Aries (Mar 21 – Apr 19)
Kung gusto mong mabawasan ang iyong stress, subukan mong sumali sa isang outdoor activity o exercise para naman maaliw ka.
Love:
Couples: Huwag kang mainsecure sa ex ng iyong partner. Ang mahalaga ngayon ay ikaw ang kasama niya at hindi siya.
Money/Career:
Huwag ka masyadong ma-disappoint lalo na kung hindi nangyari ang iyong inexpect. Maaaring hindi pa ito ang tamang panahon para roon.
Lucky color: Pink
Lucky number: 1
Taurus (Apr 20 – May 20)
Maging positive ka lang ngayong araw. Huwag ka masyadong magpaapekto sa sinasabi ng ibang tao lalo na kung hindi naman ito totoo.
Love:
Couples: Subukan mong yayain ang iyong partner sa isang dinner, lalo na kung gusto mong bumawi sa mga panahon na naging busy ka.
Money/Career:
Kung hihingi ka ng tulong sa iba, ayusin mo ang salita mo at huwag ung parang nang-uutos ka.
Lucky color: Blue
Lucky number: 21
Gemini (May 21 – Jun 20)
Kung meron kang importanteng gagawin ngayong araw, huwag kang magpaistorbo sa ibang tao. Ikaw na mismo ang umiwas sa kanila.
Love:
Couples: Okay lang naman kung meron kang sasabihin na sikreto sa iyong partner, pero huwag mo naman ishare lahat.
Money/Career:
Kumalma ka lang. Importante na matino ang iyong isip kapag may problema na dumating sa iyong trabaho.
Lucky color: White
Lucky number: 26
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Magtiwala ka sa iyong gagawin. Hindi ka naman pagtatawanan ng iba lalo na kung alam mong tama ka.
Love:
Couples: Kung stressed ang iyong partner, subukan mong maging sweet sa kanya para naman gumanda ang mood niya.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa public sector ang trabaho.
Lucky color: Black
Lucky number: 9
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Mag-ingat ka ngayong araw, dahil may malaking chance na magkamali ka sa iyong gagawing desisyon. Mag-isip kang mabuti bago ka umaksyon.
Love:
Couples: Regaluhan mo ang iyong partner lalo na kung meron kang atraso sa kanya. At syempre, huwag mong kalimutang magsorry.
Money/Career:
May chance na tumaas ang iyong sahod. Un lang, mas lalo kang matatambakan ng mga gawain.
Lucky color: Green
Lucky number: 13
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Huwag kang matakot na gumawa ng hakbang, lalo na kung nagmamadali ka na at gahol na gahol ka na sa oras.
Love:
Singles: Mukhang may taong nagkakagusto sa iyo at kilala mo siya kaya naman talasan mo ang iyong pakiramdam.
Money/Career:
Kahit na mahilig kang magsaya, tinatapos mo naman ang iyong mga gawain kaya hindi ka magkakaroon ng problema.
Lucky color: Rose
Lucky number: 24
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Mababawasan na rin ang iyong mga gawain kaya naman magkakaroon ka na ng oras para ikaw ay makapagpahinga.
Love:
Couples: Huwag ka na makulit sa iyong partner. Kung ayaw ka niyang pagbigyan sa iyong gusto, huwag mo na siyang pilitin pa.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa visual arts ang trabaho.
Lucky color: Purple
Lucky number: 5
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Makinig ka sa sinasabi ng ibang tao, lalo na kung meron silang point. Malay mo, makatulong talaga ito sa iyo.
Love:
Couples: Huwag ka masyado maging pasaway sa iyong partner, lalo na kung stressed siya at baka mag-away lang kayo.
Money/Career:
Kung may nagawang mali ang iyong mga kasama, huwag ka na masyadong magalit. Mag-isip ka na lamang ng solusyon para rito.
Lucky color: Purple
Lucky number: 27
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Huwag kang umatras sa isang bagay lalo na kung nasimulan mo na ito. Tapusin mo ito kahit na hindi maging maganda ang resulta nito.
Love:
Couples: Huwag mo masyadong purihin ang iyong partner dahil may malaking chance na maging mahangin siya.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong ginagawa ang kanilang mga research.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 17
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Huwag ka masyadong mayabang sa iyong mga kaibigan, dahil may chance na mainis lang sila sa iyo at dedmahin ka.
Love:
Singles: Kahit na gusto mong gumala ngayong araw, masyadong marami ang iyong mga gawain kaya naman ipagpabukas mo na lang ito.
Money/Career:
Kung merong magbibigay sa iyo ng advice, sundin mo ito para naman hindi masayang ang effort nila.
Lucky color: Green
Lucky number: 6
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
May malaking chance na maging emosyonal ka ngayong araw, kaya naman idistansya mo muna ang sarili mo sa ibang tao.
Love:
Singles: Mukhang obvious naman kung sino ang nagkakagusto sa iyo, pero hindi mo talaga siya nakikita kasi nakafocus ka sa iba.
Money/Career:
Mag-iimprove din ang status ng iyong career, kaya naman hindi mo kailangang magmadali.
Lucky color: Pink
Lucky number: 12
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Maaaring may taong bibisita sa iyo ngayong araw, kaya naman huwag mong kalimutan na ipaghanda siya.
Love:
Couples: Habaan mo ang pasensiya mo sa iyong partner, lalo na kung hindi niya talaga naiintindihan ang mga ginagawa mo.
Money/Career:
Mukhang may chance na umalis ka sa iyong trabaho, lalo na kung hindi mo talaga gusto ang iyong ginagawa.
Lucky color: Red
Lucky number: 28