Aries (Mar 21 – Apr 19)
Kung may problema ka, huwag kang mahiyang humingi ng guidance kay Lord. Pumunta ka sa simbahan at manalangin na muna.
Love:
Couples: Mukhang stressed ulit ang iyong partner kaya naman wala kang choice kundi pagpasensiyahan na lang muna siya.
Money/Career:
Kung hindi mo talaga trip ang iyong trabaho, marahil ay maghanap ka muna ng iba at kung sure ka na, tyaka ka na lumipat.
Lucky color: Purple
Lucky number: 21

Taurus (Apr 20 – May 20)
Okay lang naman na bigyan mo ng panahon ang isang bagay lalo na kung gusto mo naman ito. Pero tandaan mo na may ibang mga bagay pa rin na dapat mo ring bigyan ng oras.
Love:
Couples: Kung hindi mo gusto ang gagawin ng iyong partner, pag-usapan ninyo ito. Huwag ninyong paabutin sa punta na mag-aaway kayo.
Money/Career:
Kung meron kang malaking gastos na paparating, dapat ay paghandaan mo na ito simula ngayon.
Lucky color: Orange
Lucky number: 1

Gemini (May 21 – Jun 20)
Mukhang magiging okay naman ang araw mo ngayon. Pero magbabago ito lalo na kung pag-iinitan mo ang isang maliit na bagay.
Love:
Singles: Maganda ang araw na ito para yayain mong lumabas ang iyong pamilya, para naman makapagbonding kayo.
Money/Career:
Kung hindi mo bibilisan ang iyong trabaho, may chance na gabihin ka na naman ngayong araw.
Lucky color: Orange
Lucky number: 11

Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Kung nahihirapan kang gumawa ng desisyon, mas mabuting sundin mo na lang ang bagay kung saan ka mas magiging masaya.
Love:
Singles: Kung meron kang hindi nagugustuhan, sabihin mo ito. Huwag kang umasa na madali itong malalaman ng iba kung hindi ka magsasalita.
Money/Career:
Mukhang papalpak ang isa mong katrabaho ngayong araw kaya naman maiinis ka buong araw.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 16

Leo (Jul 23 – Aug 22)
Kung meron kang gustong baguhin sa iyong sarili, tiyakin mo muna na ginagawa mo ito para lalo mo pang ma-improve ang iyong personality.
Love:
Couples: Huwag mong hayaang mag-alala sa iyo ang iyong partner. Dapat ay balitaan mo siya palagi sa mga ganap sa iyong buhay.
Money/Career:
Kung hindi ka mag-iingat, may malaking chance na may mawala sa iyong pera ngayong araw.
Lucky color: Pink
Lucky number: 11

Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Mukhang may chance na matulungan ka ng isang tao ngayong araw, pero magtataka ka dahil hindi mo naman siya kilala.
Love:
Couples: Mukhang may malalaman kang bago tungkol sa iyong partner. Pero huwag kang mag-alala dahil mukhang good news naman ito.
Money/Career:
Bago ka pumasok sa isang investment, tanungin mo muna ang iyong mga magulang kung payag sila rito.
Lucky color: Rainbow
Lucky number: 21

Libra (Sep 23 – Oct 22)
Kung meron kang ginagawa at ipapabago ito, huwag ka na lamang magalit at umpisahan mo na lang ito ulit.
Love:
Singles: Huwag kang magpapressure sa iyong mga kamag-anak lalo na kung hinahanapan ka na nila ng taong makakasama mo.
Money/Career:
Kung masigasig ka lamang sa iyong trabaho, mas madali kang magiging successful dito.
Lucky color: Pink
Lucky number: 1

Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Mukhang magiging hectic ang schedule mo ngayong araw kaya naman kumilos ka na kaagad para maaga ka matapos.
Love:
Couples: Huwag mong huhusgahan ang iyong partner sa kanyang nagawa. Tanungin mo muna siya kung bakit niya ito nagawa.
Money/Career:
Huwag mong hayaang maging tamad ang iyong mga katrabaho. Ireport mo agad sila sa iyong boss.
Lucky color: Grey
Lucky number: 13

Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Iwasan mong baguhin ang iyong pasya, lalo na kung nasabi mo na ito sa iba. Magiging masama lang ang tingin nila sa iyo kung gagawin mo ito.
Love:
Couples: Mukhang may problema sa ngayong ang iyong partner kaya naman ibigay mo sa kanya ang buong suporta mo.
Money/Career:
Huwag ka makipag-away sa iyong mga katrabaho dahil lalo ka lamang mapapahamak sa huli.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 15

Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Mukhang magiging okay naman ang araw mo ngayon. Kung meron kang desisyon na dapat gawin, ikonsulta mo muna ito sa iba.
Love:
Couples: Kung parehas ang inyong trabaho, madali ninyo lang mauunawaan ang frustrations ng bawat isa.
Money/Career:
Dapat ay maging alert ka ngayong araw, lalo na at may taong balak kang siraan sa iyong boss.
Lucky color: Lavender
Lucky number: 27

Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Kung meron kang dapat na gawin ngayong araw, magfocus ka rito. Huwag mong hayaang madistract ka ng ibang bagay.
Love:
Couples: May malaking chance na maging romantic ka ngayong araw. Gumawa ka ng isang bagay para sorpresahin ang iyong partner.
Money/Career:
Huwag kang utuin ang isang tao, lalo na kung gusto mo lamang tumakas sa iyong trabaho.
Lucky color: Pink
Lucky number: 24

Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Kung meron kang bagay na dapat gawin, dapat ay tapusin mo muna ito bago ka lumipat sa ibang gawain.
Love:
Couples: Huwag mong pabayaan ang iyong partner. Hindi porke kaya niya ang kanyang sarili ay hindi ka na mag-aalala.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga estudyanteng pinaghahandaan ang kanilang research.
Lucky color: Orange
Lucky number: 14