in ,

Daily Horoscope: July 27, 2018 – Friday

Aries (Mar 21 – Apr 19)
Kung hindi ka mag-iingat, tiyak na masasayang lang ang pera mo sa isang bagay lalo na kung hindi maganda ang quality nito.
Love:
Couples: Hindi mo naman kasalanan kung masyado kang busy sa iyong mga gawain. Bumawi ka na lang sa iyong partner para hindi na siya magtampo.
Money/Career:
Huwag mo na lang pansinin ang mga taong bitter sa iyo. Mas maganda kung magfofocus ka na lamang sa iyong mga gawain.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 13

Taurus (Apr 20 – May 20)
Kumalma ka lang. Huwag ka na masyadong mag-alala sa isang bagay, lalo na kung wala ka namang magagawa.
Love:
Couples: Mukhang may darating na pagbabago sa inyong relasyon. Mukhang nakasalalay sa iyong partner kung maganda ba ito o hindi.
Money/Career:
Humingi ka ng tulong sa iyong pamilya, lalo na kung hindi mo talaga kayang lutasin ang isang problema.
Lucky color: Cream
Lucky number: 3

Gemini (May 21 – Jun 20)
May chance na may magbago sa iyong schedule. Wala kang magagawa kundi mag-adjust dito para hindi ka na mahassle pa.
Love:
Singles: Mukhang may itsura ka naman. Pero kung hindi mo pa talaga nakikita ang taong nakalaan para sa iyo, kailangan mo lang na maghintay.
Money/Career:
Magsipag ka lang. Makakaipon ka rin kaya naman huwag ka na masyadong mastress sa ngayon.
Lucky color: Rainbow
Lucky number: 10

Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Huwag ka basta-basta manghuhusga ng iyong kapwa dahil may chance na mali pala ang akala mo tungkol sa kanya.
Love:
Couples: Magtiis ka na lang muna. Hindi man masyadong maganda ang status ninyo ngayon, tiyak naman na maaayos ninyo rin ito.
Money/Career:
Huwag ka na makipagtsismisan sa iyong mga kasama. Magfocus ka sa iyong mga gawain para hindi ka madelay.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 22

Leo (Jul 23 – Aug 22)
Huwag mo na pahirapan ang isang tao. Kung kaya mo naman siyang pagbigyan, gawin mo na lang ito para hindi na siya mastress.
Love:
Singles: Huwag mo masyadong taasan ang iyong expectations sa taong gusto mong maging partner. Mas mabuti kung matatanggap mo siya kung sino siya talaga.
Money/Career:
Mukhang may chance na magkaroon ng pagbabago sa iyong career, lalo na kung may balak kang pagkakitaan ang iyong talent.
Lucky color: Purple
Lucky number: 7

Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Mukhang unti-unti nang nawawala ang iyong mga problema. Tibayan mo lang ang iyong loob at gawin mo kung ano ang tama.
Love:
Couples: Intindihin mo na lamang ang iyong partner. May mga bagay talaga siya na dapat niyang gawin kahit na ayaw mo sa mga ito.
Money/Career:
May malaking chance na madistract ka sa iyong trabaho lalo na kung umaaligid ang crush mo.
Lucky color: Brown
Lucky number: 5

Libra (Sep 23 – Oct 22)
Kung gusto mong kamustahin ang isang tao, huwag mo lang daanin sa pm o email. Subukan mo siyang bisitahin.
Love:
Couples: Kung pinapagalitan ka ng iyong partner, dapat ay makinig ka sa kanya lalo na kung may point naman ang kanyang sinasabi.
Money/Career:
Okay lang na maging confident ka sa iyong sarili, pero hindi mo naman kailangang magyabang.
Lucky color: Pink
Lucky number: 9

Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Huwag mong pabayaan ang iyong sarili. Kung masama ang iyong pakiramdam, magpahinga ka na lamang at uminom ng gamot.
Love:
Couples: Ang mga problema ay hindi mawawala sa isang relasyon. Kumapit lang kayo sa isa’t-isa at magagawa ninyong lampasan ang mga ito.
Money/career:
Magrelax ka lang. Huwag agad iinit ang ulo kung may magkakamali sa iyong mga kasama.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 7

Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Maging malambing ka sa isang tao, lalo na kung may favor ka na gustong ipakiusap sa kanya. Gamitin mo ang iyong charm.
Love:
Couples: Kung masyado na kayong stressed, marahil ay kailangan ninyo lang na mag-unwind paminsan-minsan.
Money/Career:
May chance na ma-cancel ang ilan sa iyong mga gawain, lalo na kung may emergency ka sa trabaho.
Lucky color: Black
Lucky number: 24

Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Kung gusto mo talagang matupad ang goals mo sa buhay, dapat ay magkaroon ka ng focus at hindi basta-basta magpapadistract.
Love:
Singles: Kung hindi ka pa handa na pumasok sa isang relasyon, huwag mong pilitin ang iyong sarili. Hindi mo naman kailangang magmadali.
Money/Career:
Mukhang magagawa mo naman ang lahat ng mga iuutos sa iyo kaya naman bibilib sa iyo ang iyong boss.
Lucky color: Red
Lucky number: 11

Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Kung may gusto kang simulan ngayong araw, mas mabuti kung umaga pa lang ay gagawin mo na ito para magkaroon ka ng motivation.
Love:
Couples: Huwag ka na maging isip-bata sa inyong relasyon. Mahihirapan lang ang iyong partner kung magiging pasaway ka.
Money/Career:
Kung hindi maganda ang iyong performance, bumawi ka na lang pero dapat ay galingan mo na this time.
Lucky color: Brown
Lucky number: 18

Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Huwag mo na isipin kung ano ang sasabihin ng ibang tao tungkol sa iyo. Kung sigurado ka, wala kang dapat ipangamba.
Love:
Couples: Kung wala naman kayong special na balak ngayong araw, subukan ninyong makipagbonding sa iba pa ninyong kamag-anak.
Money/Career:
Huwag ka kaagad kakagat sa isang bagay, lalo na kung may malaking chance na maging scam ito.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 4

Comments

Anthony Taberna and Jorge Cariño put spotlight on ordinary Filipinos in “Pareng Partners”

“She’s very valuable to me”, says Bailey May on Ylona Garcia