in ,

Daily Horoscope: August 10, 2018 – Friday

Aries (Mar 21 – Apr 19)
Kung hindi mo na mapagsabihan ang isang tao, ikaw na lang mismo ang lumayo kaysa sumakit pa ang ulo mo.
Love:
Singles: Kung humihingi ng tulong sa iyo ang iyong pamilya, unahin mo muna ito lalo na kung ayaw mong magkaroon ng malaking problema.
Money/Career:
Kung may magbibigay sa iyo ng advice, sundin mo ito at baka magkaroon ito ng magandang resulta.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 5

Taurus (Apr 20 – May 20)
Kung hindi mo feel na gawin ang isang bagay, sabihin mo ito para naman hindi na umasa sa iyo ang ibang tao.
Love:
Couples: Maglaan ka ng maraming oras sa iyong partner, lalo na kung napapansin mong napapadalas ang pagiging busy mo.
Money/Career:
Hindi naman ikaw ang may gawa ng problema, pero ikaw ang pinaka maaapektuhan rito.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 8

Gemini (May 21 – Jun 20)
Kung hindi maganda ang iyong pakiramdam, inuman mo agad ito ng gamot o kaya’y magpahinga ka muna sa inyong bahay.
Love:
Singles: Mukhang unti-unti ka nang nahuhulog sa isa sa iyong mga kaibigan. Marahil ay ganun din siya sa iyo.
Money/Career:
Huwag mong pagurin ang iyong sarili. Sasakit lang ang ulo mo kung pipilitin mo ito.
Lucky color: Black
Lucky number: 15

Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Kung meron kang kakilalang may sakit, subukan mo siyang alagaan o kaya’y tulungan siya sa kanyang mga trabaho.
Love:
Couples: Huwag mo masyadong i-spoil ang iyong partner. Magiging demanding lang siya kapag pinagpatuloy mo ito.
Money/Career:
Kung meron kang kakilala na nagtatrabaho overseas, maaaring matulungan ka niya para makapagwork ka abroad.
Lucky color: White
Lucky number: 16

Leo (Jul 23 – Aug 22)
Huwag mo masyadong pagurin ang sarili mo. Magpahinga ka rin para hindi bumigay ang iyong katawan.
Love:
Singles: Huwag ka na mag-expect na magiging close kayo ng isang tao, lalo na kung hindi ka naman nag-aapproach sa kanya.
Money/Career:
Huwag mo na lang pansinin ang sinasabi sa iyo ng ibang tao, lalo na kung alam mong hindi naman ito totoo.
Lucky color: Orange
Lucky number: 12

Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Iwasan mo munang magsugal ngayong araw. May malaking chance na malasin ka at mawalan ka lang ng maraming pera.
Love:
Couples: Kung masyado kang stressed ngayong araw, maaaring mag-alala sa iyo ang iyong partner at pati siya ay mastress din sa iyo.
Money/Career:
Kung may malalaman kang isang bagay ngayong araw, huwag mo muna itong ipagkalat sa iba para meron kang advantage.
Lucky color: Dark violet
Lucky number: 27

Libra (Sep 23 – Oct 22)
Ibigay mo palagi ang iyong best sa isang bagay, para naman masatisty mo ang sarili anuman ang maging resulta nito.
Love:
Couples: Maging sweet ka ngayong araw sa iyong partner, lalo na kung meron siyang good news para sa iyo.
Money/Career:
Gamitin mo ang iyong common sense sa iyong trabaho, para naman hindi ka pinagtatawanan ng iyong mga kasama.
Lucky color: Orange
Lucky number: 20

Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Kung meron kang inaalala ngayong araw, may chance na mawala ka sa focus at magkaproblema ka sa iyong mga gawain.
Love:
Singles: Subukan mong yayain ang iyong mga kaibigan na pumunta sa isang party, lalo na kung medyo hindi maganda ang araw mo.
Money/Career:
Kung may sakit ka, mas mabuting lumiban ka muna sa pagpasok at baka maging malala pa iyan.
Lucky color: Green
Lucky number: 21

Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Mukhang may chance na may taong magalit sa iyo ngayong araw, at ikaw ang may kagagawan kung bakit.
Love:
Couples: I-enjoy mo lang ang company ng iyong partner, kahit na hindi siya masyadong makapagfocus dahil sa kanyang mga gawain.
Money/Career:
May malaking chance na matapos mo ang iyong mga gawain ngayong ara at matuwa sa iyo ang iyong boss.
Lucky color: Grey
Lucky number: 11

Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Habaan mo lang ang iyong pasensiya. Tiyak naman na magkakaroon ka rin ng chance para mapatunayan ang iyong kakayahan sa iba.
Love:
Couples: Huwag mong iignore ang iyong partner dahil magtatampo lang siya sa iyo. Mahihirapan ka na naman na kausapin siya pag nagkataon.
Money/Career:
Ibigay mo ang best mo sa iyong mga gawain, kahit na hindi bilib sa iyo ang ibang tao.
Lucky color: Grey
Lucky number: 1

Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Okay lang naman na gumastos ka, pero siguraduhin mo lang na hindi ka bibili ng mga bagay na masasayang lang sa huli.
Love:
Couples: Huwag masyadong mainit ang ulo. Magrelax ka lang dahil maiistress lang sa iyo ang iyong partner.
Money/Career:
Mukhang may chance na makatanggap ka ng pera mula sa isang tao na hindi mo inaasahan.
Lucky color: Navy blue
Lucky number: 1

Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Mukhang ito na ang tamang panahon para ipakita mo sa ibang tao kung ano talaga ang iyong tunay na kakayahan.
Love:
Couples: Kung masyadong pasaway ang iyong partner at hindi siya masabihan, subukan mo munang lumayo sa kanya at baka makapag-isip-isip siya.
Money/Career:
Huwag ka magpabaya sa iyong mga gawain dahil hindi ka pwedeng magkamali sa mga ito.
Lucky color: Red
Lucky number: 20

Comments

Michelle Vito and Jon Lucas headline first romance-drama film ‘Dito Lang Ako’

Gabby Concepcion renews contract with GMA Network: “Tumitibok ang aking puso dito sa Kapuso”