Aries (Mar 21 – Apr 19)
Maaaring may mga taong pumigil sa iyong gustong gawin. Pero kung sigurado ka naman dito, huwag ka na mag-alala at ituloy mo na lang.
Love:
Couples: Subukan ninyong i-treat ang inyong mga magulang ngayong araw, lalo na kung marami naman kayong free time.
Money/Career:
Kailangan mong bilisan ang pag-iisip para naman hindi ka magtagal sa isang problema.
Lucky color: White
Lucky number: 16

Taurus (Apr 20 – May 20)
Huwag kang mag-alala kung marami kang nagawang mali ngayong araw. Aksyunan mo na lang ito kaagad para hindi na ito lumala.
Love:
Singles: Magiging maganda ang araw na ito para sa iyo lalo na kung ikaw ay naghahanap ng makakapartner mo sa buhay.
Money/Career:
Huwag mo hayaang maipit ka sa isang sitwasyon na wala ka naman talagang kinalaman.
Lucky color: Grey
Lucky number: 11

Gemini (May 21 – Jun 20)
Kung may pinoproblema ang iyong pamilya, ayusin ninyo muna ito para naman hindi na masyadong sumakit ang iyong ulo.
Love:
Singles: Huwag ka na tumingin pa sa malayo dahil nandiyan lamang sa paligid mo ang taong nakalaan para saiyo.
Money/Career:
Kung sapat na ang iyong naipon na pera, maaari mo na bilhin ang isang bagay na matagal mo na gusto.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 4

Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Kung may gusto kang ayusin sa inyong bahay ngayong araw, gawin mo na agad ito bago ka pa abutan ng ulan.
Love:
Couples: Huwag ka na muna makipagtalo sa iyong partner dahil tiyak na maiinis ka lang at masisira ang iyong araw.
Money/Career:
Huwag ka na mainggit sa mga nakuha ng ibang tao. Maging masaya ka na lamang para sa kanila.
Lucky color: Red
Lucky number: 21

Leo (Jul 23 – Aug 22)
Kung masama ang iyong pakiramdam, mas mabuti na huwag na lang muna umalis ng bahay para makapagpahinga ka.
Love:
Couples: Kung palagi na lang kayong nag-aaway, subukan ninyo munang mag-cool off para makapag-isip kayong dalawa.
Money/career:
Masaya ka naman sa iyong trabaho. Pero kung hindi na sapat ang kinikita mo rito, maaaring panahon na para maghanap ka ng ibang mapapasukan.
Lucky color: Pink
Lucky number: 1

Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Kung nag-eeffort sa iyo ang isang tao, matuto ka namang magpasalamat sa kanya dahil at least meron siyang pakialam sa iyo.
Love:
Singles: Kung may magflirt sa iyo ngayong araw, huwag ka muna magpapadala sa kanya at baka meron lang siyang kailangan sa iyo.
Money/Career:
Hindi ka masyado makakapagrelax ngayong araw dahil tiyak na matatambakan ka ng mga gawain.
Lucky color: Red
Lucky number: 1

Libra (Sep 23 – Oct 22)
Huwag ka kaagad maniniwala sa sinasabi ng ibang tao lalo na kung wala naman silang basehan tungkol dito.
Love:
Singles: Ito na ang tamang panahon para aminin mo sa isang tao ang iyong nararamdaman sa kanya. Huwag mo na ito i-delay pa.
Money/Career:
Bago ka pumayag sa isang offer, isipin mo muna ang positive at negative effects nito sa iyo.
Lucky color: Blue
Lucky number: 29

Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Huwag ka masyadong magpagod ngayong araw. Magpahinga ka kung magkakaroon ka ng pagkakataon at ingatan mo ang iyong pangangatawan.
Love:
Couples: Kung hindi ka na naiintindihan ng iyong partner sa iyong mga ginagawa, marahil ay panahon na para wakasan ninyo ang inyong pagsasama.
Money/Career:
Bago mo bilhin ang isang bagay, isipin mo muna kung talaga bang kailangan mo ito.
Lucky color: Green
Lucky number: 2

Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Kung hindi ka sure kung dapat mong sundin ang isang bagay na sinabi sa iyo, subukan mong humingi ng opinyon sa ibang tao.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para maging romantic ka sa iyong partner. Pwede mo siyang dalhin sa kanyang favorite na resto.
Money/Career:
Maaaring makakuha ka ng bonus sa buwan na ito lalo na kung naging masipag ka talaga sa iyong trabaho.
Lucky color: Black
Lucky number: 30

Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Huwag mo na lamang pansinin ang isang tao lalo na kung gusto niya lang na guluhin ka. Mas mabuting lumayo ka na lamang sa kanya.
Love:
Couples: Mag-ingat ka sa iyong mga kilos dahil baka iba ang isipin ng iyong partner tungkol dito.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa sasakyan ang trabaho.
Lucky color: Grey
Lucky number: 29

Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Hindi pa huli ang lahat para pagplanuhan mo ang isang bagay. Gawin mo ang lahat para maging successful ito.
Love:
Singles: Subukan mong humingi ng love tips sa iyong mga kaibigan para hindi ka gaano maging sawi sa pag-ibig.
Money/Career:
Mukhang may pagbabago na darating sa iyong career kaya naman paghandaan mo ito.
Lucky color: Brown
Lucky number: 3

Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Mukhang magiging madaldal ka ngayong araw. Mag-ingat ka lang at baka may masabi kang hindi dapat sa ibang tao.
Love:
Singles: Unahin mo muna ang commitment mo sa iyong pamilya bago ang ibang bagay. Huwag kang mag-alala dahil magiging maswerte ka naman dahil dito.
Money/Career:
Maging proud ka sa mga gawa mo lalo na kung talagang pinagpaguran mo ang mga ito.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 25