Aries (Mar 21 – Apr 19)
Kung meron kang dapat na gawin, simulan mo na ito kaagad para naman marami ka pang magawa buong araw.
Love:
Couples: Maging honest ka na lamang sa iyong partner kung meron siyang itatanong sa iyo. Maaaring magalit siya, pero at least malinis ang iyong konsensiya.
Money/Career:
Magfocus ka muna sa mga bagay na meron ka. Gamitin mo ang mga ito para kumita ka ng mas maraming pera.
Lucky color: Grey
Lucky number: 2
Taurus (Apr 20 – May 20)
Maaaring may mangyaring hindi mo inaasahan ngayong araw. Pero kung tama ang iyong gagawin, tiyak na papabor ito sa iyo.
Love:
Couples: Huwag ka muna maging demanding sa iyong partner. Hayaan mo muna siyang makapagpahinga para naman makabawi siya ng lakas.
Money/Career:
Kung gusto mong magtayo ng iyong sariling business, gawin mo na ito habang maaga pa.
Lucky color: Green
Lucky number: 9
Gemini (May 21 – Jun 20)
May malaking chance na magkaroon ka ng bisita ngayong araw, kaya naman huwag mong kalimutan na magluto at maglinis ng bahay.
Love:
Couples: Huwag ka na masyado maging malungkot kung hindi man natuloy ang plano ninyo. May susunod pa naman.
Money/Career:
Kung gusto mo munang magpahinga, gawin mo ito. Mas maganda na magkaroon ka muna ng lakas.
Lucky color: White
Lucky number: 27
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Hindi ito ang tamang panahon para idoubt mo ang iyong sarili. Meron kang kakayahan para gawin ang isang bagay kaya naman maniwala ka.
Love:
Couples: Kung wala naman kayong plano para sa araw na ito, mas mabuting manatili na lamang sa bahay para makapagpahinga.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa sasakyan ang trabaho.
Lucky color: Black
Lucky number: 6
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Huwag mo na masyadong kontrahin ang mga bagay na mangyayari. Sumunod ka na lamang sa agos para hindi ka na mahirapan pa.
Love:
Couples: Kung may pupuntahan kang event, subukan mong isama ang iyong partner para kung hindi ito matuloy, makakagala pa kayo.
Money/Career:
Huwag ka muna magpastress sa iyong trabaho dahil mas lalo lamang lalala ang kondisyon mo kapag inisip mo ito.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 26
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Huwag ka masyadong magtampo sa iba kung wala silang balak na tulungan ka. Kailangan mo lang marealize na kaya mo naman gawin ito ng mag-isa.
Love:
Singles: Mukhang may malaking chance na may magbago sa iyong mga plano ngayong araw. Dahil dito, may chance na makita mo ang taong nakalaan para sa iyo.
Money/Career:
Bago ka umalis ng iyong bahay, siguraduhin mo muna na natapos mo na ang mga bagay na inutos sa iyo.
Lucky color: Black
Lucky number: 21
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Hindi mo man maipaliwanag ang mararamdaman mo, makakasiguro ka na kukutuban ka ng maganda kung tama ang ginagawa mo.
Love:
Couples: Sinusuportahan ka naman palagi ng iyohg partner sa iyong mga ginagawa, kaya namanh hindi ito ang oras para mahiya ka sa kanya.
Money/Career:
Huwag ka na mainggit sa gamit ng ibang tao. Mag-ipon ka na lang muna at gamitin mo lang ito sa mga bagay na importante.
Lucky color: Cream
Lucky number: 25
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Kailangan mong marealize na may mga tao talaga na sadyang gusto kang bumagsak. Kaya naman piliin mo nang mabuti ang mga taong kinakasama mo.
Love:
Couples: Kung may dapat kayong pag-usapan ng iyong partner, gawin ninyo ito kaagad habang hindi pa malala ang lahat.
Money/Career:
Umatras ka muna sa paggawa ng isang bagay, lalo na kung alam mo sa sarili mo na hindi mo ito kaya.
Lucky color: Blue
Lucky number: 27
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Ingatan mo ang mga salita na iyong sasabihin ngayong araw, dahil may malaking chance na may masabi kang mali sa iba.
Love:
Couples: Bago ka magsabi sa iyong partner, piliin mong mabuti ang iyong mga sasabihin para hindi siya mag-assume ng hindi maganda.
Money/Career:
Mukhang may matatanggap kang pera mula sa isang tao na kilala. Huwag mong kalimutan na magpasalamat sa kanya.
Lucky color: Navy blue
Lucky number: 1
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Huwag ka masyadong kabahan kung bago para sa iyo ang iyong gagawin. Pag-aralan mo itong mabuti para naman maging handa ka.
Love:
Couples: Kung ikaw ay may mga anak na, mas mabuting ipasyal mo sila ngayong araw para naman maiba ang kanilang surroundings.
Money/Career:
Huwag agad iinit ang iyong ulo lalo na kung panay mali ang ginagawa ng iyong mga katrabaho.
Lucky color: Brown
Lucky number: 25
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Mas mabuting ayusin mo ang iyong schedule ngayong araw para naman maiwasan mong magkaroon ng conflict tungkol dito.
Love:
Singles: Ayusin mo ang iyong mga problema habang maaga pa. Pero kung hindi mo ito kakayaning mag-isa, humingi ka ng tulong sa iyong pamilya.
Money/Career:
Bago mo simulan ang iyong dapat na gawin, isipin mo muna kung ano ang pinakamabilis na solusyon para rito.
Lucky color: Orange
Lucky number: 18
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Huwag ka matakot na gawin ang isang bagay na bago para sa iyo. Maaaring maging magaling ka rito paglipas ng ilang araw.
Love:
Singles: Kung lagi ka niyang napapatawa, marahil ay ginagawa niya ito para naman mapansin mo siya. Matutong makiramdam.
Money/Career:
Kung hihingi ka ng tulong sa iba, tandaan mo na hindi lahat ng tao ay ibibigay sa iyo ito ng libre.
Lucky color: White
Lucky number: 1