in ,

Daily Horoscope: May 4, 2018 – Friday

Aries (Mar 21 – Apr 19)
Huwag mong hayaang pilitin ka ng ibang tao sa isang bagay na hindi mo naman talaga gusto. Sundin mo ang iyong sarili.
Love:
Couples: Kung gusto mo na ilevel up ang inyong relasyon, marahil ay ikaw na ang gumawa ng first move para rito.
Money/Career:
Mukhang magkakaroon ka ng business trip sa mga susunod na araw.
Lucky color: Red
Lucky number: 10

Taurus (Apr 20 – May 20)
Huwag kang magpabaya sa iyong mga gawain. Magfocus ka sa mga ito para hindi ka rin magkamali.
Love:
Singles: Mukhang may kilala ka na malapit na ikasal. Kaya naman huwag mong kalimutang bigyan siya ng regalo.
Money/Career:
Kung may oportunidad na dumating sa iyo, tanggapin mo ito lalo na kung may experience ka sa bagay na ito.
Lucky color: Pink
Lucky number: 3

Gemini (May 21 – Jun 20)
Huwag mong takasan ang mga bagay na dapat mong gawin. Harapin mo ang mga ito para matapos na lang.
Love:
Couples: Huwag mong huhusgahan kaagad ang iyong partner, lalo na kung wala ka namang ebidensiya sa sinasabi mo.
Money/Career:
Ito na ang tamang panahon para magpakitang-gilas ka sa iyong boss.
Lucky color: Cream
Lucky number: 22

Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Mukhang may chance na makapagtravel ka sa mga susunod na araw. Make sure na meron kang pera para may panggastos ka.
Love:
Singles: Maglaan ka muna ng panahon sa iyong pamilya, lalo na kung meron kayong problema sa ngayon.
Money/Career:
Huwag ka na tamarin sa iyong mga gawain. Ikaw lang din ang mahihirapan sa huli kapag naging pasaway ka.
Lucky color: White
Lucky number: 4

Leo (Jul 23 – Aug 22)
Kung masyadong mataas ang iyong pangarap, dapat ay handa ka rin sa mahihirap na challenges na kasama nito.
Love:
Singles: Mukhang hindi pa ito ang tamang panahon para pumasok ka sa isang relasyon. May chance na hindi ka maging masaya kapag pinilit mo ito.
Money/Career:
Kung hindi man maging maganda ang araw mo ngayon, isipin mo na lang na maaaring magbago ito kinabukasan.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 7

Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Kung may negative na sinabi sa iyo ang isang tao, huwag ka muna magalit. Mag-isip ka muna at baka may point siya.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para pag-usapan ninyong dalawa ang isang issue na matagal ninyo na iniiwasan.
Money/Career:
Maging confident ka sa mga gawa mo at tiyak na mapapansin ito ng ibang tao.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 13

Libra (Sep 23 – Oct 22)
Huwag ka na mag-alala sa isang tao. Tiyak na alam niya ang kanyang ginagawa kaya naman suportahan mo na lang siya.
Love:
Couples: Huwag ka masyadong masungit sa iyong partner. Kung meron kang gustong ipagawa sa kanya, sabihin mo ito sa kanya nang maayos.
Money/Career:
Pag-aralan mong mabuti ang kilos ng iyong mga kalaban para malamangan mo sila.
Lucky color: Gold
Lucky number: 11

Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Kung meron kang problema, huwag kang mahiya at humingi ka ng tulong sa isang tao lalo na kung talagang stressed ka na.
Love:
Couples: May malaking chance na mainis ka sa iyong partner lalo na kung nagiging makulit siya lately.
Money/Career:
Huwag mong ipagpabukas ang mga bagay na kaya mo namang gawin ngayong araw.
Lucky color: Black
Lucky number: 16

Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Hindi ka sanay na walang ginagawa. Kaya naman bakit hindi mo subukang lumabas at pumunta sa park para magjogging.
Love:
Singles: Lumapit ka sa best friend mo lalo na kung meron kang problema na hindi mo masolusyunan.
Money/Career:
Kailangan mo munang magtipid sa ngayon. Huwag ka muna tumingin ng mga bagay na nakasale online.
Lucky color: Brown
Lucky number: 29

Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Huwag ka maniwala agad sa sinasabi ng ibang tao, lalo na kung hindi naman sila consistent sa kanilang pagkukwento.
Love:
Singles: May mga taong nagkakagusto sa iyo, pero dahil nahihiya sila, hindi nila ito magawang sabihin sa iyo.
Money/Career:
Gawin mo lang ang mga bagay na inutos sa iyo at tiyak na magiging maayos ang status ng iyong career.
Lucky color: Grey
Lucky number: 21

Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Mukhang hindi ito ang tamang araw para gumawa ka ng isang bagay na bago para sa iyo. May malaking chance na magkamali ka rito.
Love:
Singles: Huwag mong habulin ang isang tao na wala namang pagtingin sa iyo. Huwag mo gawing miserable ang buhay mo.
Money/Career:
Kahit na satisfied ka naman sa iyong trabaho, hindi pa rin tumitigil ang pagdating ng opportunities sa iyo.
Lucky color: Silver
Lucky number: 28

Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Mukhang makakapagbigay ka ng magandang advice sa isang tao ngayong araw at maaari ka niyang ilibre bilang pasasalamat.
Love:
Singles: Kung hindi mo naman feel ang isang tao, sabihin mo ito sa kanya para hindi na siya umasa pa.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa networking ang trabaho.
Lucky color: Red
Lucky number: 21

Comments

Maymay Entrata has what it takes to be Asia’s Next Top Model

Suzette Doctolero quips Ogie Diaz’s comments