Aries (Mar 21 – Apr 19)
Mukhang panahon na para sumubok ka naman ng bago, lalo na kung masyado nang boring ang kaganapan sa buhay mo.
Love:
Singles: Mukhang kaya mo namang iimpress ang kahit na sino. Iyon lang, hindi mo pa rin talaga nakikita ang taong nagugustuhan mo.
Money/Career:
Maniwala ka sa iyong sarili. Huwag mong hayaang maliitin ka ng ibang tao.
Lucky color: Black
Lucky number: 7
Taurus (Apr 20 – May 20)
Huwag mong hayaang tamarin ka sa araw na ito. Kumilos ka dahil marami ka pang dapat asikasuhin.
Love:
Couples: Kung naguguluhan ka sa mga ikinikilos ng iyong partner sa mga nagdaang araw, malalaman mo na rin sa wakas ang rason sa likod nito.
Money/Career:
Kung naghahanap ka ng trabaho, magiging maswerte ka sa araw na ito.
Lucky color: Orange
Lucky number: 18
Gemini (May 21 – Jun 20)
Mukhang magiging maganda ang araw mo ngayon. Huwag ka lang masyadong magpakapagod dahil maaari kang magkasakit kinabukasan.
Love:
Couples: Mukhang unti-unti nang mawawala ang pagdududa sa inyong relasyon. Maging open kayo sa isa’t-isa para maiwasan ninyo na ito.
Money/Career:
Kung merong ginagawang mabuti sa iyo, huwag mong kalimutang magpasalamat.
Lucky color: Grey
Lucky number: 8
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Magiging active ang iyong isip ngayong araw. At sa dami nang maiisip mong ideya, mahihirapan ka kung alin sa mga ito ang iyong uunahin.
Love:
Couples: May chance na maging complicated ang inyong relasyon. Pero kung gusto mo talaga na magtagal kayo, kumapit ka lang.
Money/Career:
Mukhang may mangyayaring pagbabago sa iyong trabaho at mukhang papabor naman ito sa iyo.
Lucky color: Brown
Lucky number: 6
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Mukhang hindi ito ang tamang araw para sumubok ka ng bagong bagay. Magstick ka muna sa mga may napatunayan na.
Love:
Singles: Mukhang kailangan mo munang magpahinga sa pakikipagdate mo kung kani-kanino.
Magchill-chill ka muna.
Money/Career:
Kung may offer sa iyo, pag-isipan mo muna itong mabuti dahil baka i-take advantage ka lang nila.
Lucky color: Pink
Lucky number: 21
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Magstick ka sa kung ano ang pinapaniwalaan mo. Huwag mong hayaang mabago ng iba ang iyong isip o desisyon.
Love:
Singles: Kung papairalin mo ang iyong ego, hindi ka talaga makakahanap ng isang relasyon na pangmatagalan.
Money/Career:
Mukhang may chance na may taong magbayad sa iyo ng kanyang utang.
Lucky color: White
Lucky number: 2
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Makinig ka sa opinyon ng ibang tao. Huwag kang mag-alala dahil pwede mo naman silang hindi sundin kung ayaw mo.
Love:
Singles: Mukhang may taong makikipagflirt sa iyo ngayong araw, pero mag-ingat ka lang dahil may iba siyang motibo sa iyo.
Money/Career:
Mukhang unti-unti nang nagbubunga ang paghihirap mo sa iyong trabaho.
Lucky color: Orange
Lucky number: 21
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Maganda ang araw na ito para yayain ang iyong mga kaibigan at gumimik sa labas. Magrelax-relax ka naman kahit minsan.
Love:
Couples: Sorpresahin mo ang iyong partner. Subukan mong magbago ng outfit at baka mas lalo siyang kiligin sa iyo.
Money/Career:
Huwag mo na pansinin ang gawa ng ibang tao sa iyong trabaho. Magfocus ka na lang sa iyong mga gawain.
Lucky color: Lavender
Lucky number: 21
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Mukhang marami ang magbabago ngayong araw kaya naman may chance na hindi rin masunod ang iyong schedule.
Love:
Couples: Kung panay sakit na lang ang nararamdaman mo sa inyong relasyon, marahil ay panahon na para wakasan ito.
Money/Career:
Maghinay-hinay ka lang sa paggastos dahil hindi naman palagi ay meron kang pera.
Lucky color: Lavender
Lucky number: 8
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Lumayo ka sa mga taong palagi na lamang negative mag-isip. Huwag mo ring hayaan na maimpluwensiyahan nila ang iyong mga desisyon.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para maging romantic sa iyong partner. Lumabas kayo at manood ng isang romantic film.
Money/Career:
Magpakitang-gilas ka na sa iyong trabaho lalo na kung nanonood ang iyong boss.
Lucky color: Red
Lucky number: 29
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Magiging maswerte ka ngayong araw dahil may chance na makatanggap ka ng regalo mula sa isang taong hindi mo inaasahan.
Love:
Singles: Subukan mong i-date ang taong hindi mo naman masyadong type. Malay mo ay mag-iba ang tingin mo sa kanya pagkatapos.
Money/Career:
Ibigay mo ang lahat ng iyong effort sa iyong mga gawain. Maging proud ka rin sa mga ito.
Lucky color: Pink
Lucky number: 16
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Huwag ka mag-alala kung marami mang tutol sa gusto mong gawin. Tandaan mo na meron pa ring mga tao na nakasuporta sa iyo.
Love:
Singles and Couples: Maganda ang araw na ito para maglaan ng maraming oras sa inyong mga pamilya.
Money/Career:
Mukhang magiging maswerte ka ngayong araw lalo na kung may kinalaman ito sa sugal.
Lucky color: Green
Lucky number: 28