Aries (Mar 21 – Apr 19)
Mukhang ito na ang tamang oras para simulan mo ang isang bagay na dapat ay matagal mo na ginawa.
Love:
Couples: May chance na maging aggressive ang iyong partner ngayong araw at magtataka ka tuloy kung bakit.
Money/Career:
Mukhang natututo ka na magtipid. Ipagpatuloy mo lang ito para mas lalo pang dumami ang iyong pera.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 15
Taurus (Apr 20 – May 20)
Huwag mo huhusgahan agad ang isang tao lalo na kung hindi mo pa naman siya lubusan na kakilala. Mag-observe-observe ka muna sa mga kilos niya.
Love:
Couples: Kung may sakit ang iyong partner, alagaan mo siya lalo na kung may free time ka naman ngayong araw.
Money/Career:
Kahit na kaya mo namang tapusin ang iyong mga gawain, may chance na tamarin ka pa rin sa paggawa ng mga ito.
Lucky color: Blue
Lucky number: 18
Gemini (May 21 – Jun 20)
Maaaring mairita ka sa isang tao ngayong araw, lalo na kung pilit ka pa rin niyang kinukulit tungkol sa isang bagay.
Love:
Couples: Maglaan ka ng maraming oras sa iyong partner, lalo na kung gusto mong makabawi sa mga panahon na naging busy ka.
Money/Career:
Mukhang ito na ang tamang panahon para baguhin mo ang iyong strategy sa iyong trabaho.
Lucky color: Orange
Lucky number: 13
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Ayusin mong mabuti ang iyong schedule para naman hindi ka magkaroon ng conflict kapag may lakad ang iyong barkada.
Love:
Singles: Mukhang may chance na bumisita sa iyo ang iyong mga kamag-anak at baka meron silang kakilala na pwede mong i-date.
Money/Career:
Kahit na magiging busy ka ngayong araw, tiyak naman na mag-eenjoy ka sa mga ito.
Lucky color: Purple
Lucky number: 28
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Huwag ka muna makialam sa problema ng ibang tao, dahil may chance na mas lalo pang lumala ito dahil sa iyo.
Love:
Couples: Kung may gustong subukang bagong bagay ang iyong partner, suportahan mo siya. Huwag mo rin siyang tawanan kapag nagkamali siya.
Money/Career:
Huwag ka muna gumastos ng malaki sa ibang bagay na hindi masyadong importante, dahil baka may kailangan kang ipaayos sa iyong tahanan.
Lucky color: Red
Lucky number: 10
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Kung may suggestion sa iyo ang iyong kaibigan, subukan mo itong gawin at baka makatulong talaga ito sa iyo.
Love:
Couples: May chance na hindi kayo magkaintindihan ng iyong partner ngayong araw. Subukan mong mag-explain nang mabuti para sa kanya.
Money/Career:
Kahit na marami kang gawain, makakapagfocus ka naman sa mga ito kaya hindi ka gaano magkakaroon ng problema.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 13
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Mukhang may matatanggap ka na good news ngayong araw. Ikaw na ang bahala kung gusto mo itong ishare sa ibang tao.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para maging sweet ka sa iyong partner. Pwede ka mag-isip ng isang surprise para sa kanya.
Money/Career:
Huwag mong kalimutan na pasalamatan ang mga taong tumulong sa iyo para maging successful.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 5
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Suportahan mo ang isang tao sa kanyang gagawin lalo na kung feeling mo ay kaya niya naman ito. Bigyan mo rin siya ng tips kung gusto mo.
Love:
Couples: May chance na mawalan ka ng pera ngayong araw, pero subukan mong humingi sa iyong partner at baka meron siyang maibigay sa iyo.
Money/Career:
Magfocus ka sa iyong trabaho para naman hindi ka mapagalitan ng iyong boss.
Lucky color: Green
Lucky number: 15
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Huwag mong kalimutan na alagaan ang iyong sarili. Umiwas ka muna sa pagbili ng mga pagkain na nilalako sa daan.
Love:
Couples: Kung may problema ang iyong pamilya, unahin mo munang ayusin ito. Tiyak naman na maiintindihan ka ng iyong partner.
Money/Career:
Mag-ingat ka ngayong araw dahil may chance na isumbong ka ng iyong katrabaho sa iyong boss.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 28
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Maaaring maging moody ka ngayong araw, kaya naman mas mabuting layuan ka muna ng mga taong makukulit.
Love:
Couples: Kung hindi ka naiintindihan ng iyong partner, bigyan mo siya ng oras. Habaan mo na lang ang iyong pasensiya sa kanya.
Money/Career:
May chance na maging masipag ka ngayong araw, kaya naman matatapos mo halos lahat ng iyong mga gawain.
Lucky color: Cream
Lucky number: 5
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Huwag mo muna paniwalaan ang sasabihin ng ibang tao, lalo na kung narinig lang din nila ito sa iba.
Love:
Singles: Kung hindi ka talaga pinapansin ng taong nagugustuhan mo, maaaring hindi talaga siya ang taong para sa iyo.
Money/Career:
Iwasan mong mainggit sa mga natatanggap ng ibang tao. Maging masaya ka na lamang para sa kanila.
Lucky color: Pink
Lucky number: 5
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Mukhang panahon na para umiwas ka muna sa mga online shopping websites para makaiwas ka sa paggastos.
Love:
Singles: Bigyan mo ng second chance ang isang tao, lalo na kung deserve niya ito at napakita niya na nagbago na siya.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa kotse ang trabaho.
Lucky color: Purple
Lucky number: 12