Aries (Mar 21 – Apr 19)
Kahit na hectic ang iyong schedule, huwag mong kalimutang alagaan ang iyong sarili. Iwasan mong magkasakit.
Love:
Singles: Kung nahihirapan kang gumawa ng desisyon, subukan mong humingi ng opinyon galing sa ibang tao para makapag-isip ka.
Money/Career:
Bago ka gumastos sa isang bagay, siguraduhin mo muna na kailangan mo ito para hindi masayang ang pera mo.
Lucky color: Pink
Lucky number: 26
Taurus (Apr 20 – May 20)
Huwag ka muna makipagtalo sa araw na ito, lalo na kung ayaw mong tumaas na naman ang blood pressure mo.
Love:
Singles: Kung hindi ka naman pinapansin ng crush mo, mas mabuting ibaling mo na lang sa ibang tao ang iyong atensyon.
Money/Career:
May chance na magshopping ka ngayong araw. Okay lang ito lalo na kung marami ka namang naitabing pera.
Lucky color: Orange
Lucky number: 13
Gemini (May 21 – Jun 20)
Kung meron kang gustong simulan ngayong araw, gawin mo ito kaagad dahil magiging hectic ang iyong schedule.
Love:
Couples: Subukan mong yayain ang iyong partner sa isang malayong lugar, lalo na kung gusto ninyong makapag-unwind kahit papaano.
Money/Career:
Kahit na may problemang magpakita sa iyong trabaho, tiyak na magagawan mo naman ito ng paraan.
Lucky color: Rainbow
Lucky number: 19
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Huwag ka muna masyadong magtiwala sa isang tao ngayong araw, dahil may chance na magsinungaling siya sa iyo.
Love:
Singles: Mag-ingat ka sa iyong mga sasabihin dahil maaaring pagsisihan mo ito sa huli. Think before you speak.
Money/Career:
Humingi ka ng advice sa iyong mga kaibigan lalo na kung nahihirapan ka sa iyong trabaho.
Lucky color: Orange
Lucky number: 13
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Huwag ka muna mamasyal sa mall ngayon dahil may malaking chance na mapagastos ka ulit at mabawasan ang iyong ipon.
Love:
Couples: Mukhang may mangyayaring pagbabago sa inyong relasyon. Maging matatag lang kayo sa anumang mangyayari.
Money/Career:
Kung magaling ka sa iyong trabaho, may chance na pagkatiwalaan ka ng iyong boss sa iba pang mga bagay.
Lucky color: Green
Lucky number: 4
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Kung meron kang kakilala na malapit nang ikasal, huwag mong kalimutan na bigyan siya ng isang regalo.
Love:
Singles and Couples: Maglaan muna kayo ng oras sa inyong mga magulang. Gamitin ninyo ang araw na ito para makipagbonding sa kanila.
Money/Career:
Bago mo tanggapin ang isang bagay na inalok sa iyo, pag-isipan mo muna itong mabuti.
Lucky color: Dark violet
Lucky number: 14
Libra (Sep 23 – Oct 22)
May malaking chance na maging emosyonal ka ngayong araw. Huwag ka masyadong mag-alala dahil mukhang magiging positive naman ito.
Love:
Couples: Panahon na para ayusin ninyo ang anumang problema sa inyong relasyon. Dapat ay maging open din kayo sa isa’t-isa.
Money/Career:
Kung hindi ka confident sa iyong mga gawain, huwag mo itong ipahalata sa ibang tao.
Lucky color: White
Lucky number: 11
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Mukhang may malaking chance na madelay ang iyong mga gawain. Pero huwag kang mag-alala dahil hindi naman ikaw ay may kasalanan.
Love:
Couples: Huwag kayo agad magpaapekto sa sinasabi ng ibang tao. Kung wala kayong masamang ginagawa, wala kayong dapat alalahanin.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa construction ang trabaho.
Lucky color: Gold
Lucky number: 27
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Okay lang naman na sumubok ka ng isang bagay na bago para sa iyo, lalo na kung wala ka ng ibang choice.
Love:
Singles: Unti-unti ka nang nahuhulog sa iyong kaibigan. Huwag ka masyadong magpahalata para hindi maging awkward ang lahat.
Money/Career:
Kung naghahanap ka ng trabaho, mukhang ito na ang maswerteng araw mo.
Lucky color: Pink
Lucky number: 9
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Huwag ka kaagad manghusga ng iyong kapwa. Alamin mo muna ang buong story para naman hindi ka masabihang biased.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para lambingin mo ang iyong partner, lalo na kung gusto mong bumawi sa kanya.
Money/Career:
Subukan mong unawain ang ibang tao, lalo na kung gusto mong lumawak pa ang iyong mga koneksyon.
Lucky color: Violet
Lucky number: 7
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
May paparating na pagbabago sa iyong buhay. Hindi mo kailangang maging atat dito, kaya naman habaan mo na lang ang iyong pasensiya.
Love:
Couples: Sorpresahin mo ang iyong partner ngayong araw, lalo na kung medyo masama ang kanyang pakiramdam lately.
Money/Career:
Kung masipag ka talaga sa iyong trabaho, tiyak na uulanin ka ng swerte rito.
Lucky color: Red
Lucky number: 15
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Kung magulo ang iyong isip, mas mabuting huwag ka na munang gumawa ng desisyon para hindi ka mahirapan.
Love:
Couples: Mukhang magiging matigas ang ulo ng iyong partner ngayong araw, kaya naman maaaring mag-away ulit kayo.
Money/Career:
Magrelax ka naman. Dapat ay binibigyan mo rin ang sarili mo na makapagpahinga.
Lucky color: Blue
Lucky number: 3