Aries (Mar 21 – Apr 19)
Huwag mo na lang pansinin ang sinasabi ng ibang tao tungkol sa iyo, lalo na kung alam mo namang hindi ito totoo.
Love:
Singles: Huwag kang magmadali na magkaroon ng love life. May tamang panahon para diyan kaya naman magrelax ka lang.
Money/Career:
Huwag kang magpabaya sa iyong trabaho lalo na kung ayaw mong mapagalitan ka ng iyong boss.
Lucky color: Cream
Lucky number: 17
Taurus (Apr 20 – May 20)
Huwag ka mangako sa isang tao na gagawin mo ang isang bagay lalo na kung tatamarin ka namang simulan ito.
Love:
Singles: Mukhang marami kang karibal sa iyong crush, kaya naman gawin mo ang lahat para magstand-out ka sa kanila.
Money/Career:
Huwag ka kaagad pumayag sa isang offer. Huwag kang papasilaw agad sa mga pangako nito.
Lucky color: Blue
Lucky number: 5
Gemini (May 21 – Jun 20)
Hindi mo man maintindihan ang mga bagay-bagay, may maganda naman itong epekto sa iyo ngayong araw.
Love:
Couples: May malaking chance na itreat ka ng iyong partner ngayong araw. Huwag mong kalimutang magpasalamat pagkatapos.
Money/Career:
Huwag kang matakot na magkamali sa iyong trabaho, lalo na kung nagsisimula ka pa lang dito.
Lucky color: Green
Lucky number: 16
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Maganda ang araw na ito para simulan mo ang isang bagay na matagal mo nang gustong gawin. Maaaring maging maganda ang resulta nito.
Love:
Singles: Huwag ka kaagad magpapadala sa mga pangako ng ibang tao. Mas maganda kung nakikita mo ito kaysa sa sinasabi lang.
Money/Career:
Huwag kang mahiya na tanggihan ang isang bagay, lalo na kung feeling mo ay hindi mo talaga ito kaya.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 8
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Panahon na para aksyunan mo ang isang problema. Huwag mo na itong patagalin pa at baka lumala lamang ito.
Love:
Couples: Kung stressed ka na sa inyong relasyon, marahil ay panahon na para magcool-off muna kayo para makapag-isip kayong dalawa.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa pagtuturo ang trabaho.
Lucky color: Orange
Lucky number: 12
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Kung hindi ka naiintindihan ng ibang tao, subukan mong mag-explain nang mas mabuti para naman magets nila ang sinasabi mo.
Love:
Singles: Kung hindi mo gusto ang isang tao, sabihin mo ito agad sa kanya para naman hindi na siya umasa pa.
Money/Career:
Huwag ka basta-basta gumastos sa isang bagay lalo na kung hindi mo ito pinag-isipang mabuti.
Lucky color: Blue
Lucky number: 25
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Subukan mong umpisahan ng maaga ang iyong mga gawain para naman maaga ka rin matapos at makapagpahinga ka pa nang mahaba-haba.
Love:
Couples: Magrelax ka lang. Kahit na marami kayong problema, hindi ka makakapag-isip ng tama kung mapapraning ka.
Money/Career:
Magiging energetic ka ngayong araw kaya naman marami kang matatapos na mga gawain.
Lucky color: Grey
Lucky number: 23
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Huwag ka muna bumili ng pagkain na nilalako sa daan, dahil may chance na sumama ang tiyan mo dahil dito.
Love:
Couples: Irespeto mo na lang muna ang desisyon ng iyong partner. Marerealize din naman niya kung tama o mali ang kanyang nagawa.
Money/Career:
Mukhang makakakuha ka ng magandang deal ngayong araw at makakatapid ka ng malaki.
Lucky color: Black
Lucky number: 16
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Kung may taong nagtatampo sa iyo, huwag ka masyadong mag-alala lalo na kung siya naman talaga ang may kasalanan.
Love:
Couples: Subukan mong yayaing lumabas ang iyong partner lalo na kung hindi na kayo masyadong nakakapaglaan ng oras sa isa’t-isa.
Money/Career:
Huwag mo sayangin ang oras mo sa mga bagay na hindi naman masyadong importante.
Lucky color: Red
Lucky number: 20
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Sensitive ka sa feelings ng ibang tao, kaya naman madali lang para sa iyo na malaman kung may tinatago sila sa iyo.
Love:
Singles: Huwag kang magmadali na sagutin ang isang tao, lalo na kung hindi ka pa talaga sigurado rito.
Money/Career:
Magfocus ka muna sa problema ng iyong pamilya para naman makapagconcentrate ka na sa iyong trabaho.
Lucky color: Black
Lucky number: 25
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Huwag mo na lang sayangin ang oras mo sa mga taong nakakaalala lang sa tuwing may kailangan sila sa iyo.
Love:
Singles: Huwag mong pagsisihan ang ginawa mo lalo na kung iyon lang ang kaya mong gawin sa panahon na iyon.
Money/Career:
Huwag ka masyadong maingay sa iyong trabaho dahil may chance na makaistorbo ka sa ibang tao.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 29
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Kailangan mong ibigay ang tiwala mo sa isang tao lalo na kung siya lang talaga ang makakatulong sa iyo.
Love:
Singles: Huwag kang malungkot kung hindi mo pa nakikita ang taong nakalaan para sa iyo. Marami namang paraan para maging masaya ka.
Money/Career:
Maging humble ka lang palagi at tiyak na mas magiging bright ang iyong future.
Lucky color: Orange
Lucky number: 7