in ,

Daily Horoscope: June 26, 2018 – Tuesday

Aries (Mar 21 – Apr 19)
Kung may gustong ipagawa sa iyo ang isang tao, pagbigyan mo na lang siya lalo na kung kaya mo naman na gawin ito.
Love:
Singles: Kung gusto mo talagang mapansin ka ng taong nagugustuhan mo, iapproach mo na siya at huwag ka na mahiya.
Money/Career:
Kung medyo malungkot ka, subukan mong bumili ng regalo para sa iyong sarili.
Lucky color: Green
Lucky number: 21

Taurus (Apr 20 – May 20)
Huwag ka muna makipagtalo sa isang tao ngayong araw. Subukan mo munang gawin ang gusto niya para makita niya mismo kung tama ba ito o mali.
Love:
Couples: Kung medyo kumplikado ang status ninyo kamakailan, mas mabuti siguro kung huwag muna kayong magkita para makapag-isip-isip kayo.
Money/Career:
Huwag mo muna agad tatanggapin ang isang offer lalo na kung masyado itong maganda. Suriin mo muna itong mabuti.
Lucky color: Grey
Lucky number: 25

Gemini (May 21 – Jun 20)
Huwag mong kalimutang linisin ang iyong kwarto. Marahil ay makita mo na ang bagay na hinahanap mo kapag ginawa mo ito.
Love:
Singles: Huwag kang mahiyang kausapin ang mga taong hindi mo kilala. Panahon na para palawakin mo ang iyong social circle.
Money/Career:
Kung may inalok sa iyong trabaho at mukhang maganda naman ang kita rito, tanggapin mo na ito kaagad.
Lucky color: Pink
Lucky number: 8

Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Huwag ka muna kumain sa labas ngayong araw, dahil may chance na sumakit ang iyong tiyan. Magbaon ka na lang muna.
Love:
Singles: Kung may tao kang nagugustuhan, kilalanin mo muna siyang mabuti para naman hindi masayang ang panahon mo sa kanya.
Money/Career:
Huwag mong iwasan ang iyong mga gawain. Huwag mo ring ipagawa ito sa ibang tao.
Lucky color: Blue
Lucky number: 12

Leo (Jul 23 – Aug 22)
Mukhang nagbago ka na talaga. Nakikinig ka na sa sinasabi ng ibang tao at hindi ka na rin gaanong pasaway.
Love:
Couples: Kung may problema kayong dalawa, pag-usapan ninyo ito. Huwag ninyong daanin ito sa dedmahan.
Money/Career:
Huwag ka muna makipagtalo sa iyong mga kasama, dahil tiyak na magiging malala lang ang sitwasyon.
Lucky color: Pink
Lucky number: 15

Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Umiwas ka muna sa pagtanggap ng mga gawain na hindi mo masyadong alam gawin, dahil may chance na magkamali ka at sisihin ka ng lahat.
Love:
Couples: Hindi mo kailangang magmadali sa inyong relasyon. Magdahan-dahan lang kayo at ienjoy ang bawat sandali na magkasama kayo.
Money/Career:
Kung hindi na sapat ang iyong kinikita, marahil ay panahon na para ikaw ay maghanap ng panibagong trabaho.
Lucky color: Black
Lucky number: 9

Libra (Sep 23 – Oct 22)
Huwag ka muna makialam sa problema ng ibang tao, lalo na kung wala ka naman talagang kinalaman dito. Huwag ka na makitsismis.
Love:
Couples: Huwag mo na lamang kontrahin ang partner mo sa kanyang gustong gawin. Hayaan mo na lang siya para hindi ka na niya masisi.
Money/Career:
Mukhang makakatanggap ka ng advice ngayong araw na tiyak na makakatulong talaga sa iyo.
Lucky color: Red
Lucky number: 24

Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Mas mabuti kung sundin mo muna ang sinasabi ng iyong mga kutob at hinala dahil may malaking chance na magkatotoo ang mga ito ngayong araw.
Love:
Singles: Huwag ka muna magmadali na magkaroon ng love life. Darating din ang tamang panahon para rito kaya chill ka lang.
Money/Career:
Kung hindi mo talaga gusto ang iyong trabaho, may chance talaga na hindi ka magtagal rito.
Lucky color: Red
Lucky number: 28

Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Makinig ka sa sinasabi ng ibang tao. Maaaring gusto lang talaga nilang makatulong kaya naman huwag ka maging close-minded.
Love:
Couples: Huwag ka masyadong maging demanding sa iyong partner dahil kung hindi, masasakal lamang siya at baka lumayo siya sa iyo.
Money/Career:
May malaking chance na maging energetic ka ngayong araw kaya naman marami kang gawain na matatapos.
Lucky color: Blue
Lucky number: 14

Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Kung meron kang gustong puntahan na lugar at kung marami ka namang free time, gawin mo na ito ngayong araw.
Love:
Singles: Subukan mong sumama sa mga lakad ng iyong mga kaibigan, lalo na kung tungkol ito sa isang malaking event.
Money/Career:
Kung merong taong mag-offer sa iyo ng trabaho, tanggapin mo ito lalo na kung sawa ka na sa recent job mo.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 5

Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Bago ka magpayo sa isang tao, icheck mo muna kung aayon ba ito sa kanyang sitwasyon para naman hindi ka niya masisi.
Love:
Couples: Yayain mo ang iyong partner sa isang date ngayong araw. Gawin ninyong memorable ang araw na ito.
Money/Career:
Huwag ka na muna magworry sa pera, dahil tiyak na meron kang matatanggap sa mga susunod na araw.
Lucky color: Dark violet
Lucky number: 6

Pisces (Feb 19 – Mar 20)
May malaking chance na may matanggap ka na good news ngayong araw. Ikaw na ang bahala kung gusto mo itong ishare sa iyong pamilya.
Love:
Couples: Magtiwala ka lang sa iyong partner. Makinig ka sa mga sasabihin niya dahil buo rin
naman ang tiwala niya sa iyo.
Money/Career:
Mukhang magkakaroon ka ng maraming oras para tapusin ang isang bagay sa iyong trabaho.
Lucky color: Orange
Lucky number: 26

Comments

Netizens and public officials defend Pres. Rodrigo Duterte’s statement about “stupid God”

Did Paolo Ballesteros, Sebastian Castro call it quits after 3 months?