkol dito, magpass ka na lang muna.
Love:
Couples: Mukhang kailangan mo na magdesisyon tungkol sa isang bagay. Tandaan mo na pwede mong tanungin ang opinyon ng iyong partner tungkol dito.
Money/Career:
Gawin mong habit ang pagiging energetic buong araw para gumanda naman ang performance mo sa buwan na ito.
Lucky color: Blue
Lucky number: 11

Taurus (Apr 20 – May 20)
Mukhang may malaking chance na makita mo ulit ang iyong dating kaibigan at meron siyang i-ooffer sa iyo.
Love:
Singles: Kung nalilito ka kung sino ba sa kanila ang dapat mong ipursue, mas mabuting huwag ka muna mapressure gumawa ng desisyon.
Money/Career:
Mukhang makakapagfocus ka na nang mabuti sa iyong trabaho at huwag mong kalimutang humingi ng payo sa iyong mga boss.
Lucky color: Green
Lucky number: 4

Gemini (May 21 – Jun 20)
Kung nahihirapan kang gumawa ng desisyon, subukan mong magsimba at humingi ka ng guidance kay Lord.
Love:
Singles: Mukhang hindi pa rin nakakamove on ang iyong ex sa iyo kaya naman bitter pa rin siya sa iyo.
Money/Career:
Kahit na magaling ka sa iyong trabaho, huwag mong hayaang maging careless ka sa iyong mga gawain.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 8

Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Mukhang magiging mabagal para sa iyo ang takbo ng oras ngayong araw, kaya mas mabuting aliwin mo muna ang iyong sarili.
Love:
Couples: Iwasan mo munang makipagtalo sa iyong partner lalo na kung ayaw mong madagdagan ang stress mo.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa alahas ang trabaho.
Lucky color: Black
Lucky number: 18

Leo (Jul 23 – Aug 22)
Mukhang maganda ang araw na para gumimik ka kasama ng iyong mga kaibigan. Huwag ka muna masyadong gumastos nang malaki dahil mauubos ang iyong ipon.
Love:
Couples: Kung hindi mo babantayan ang temper mo, mailalabas mo ang iyong galit sa iyong partner at maaaring mag-away na naman kayo.
Money/Career:
Huwag mo na pagsabihan ang mga pasaway mong mga kasama. Magtatanda rin sila balang araw.
Lucky color: Pink
Lucky number: 11

Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Huwag ka masyadong maging mayabang sa iyong mga kaibigan. Maging humble ka lang dahil hindi nakakadagdag points ang pagiging mahangin.
Love:
Couples: Kung naging busy kayong dalawa kamakailan, mas mabuting ilaan ninyo ang araw na ito para magbonding.
Money/Career:
Okay lang naman kung ayaw mong pumasok sa trabaho, basta meron ka lang valid reason kung bakit.
Lucky color: Baby blue
Lucky number: 27

Libra (Sep 23 – Oct 22)
Mukhang may malaking chance na magiging blooming ka ngayong araw at ilan sa iyong mga kaibigan ang makakapansin dito.
Love:
Singles: Huwag mong hayaang maimpluwensiyahan ng iba ang iyong mga desisyon, lalo na kung sigurado ka naman sa mga ito.
Money/Career:
Kung hindi ka sinusuportahan ng mga boss mo sa iyong trabaho, magkakaproblema ka sa kanila in the future.
Lucky color: Violet
Lucky number: 14

Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Subukan mo ang iyong swerte sa araw na ito. Tumaya ka sa lotto o kaya’y pumunta ka sa mga peryahan.
Love:
Couples: Maging romantic ka sa iyong partner ngayong araw. Ipakita mo sa kanya na kaya mo pa rin siyang pakiligin.
Money/Career:
Maaari kang makatanggap ng regalo ngayong araw mula sa taong hindi mo inaasahan.
Lucky color: Red
Lucky number: 18

Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Huwag mong balewalain ang mga taong humihingi ng iyong atensyon. Nag-aalala lang sila sa iyo kaya naman maging thankful ka.
Love:
Couples: Sorpresahin mo ang iyong partner sa araw na ito. Kung nag-iisip naman kayo na bumuo ng isang pamilya, gawin niyo ito kung handa na kayo.
Money/Career:
Mukhang makakakuha ka ng lakas ngayong araw para tapusin ang anumang pending na gawain mo.
Lucky color: Blue
Lucky number: 7

Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Mukhang magiging tahimik naman ang takbo ng iyong araw. Wala ka na masadyong iisipin na mga problema.
Love:
Couples: Huwag mong kalimutang suportahan ang iyong mga magulang. Tandaan mo na meron ka pa ring responsibilidad sa kanila.
Money/Career:
Kung meron kang isang bagay na pinag-iipunan, maaaring ito na ang tamang panahon para bilhin mo ito.
Lucky color: Red
Lucky number: 4

Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Mukhang magiging energetic ka ngayong araw kaya naman magagawa mo na ang iyong mga nakatambak na mga gawain.
Love:
Couples: Mukhang may malalaman kang bago tungkol sa iyong partner at never mo na itong hindi mapapansin.
Money/Career:
Mukhang magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga estudyanteng nag-aaral para sa isang exam.
Lucky color: Silver
Lucky number: 5

Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Maging sensitive ka sa mga tao sa iyong paligid para naman mabawasan ang mga taong naiinis sa tuwing kasama ka.
Love:
Singles: Kung meron kang taong nagugustuhan, ipursue mo lang siya dahil may malaking chance na magkatuluyan kayo balang araw.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa marketing ang trabaho.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 10

Comments

“Wildflower” bids goodbye after a year of reigning on pre-primetime slot

TV REVIEW: “The Resident” is Amusingly Controversial