Aries (Mar 21 – Apr 19)
Mukhang hindi pa ito ang tamang panahon para magdesisyon ka tungkol sa isang bagay. Ipagpaliban mo muna ito.
Love:
Couples: Kontrolin mo ang iyong mga emosyon. Kung hindi mo ito gagawin, tiyak na mahihirapan lamang ang iyong partner sa iyo.
Money/Career:
May isang bagay na gugulo sa iyong isipan, kaya naman may chance na hindi mo matapos ang iyong mga gawain.
Lucky color: Pink
Lucky number: 26
Taurus (Apr 20 – May 20)
Maglinis ka ng iyong bahay dahil may malaking chance na magkaroon ka ng bisita ngayong araw. Ipaghanda mo rin siya ng makakain.
Love:
Singles: Subukan mong baguhin ang iyong outfit ngayong araw. Malay mo, magustuhan ito ng iyong mga kaibigan.
Money/Career:
Subukan mong kausapin ang isang tao tungkol sa isang project, lalo na kung gusto mo talagang mapasama rito.
Lucky color: Pink
Lucky number: 29
Gemini (May 21 – Jun 20)
Maganda ang araw na ito para yayain mo ang iyong mga kaibigan para gumala. Pwede kayong pumunta sa mall o sa isang park.
Love:
Singles: Ang taong para sa iyo ay nasa malapit lamang, pero hindi mo siya napapansin dahil nakatingin ka sa ibang tao.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa pagtravel ang trabaho.
Lucky color: Blue
Lucky number: 13
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Mukhang marami kang matatapos na gawain ngayong araw. Iyon lang, magiging matindi ang iyong pagod at gugustuhin mo na lamang na matulog pagkauwi mo.
Love:
Singles: Huwag ka kaagad magpapadala sa sinasabi sa iyo ng ibang tao. Alamin mo kung ano ba talaga ang gusto nila sa iyo.
Money/Career:
Kung may naisip ka na pwedeng pagkakitaan, subukan mo ito at baka magtagumpay ka.
Lucky color: Grey
Lucky number: 30
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Kung may sasabihin sa iyo ang iyong kaibigan, huwag ka kaagad magagalit sa kanya, lalo na kung alam mo namang totoo ito.
Love:
Couples: May chance na mag-away kayo ng iyong partner tungkol sa isang bagay na ikaw naman ang may gawa.
Money/Career:
Kung sa tingin mo ay dapat ma-promote ka na, subukan mong kausapin ang iyong boss tungkol rito.
Lucky color: Red
Lucky number: 20
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Gumawa ka ng schedule mo sa araw na ito para naman hindi ka malito kung aling mga gawain ang dapat mong unahin.
Love:
Couples: Kung matagal na kayong nagsasama, marahil ay panahon na para magplano na kayo tungkol sa kasal.
Money/Career:
Mukhang hindi ito ang tamang panahon para isugal mo ang iyong pera.
Lucky color: Blue
Lucky number: 24
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Huwag ka masyadong praning. Kumalma ka lang at simple lang naman ang kailangan mong gawin para maiwasan ang problema.
Love:
Couples: Kung may concern ka sa iyong partner, huwag ka na mahiyang sabihin ito sa kanya at baka hindi siya aware rito.
Money/Career:
Huwag ka masyadong close sa isang tao dahil baka iba ang isipin ng ibang tao tungkol sa inyo.
Lucky color: Rose
Lucky number: 18
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Maniwala ka sa iyong kakayahan. Minsan ay kailangan mo lang magtiwala para mailabas mo ang iyong full potential.
Love:
Couples: Huwag mo hayaang kontrolin ng ibang tao ang status ng inyong relasyon. Huwag ka magpapressure sa kanila.
Money/Career:
Kung may taong mag-ooffer sa iyo ng isang work, siguraduhin mo muna na kaya mo itong panindigan bago mo ito tanggapin.
Lucky color: violet
Lucky number: 4
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Huwag mo na balikan pa ang nakaraan. Nangyari na iyon kaya wala ka nang magagawa kundi mag-adjust.
Love:
Couples: Kung may napapansin kang mali sa iyong partner, sabihin mo ito sa kanya para naman mabago niya ito.
Money/Career:
Mukhang mabibili mo na ang isang bagay na gusto mo, lalo na’t may pera kang paparating.
Lucky color: Red
Lucky number: 25
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Tapusin mo muna ang iyong mga gawain bago mo tulungan ang ibang tao. Magfocus ka para naman hindi ka mapagalitan.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para sorpresahin mo ang iyong partner. Pwede mo siyang regaluhan o kaya’y dalhin sa isang date.
Money/Career:
Mukhang may pagbabago na darating sa iyong trabaho at tiyak na ikatutuwa mo ito.
Lucky color: Brown
Lucky number: 22
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Kahit na matagal mo na pinagplanuhan ang isang bagay, kung masama naman ang panahon ay tiyak na madedelay pa rin ito.
Love:
Couples: Huwag ka maging OA lalo na kung may nagawang mali ang iyong partner. Malay mo, ginagawa naman niya ang lahat para maayos ito.
Money/Career:
I-motivate mo ang iyong sarili na maging masipag ngayong araw. Hindi ito ang panahon para magpetiks ka.
Lucky color: Black
Lucky number: 23
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Subukan mong kontakin ang isang tao, lalo na kung makakatulong siya sa pagsolve ng iyong mga problema.
Love:
Couples: Mukhang may sorpresa sa iyo ang iyong partner. Kahit ano man ito, dapat ay maging thankful ka pa rin.
Money/Career:
May malaking chance na may matulungan kang tao na makahanap ng isang trabaho.
Lucky color: Brown
Lucky number: 26