in ,

Daily Horoscope: July 19, 2018 – Thursday

Aries (Mar 21 – Apr 19)
Maging active ka sa social media ngayong araw, dahil may chance na may mabalitaan ka na importante para sa iyo.
Love:
Singles: Huwag kang mahiyang kausapin ang mga taong hindi mo kilala, lalo na kung meron ka talagang gustong itanong sa kanila.
Money/Career:
Kung saan ka magaling, iyon dapat ang iyong dinedevelop.
Lucky color: Lavender
Lucky number: 7

Taurus (Apr 20 – May 20)
Okay lang naman na gumastos ka, siguraduhin mo lang na hindi mo uubusin ang lahat ng iyong perang dala.
Love:
Singles: Subukan mong kumain sa mga resto na hindi mo pa napupuntahan at malay mo, merong taong lumapit sa iyo at magpakilala.
Money/Career:
Huwag ka na malungkot kung hindi masyadong maganda ang iyong araw. Lilipas din ang iyong problema.
Lucky color: Purple
Lucky number: 27

Gemini (May 21 – Jun 20)
Subukan mong maging creative sa iyong mga gawain at maaaring bumilib sa iyo ang mga tao sa iyong paligid.
Love:
Couples: Iparamdam mo sa iyong partner kung gaano siya kaimportante sa iyo. Pwede mo rin siyang i-treat ngayong araw.
Money/Career:
Maging masipag ka lang sa iyong trabaho at tiyak na magiging maayos din ang lahat sa huli.
Lucky color: White
Lucky number: 9

Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Huwag ka muna makipagtalo kahit kanino ngayong araw dahil tiyak na mapapahiya ka lang sa huli. Mas mabuting umiwas ka na lang.
Love:
Couples: Kung meron kang gustong baguhin sa iyong sarili, gawin mo ito lalo na kung makakatulong ito sa inyong relasyon.
Money/Career:
Huwag ka na muna masyadong gumastos sa mga bagay na hindi naman masyadong importante.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 21

Leo (Jul 23 – Aug 22)
Humingi ka ng tulong sa ibang tao lalo na kung feeling mo ay hindi mo kakayanin ang iyong mga gawain.
Love:
Couples: Intindihin mo na lamang ang iyong partner, lalo na kung masyado siyang maraming iniisip.
Money/Career:
Kung ineenjoy mo ang iyong trabaho, tiyak na hindi mo mapapansin ang takbo ng oras.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 6

Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Huwag ka masyadong mag-alala dahil mukhang tama naman ang iyong ginagawa. Magtiwala ka lang sa iyong sarili.
Love:
Singles: Maging positive ka lang palagi. Malasin ka man, tiyak na may darating na swerte kaagad sa iyo. Madalas ay hindi mo lang ito napapansin.
Money/Career:
Maaaring maging busy ka ngayong araw, marami ka namang matatapos na mga gawain.
Lucky color: Red
Lucky number: 29

Libra (Sep 23 – Oct 22)
Subukan mong sumama sa isang outing, lalo na kung may taong magyaya sa iyo. Huwag ka na mahiya at pumayag ka.
Love:
Singles: Huwag ka masyadong mag-expect sa tao na wala naman talagang pagtingin sa iyo. Ikaw lang ang masasaktan sa huli kapag hindi ka nag-ingat.
Money/Career:
Kung may kakausapin kang tao, dapat ay meron kang confidence para naman mapaniwala mo siya kaagad sa iyong mga sasabihin.
Lucky color: Grey
Lucky number: 22

Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Kung hindi mo na feel ang isang bagay, mas mabuting bitawan mo na lamang ito para hindi na masayang ang iyong oras.
Love:
Singles: Huwag mo masyadong taasan ang iyong expectations. Hindi ka makakahanap ng magiging partner mo kung mataas ang iyong standards.
Money/Career:
Huwag mo na pilitin ang iyong mga idea sa isang tao lalo na kung ayaw niya sa mga ito.
Lucky color: Silver
Lucky number: 21

Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Huwag kang matako sa challenges na haharapin mo ngayong araw. Tandaan mo na maraming tao ang sumusuporta sa iyo.
Love:
Singles: Mukhang handa ka na pumasok sa isang relasyon. Huwag mo lang kalimutan na ipaalam ito sa iyong mga magulang.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga estudyanteng may exam na pinaghahandaan.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 3

Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Huwag ka na maging awkward sa isang tao. Kung may nagawa kang mali sa kanya, magsorry ka para naman magkaayos na kayo.
Love:
Singles: Mukhang malapit ka na magkaroon ng love life kaya habaan mo pa ang iyong pasensiya. Konti na lang o.
Money/Career:
Magtipid ka muna sa ngayon, lalo na kung meron kang gustong gadget na bilhin.
Lucky color: Red
Lucky number: 27

Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Kung hindi maganda ang iyong pakiramdam, mas mabuting huwag ka na lumabas ng iyong bahay para naman makapagpahinga ka.
Love:
Couples: Huwag kang matakot na sabihin ang iyong problema sa iyong partner dahil tiyak naman na aalalayan ka niya.
Money/Career:
Kung hindi maganda ang iyong working environment, tiyak na hindi ka makakapagfocus sa iyong mga gawain.
Lucky color: Red
Lucky number: 24

Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Kung nagpromise ka sa isang tao tungkol sa isang bagay na gagawin mo, dapat ay simulan mo na ito bago mo pa makalimutan.
Love:
Singles: Mukhang may taong magpapakilig sa iyo ngayong araw. Pero huwag mo itong ipakita sa kanya lalo na kung nahihiya ka.
Money/Career:
Okay lang naman na sundin mo ang sinasabi ng ibang tao, pero gawin mo lang ang mga bagay na kaya mo.
Lucky color: Orange
Lucky number: 9

Comments

WATCH: Morissette Amon fails to hit the whistle part but handles it like a queen

Sofia Andres returns to “Bagani” after 3 months