Aries (Mar 21 – Apr 19)
May malaking chance na tamarin ka ngayong araw, lalo na kung sobrang lamig ng panahon at gusto mo na lamang na matulog.
Love:
Couples: Kung may napapansin kang kakaiba sa iyong partner, subukan mo siyang kausapin at baka may problema siya.
Money/Career:
Kung hindi mo alam ang iyong gagawin tungkol sa isang bagay, humingi ka ng advice sa taong may alam talaga rito.
Lucky color: Green
Lucky number: 9
Taurus (Apr 20 – May 20)
Alagaan mo ang iyong sarili. Kung masama ang iyong pakiramdam, uminom ka kaagad ng gamot para hindi na ito lumala pa.
Love:
Couples: Kung may problema ka sa iyong pamilya, ayusin mo muna ito. Maiintindihan ka naman ng iyong partner.
Money/Career:
Kailangan mo na magbago, lalo na kung gusto mo talagang mapromote sa iyong trabaho.
Lucky color: Orange
Lucky number: 13
Gemini (May 21 – Jun 20)
May kakilala ka na malapit na ikasal, kaya naman huwag mong kalimutan na bigyan siya ng regalo.
Love:
Singles: Kung gusto mo na talagang magka-partner, subukan mong humingi ng advice sa mga kaibigan mong ibang klase dumiskarte.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong busy sa kanilang research.
Lucky color: Dark violet
Lucky number: 5
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Talasan mo ang iyong pakiramdam ngayong araw para maiwasan mo na may masamang mangyari sa iyong mga plano.
Love:
Singles: Maglaan ka ng maraming oras sa iyong pamilya, lalo na kung napapadalas na ang pagiging busy mo.
Money/Career:
Kahit na madelay ka sa iyong mga gawain, hindi ka naman magkakamali kaya hindi ka pa rin mapapahamak.
Lucky color: Black
Lucky number: 18
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Subukan mong bawas-bawas ang pagiging active mo sa social media lalo na kung may mga bagay kang dapat na gagawin.
Love:
Singles: Walang taong perfect, kaya naman huwag ka kaagad magtatampo sa isang tao lalo na kung hindi niya nagawa ang nais mo.
Money/Career:
Huwag ka muna makigulo sa iyong mga kasama para naman matapos mo ang iyong mga gawain.
Lucky color: Gold
Lucky number: 5
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Kailangan mong magtiwala sa isang tao ngayong araw kahit na ayaw mo, lalo na kung siya lang talaga ang makakatulong sa iyo.
Love:
Singles: Maging sweet ka sa mga taong makakasama mo para naman gumaan agad ang loob nila sa iyo.
Money/Career:
Huwag ka muna bumili ng mga gamit ngayong araw dahil may chance na magmura ang mga ito sa mga susunod na araw.
Lucky color: Baby blue
Lucky number: 4
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Masosorpresa ka sa mga mangyayari ngayong araw. Pero huwag ka masyadong mag-alala dahil maganda naman lahat ng mga ito.
Love:
Singles: Mukhang unti-unti ka nang nahuhulog sa iyong bestfriend. Malay mo, ganun din ang nararamdaman niya sa iyo.
Money/Career:
Hindi naman ikaw ang may gawa ng problema, pero may chance na ikaw ang pinakamaapektuhan dito.
Lucky color: Red
Lucky number: 28
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Kung may sinimulan kang isang bagay, gawin mo ang lahat para matapos ito at iwasan mong magpaistorbo sa ibang tao.
Love:
Singles: Huwag ka muna masyadong mag-expect sa taong gusto mo, lalo na kung hindi mo naman sigurado na may pagtingin rin siya sa iyo.
Money/Career:
Hindi mo man gusto ang mga inuutos sa iyo, kailangan mo muna itong tiisin at gawin.
Lucky color: Grey
Lucky number: 19
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Mukhang kailangan mong gawin na mag-isa ang isang bagay ngayong araw, dahil may chance na hindi magpakita ang taong tutulong sana sa iyo.
Love:
Singles: Huwag ka na malungkot kung hindi mo pa rin makita ang taong magkakagusto sa iyo. Hayaan mo na lamang na dumating siya sa buhay mo.
Money/Career:
Galingan mo sa trabaho ngayong araw dahil may chance na bantayan ka ng iyong boss.
Lucky color: Orange
Lucky number: 30
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Kahit na totoo ang sinasabi nila sa iyo, may chance na hindi mo pa rin ito paniwalaan dahil ayaw mo itong mangyari.
Love:
Singles: Maghanap ka ng taong handang makinig sa iyo – ung taong hindi mabo-bore sa mga sinasabi mo.
Money/Career:
Magpakitang-gilas ka sa iyong boss para naman maconvince mo sila na kailangan mo na mapromote.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 23
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Maging matulungin ka sa iyong kapwa, dahil darating din ang panahon kung saan sila naman ang tutulong sa iyo.
Love:
Singles: Bago mo iapproach ang isang tao, dapat ay huwag mo masyadong iparamdam sa kanila na may gusto ka sa kanila. Relax ka lang.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa health ang trabaho.
Lucky color: Red
Lucky number: 7
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Okay lang naman na sundin mo ang idea ng ibang tao, basta pinaalam mo ito at hindi basta-basta ninakaw sa kanila.
Love:
Couples: Subukan mong yayain na kumain sa labas ang iyong partner ngayong araw, lalo na kung napapansin mong hindi na siya nakakakain lately dahil sa kanyang trabaho.
Money/Career:
Kumapit ka lang. Magiging maganda rin ang status ng iyong career kaya huwag ka kaagad susuko.
Lucky color: White
Lucky number: 21