Aries (Mar 21 – Apr 19)
Kung marami ka pang gagawin, mas mabuting huwag ka muna magpaistorbo sa iyong mga kaibigan para matapos ka kaagad.
Love:
Singles: Kilalanin mo munang mabuti ang isang tao. Huwag ka basta-basta susunod sa mga sasabihin niya lalo na kung ayaw niya mag-explain.
Money/Career:
Mukhang makakatanggap ka ng isang offer mula sa iyong kaibigan, lalo na kung naghahanap ka ng trabaho.
Lucky color: White
Lucky number: 8
Taurus (Apr 20 – May 20)
Huwag mong pabayaan ang iyong sarili. Uminom ka kaagad ng gamot lalo na kung masama ang iyong pakiramdam.
Love:
Couples: Huwag ka masyadong maging clingy sa isang tao dahil may malaking chance na magselos ang iyong partner.
Money/Career:
Huwag ka masyadong mag-alala kung tataas na naman ang pamasahe. Magsipag ka lang at maaaring mapromote ka sa iyong trabaho.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 14
Gemini (May 21 – Jun 20)
Kung nangako ka sa isang tao, tuparin mo ito. Huwag mong paasahin ang isang tao para hindi siya magalit sa iyo.
Love:
Couples: Kung may partner ka na, huwag ka na tumingin pa sa ibang tao. Pagsisimulan lang ito ng away ninyo.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa gobyerno ang trabaho.
Lucky color: Green
Lucky number: 25
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Makinig ka sa sasabihin sa iyo ng ibang tao. Paminsan-minsan, may point naman din sila kaya subukan mong itry ang kanilang suggestions.
Love:
Couples: Hindi mo kailangang magmadali sa inyong relasyon. Kung may pasensiya ka, mas magtatagal ang inyong pagsasama.
Money/Career:
Huwag mo na hintaying magalit pa ang iyong boss bago ka umaksyon.
Lucky color: Purple
Lucky number: 15
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Huwag kang matakot na gumawa ng desisyon. Hindi man maging madali ito, makakabuti naman sa iyo ito sa huli.
Love:
Couples: Hindi mo naman kailangang iconsider ang mga sasabihin sa iyo ng partner. Dapat ay walang pilitan para walang sisihan.
Money/Career:
Mukhang makakatanggap ka ng tulong ngayong araw mula sa isang tao na hindi mo inaasahan.
Lucky color: Pink
Lucky number: 26
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Huwag mong kukunin ang isang trabaho kung hindi mo rin naman ito gagawin. Ibigay mo na lamang ito sa iba para hindi na ito madelay.
Love:
Couples: Maging sweet ka sa iyong partner ngayong araw. Iyon lang, baka isipin niya na magpapalibre ka lamang.
Money/Career:
Para hindi ka mastress sa iyong trabaho, makipagkulitan ka rin sa mga kasama mo paminsan-minsan.
Lucky color: Yellow green
Lucky number: 24
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Huwag ka basta-basta magtiwala sa isang tao, lalo na kung may kinalaman ito sa pera. Pag-isipan mo muna itong mabuti.
Love:
Couples: Huwag mong hayaang maimpluwensiyahan ng ibang tao ang inyong relasyon dahil maaaring masira lamang ito.
Money/Career:
Panahon na para maghanap ka ng bagong trabaho, lalo na kung palagi na lamang delayed ang iyong sahod.
Lucky color: Blue
Lucky number: 30
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Makinig ka muna sa sasabihin ng iyong kutob at hinala ngayong araw, dahil may chance na magkatotoo ang mga ito.
Love:
Singles: Maging confident ka sa iyong sarili. Huwag mong hayaang masira ito dahil sa sasabihin ng ibang tao tungkol sa iyo.
Money/Career:
Subukan mo munang pumasyal sa isang mataong lugar at magmasid-masid sa paligid lalo na kung gusto mong mabawasan ang iyong stress.
Lucky color: Blue
Lucky number: 6
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Kahit na marami kang gawain ngayong araw, magagawa mo namang tapusin ang mga ito dahil isa kang masipag na tao.
Love:
Couples: I-treat mo ang iyong partner ngayong araw. Pwede kayong magdinner sa kanyang favorite na resto para naman maging happy siya.
Money/Career:
Magrelax-relax ka muna. Okay lang naman na regaluhan mo ang iyong sarili para magkaroon ka ng motivation.
Lucky color: Purple
Lucky number: 17
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Hindi ito ang tamang oras para magdalawang-isip ka pa. Kunin mo na agad ang isang bagay bago ka pa maunahan ng iba.
Love:
Couples: Kung masaya ka naman sa inyong pagsasama, ituloy mo lang ito. Okay lang na may mga bagay kang hindi magawa, lalo na kung maswerte ka naman sa iyong partner.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may sariling business.
Lucky color: Blue
Lucky number: 29
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Kung hihingi ka ng advice sa ibang tao, tandaan mo lang na nasa iyo pa rin ang final decision. At siyempre, walang sisihan.
Love:
Couples: Pagbigyan mo muna ang iyong partner sa kanyang gusto, lalo na kung ayaw mong mag-away pa kayo.
Money/Career:
Huwag ka na mainggit sa iyong mga kasama, lalo na kung wala sila masyadong ginagawa ngayong araw.
Lucky color: Lavender
Lucky number: 1
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Unahin mo munang asikasuhin ang problema ng iyong pamilya bago ang ibang tao. Ayusin ninyo na agad ito bago pa ito lumala.
Love:
Couples: Huwag ka muna makipagtalo sa iyong partner. Habaan mo na lamang ang iyong pasensiya at intindihin mo na lang siya.
Money/Career:
Makuntento ka sa kung anong meron ka. Huwag ka na mainggit at maging masipag ka na lang sa iyong trabaho.
Lucky color: Neon Green
Lucky number: 14