in ,

Daily Horoscope: June 1, 2018 – Friday

Aries (Mar 21 – Apr 19)
May malaking chance na maging emosyonal ka ngayong araw, kaya naman huwag ka kaagad gagawa ng desisyon lalo na kung malungkot ka.
Love:
Singles: May malaking chance na hindi ka maintindihan ng ibang tao, kaya naman mag-explain ka nang mabuti sa kanila.
Money/Career:
Kung gusto mong maghanap ng ibang trabaho, gawin mo ito habang may job opening pa sa company na gusto mo.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 12

Taurus (Apr 20 – May 20)
Bago ka magcommit sa isang bagay, siguraduhin mo muna na makakapagbigay ka rito ng panahon para hindi masayang ang efforts mo.
Love:
Couples: May malaking chance na malito ka ngayong araw, lalo na kung kakaiba ang kinikilos ng iyong partner.
Money/Career:
Kung magfofocus ka nang mabuti sa iyong trabaho, tiyak na marami kang gawain na matatapos.
Lucky color: Pink
Lucky number: 27

Gemini (May 21 – Jun 20)
Mukhang ito na ang tamang panahon para bigyan mo ng oras ang isang bagay na talaga namang gusto mong gawin.
Love:
Singles: Mukhang may taong gustong dumiskarte sa iyo, kaya naman huwag kang magpapadala kaagad sa kanyang mga gagawin.
Money/Career:
Huwag ka masyadong maingay sa iyong trabaho, dahil may malaking chance na may maistorbo ka.
Lucky color: Purple
Lucky number: 27

Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Mukhang makakapagbigay ka ng magandang advice sa isang tao ngayong araw, kaya naman magpapasalamat siya sa iyo.
Love:
Couples: Kung nagkakaroon ka ng problema sa pera, subukan mong humingi sa iyong partner at baka may ibigay siya sa iyo.
Money/Career:
Magfocus ka kung saan ka magaling at iyon ang iimprove mo.
Lucky color: Purple
Lucky number: 19

Leo (Jul 23 – Aug 22)
Subukan mong simulan kaagad sa umaga ang iyong mga gawain, para pagsapit ng hapon ay tapos mo na ang karamihan sa mga ito.
Love:
Couples: Huwag mong masyadong iignore ang iyong partner at may malaking chance na magtampo siya sa iyo.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa networking ang trabaho.
Lucky color: Orange
Lucky number: 30

Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Mag-ingat ka ngayong araw dahil may malaking chance na may taong kumontra sa mga gagawin mo at ikasira ito ng iyong mood.
Love:
Singles: May malaking chance na hindi ka makapunta sa isang event ngayong araw dahil sa sama ng panahon.
Money/Career:
Kung masaya ka sa iyong trabaho, hindi ka makakaramdam ng stress at makakapagperform ka nang maayos.
Lucky color: Orange
Lucky number: 19

Libra (Sep 23 – Oct 22)
May malaking chance na maging emosyonal ka ngayong araw, kaya naman umiwas ka muna sa mga senti na bagay.
Love:
Couples: Huwag mong balewalain ang iyong partner. Kung nag-eeffort siya para sa iyo, dapat ay mag-effort ka rin para sa kanya.
Money/Career:
Mukhang may pagbabago na darating sa iyong trabaho at may malaking chance na hindi mo ito magustuhan.
Lucky color: Lavender
Lucky number: 23

Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Kung bored ka na sa iyong mga ginagawa, marahil ay panahon na para maghanap ka ng bagong hobby para naman mabuhayan ka.
Love:
Singles: Huwag mong madaliin ang mga bagay-bagay. Kung hindi pa ito ang tamang panahon, mas mabuti kung habaan mo na lang ang iyong pasensiya.
Money/Career:
Subukan mong tumingin sa mga naka-sale online at baka may deal kang magustuhan.
Lucky color: Red
Lucky number: 21

Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Huwag mong kalimutan na alagaan ang iyong sarili. Iwasan mo na ang pagpupuyat para naman makabawi ang iyong katawan.
Love:
Singles: Huwag mo na pansinin ang mali sa ibang tao at magfocus ka na lamang sa iyong sarili at sa iyong mga gawain.
Money/Career:
Hindi pa ito ang tamang panahon para ikaw ay kumuha ng bagong credit card.
Lucky color: Red
Lucky number: 2

Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Kailangan mo na magdesisyon tungkol sa isang bagay, lalo na kung nakakaapekto na ito masyado sa iyong mga gawain.
Love:
Couples: Suportahan mo ang iyong partner sa kanyang mga gusto, kahit na hindi mo masyadong hilig ang kanyang ginagawa.
Money/Career:
Ilayo mo na ang sarili mo sa mga taong lumalapit lang sa iyo tuwing may kailangan sila.
Lucky color: Cream
Lucky number: 30

Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Huwag mong kalimutan na icheck ang iyong email at maaaring may matanggap kang good news tungkol sa isang bagay.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para maging romantic ka sa iyong partner. Gawin ninyo ang isang hobby na gusto niya.
Money/Career:
Huwag ka muna makialam sa problema ng ibang tao lalo na kung ayaw mong madamay rito.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 14

Pisces (Feb 19 – Mar 20)
May darating na oportunidad sa iyo, pero kailangan mong kunin ito kaagad dahil may chance na maagaw ito ng iba.
Love:
Singles: Maging confident ka sa iyong sarili, para naman hindi bumaba ang tingin sa iyo ng ibang tao.
Money/Career:
Kung pinaplano mong gumastos ngayong araw sa isang bagay na talagang gusto mo, gawin mo ito lalo na kung marami ka namang ipon.
Lucky color: Rainbow
Lucky number: 21

Comments

Maine Mendoza visits Pokwang and Baby Malia

Bailey May graduates Grade 10 at Eton International School