Aries (Mar 21 – Apr 19)
Mukhang kaya mo namang gawing mag-isa ang isang bagay ngayong araw. Huwag mo na istorbohin ang ibang tao para tulungan ka.
Love:
Couples: May malaking chance na itreat ka ng iyong partner ngayong araw, lalo na kung matutuwa siya sa iyo.
Money/Career:
Magtiwala ka na lamang sa sasabihin ng iba. Huwag ka na magdalawang-isip tungkol dito.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 5
Taurus (Apr 20 – May 20)
May malaking chance na maging energetic ka ngayong araw, kaya naman magagawa mong tapusin ang karamihan sa iyong mga gawain.
Love:
Couples: Maging sweet ka sa iyong partner ngayong araw, lalo na kung napapadalas na ang pagiging busy mo sa iyong trabaho.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa alahas ang trabaho.
Lucky color: Pink
Lucky number: 22
Gemini (May 21 – Jun 20)
Maaaring masira ang iyong mga plano ngayong araw lalo na kung magkakasakit ka. Mas mabuting uminom ka ng gamot kung may nararamdaman ka.
Love:
Couples: Iparamdam mo sa iyong partner na wala siyang dapat alalahanin, lalo na kung madalas malayo kayo sa isa’t isa.
Money/Career:
Mukhang magagawa mo na bilhin ang isang bagay na matagal mo na pinag-ipunan.
Lucky color: Pink
Lucky number: 9
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Subukan mong icheck ang iyong email ngayong araw at may malaking chance na may matanggap kang good news.
Love:
Couples: Mukhang masusubukan na naman ang inyong relasyon. Tibayan mo lang ang iyong loob lalo na kung gusto mo talagang magtagal kayo.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa networking ang trabaho.
Lucky color: Red
Lucky number: 28
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Kung may matatanggap ka na pera ngayong araw, gawin mo ang lahat para ipunin muna ito at huwag muna gastusin kaagad.
Love:
Couples: Huwag mong iignore ang iyong partner ngayong araw, dahil may malaking chance na magtampo siya sa iyo.
Money/Career:
Huwag mo munang ientertain ang ibang tao lalo na kung gusto mong matapos sa iyong mga gawain.
Lucky color: Red
Lucky number: 16
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Makinig ka muna sa sinasabi ng iyong kutob at hinala ngayong araw dahil may malaking chance na magkatotoo ang mga ito.
Love:
Singles: Kontrolin mo ang pagiging moody mo para naman hindi masyadong ma-turn off sa iyo ang ibang tao.
Money/Career:
Huwag ka mainggit sa gamit ng iyong mga kasama. Makakabili ka rin ng mga iyon, pero kailangan mo munang magtipid.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 29
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Huwag ka masyadong magpaapekto sa isang pangyayari ngayong araw. Magrelax ka lang lalo na kung hindi mo talaga kontrolado ito.
Love:
Couples: Subukan mong sorpresahin ang iyong partner ngayong araw, lalo na kung meron siyang achievement kamakailan.
Money/Career:
Mukhang mapapagastos ka ulit ng malaki ngayong araw, kaya habaan mo na lamang ang iyong pasensiya.
Lucky color: Brown
Lucky number: 11
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Ingatan mo ang iyong mga sasabihin ngayong araw dahil may malaking chance na may ma-offend ka nang hindi mo sinasadya.
Love:
Singles: Kung may kasalanan sa iyo ang isang tao at nagsisisi na siya rito, patawarin mo siya para magkaroon ka na rin ng peace of mind.
Money/Career:
Bago ka magsimula sa iyong naisip na business, magresearch ka pa para naman maging handa ka sa mga problemang haharapin mo.
Lucky color: Purple
Lucky number: 7
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Huwag ka basta-basta magtitiwala sa mga naririnig mo lalo na kung hindi mo naman sigurado kung sino ang source nito.
Love:
Couples: Huwag ka na maarte at sundin mo na lamang ang sinasabi sa iyo ng iyong partner. Hindi ka naman niya ipapahamak.
Money/Career:
Maging honest ka na lamang sa iyong trabaho lalo na kung ayaw mong malagot sa iyong boss.
Lucky color: Grey
Lucky number: 13
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Sundin mo ang sinasabi sa iyo ng isang tao, lalo na kung gulong-gulo ka na kung ano ba talaga ang dapat mong gawin.
Love:
Couples: Okay lang naman kung magkaroon kayo ng problema ng iyong partner. Ang importante ay kung paano ninyo ito aayusin.
Money/Career:
Huwag mo tanggapin ang isang gawain lalo na kung may ginagawa ka pa, dahil may malaking chance na hindi mo ito matapos.
Lucky color: Blue
Lucky number: 10
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Mukhang may malaking chance na kontakin ka ng ilan sa iyong mga kamag-anak para humiram ng pera sa iyo.
Love:
Singles: Nasa malapit lang ang taong nakalaan sa iyo, kaya naman huwag ka na tumingin sa malayo. Makiramdam ka sa iyong paligid.
Money/Career:
Huwag ka muna humingi ng raise sa iyong boss at hindi pa ito ang tamang panahon.
Lucky color: Brown
Lucky number: 19
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Huwag ka kaagad maiinis sa isang tao lalo na kung hindi niya talaga makuha ang mga sinasabi mo dahil hindi siya nakikinig.
Love:
Couples: Kung napapansin mo na kakaiba ang kinikilos ng iyong partner, tanungin mo siya muna at huwag kang mag-isip ng masama.
Money/Career:
May malaking chance na tamarin ka sa iyong mga gawain lalo na kung paulit-ulit na lamang ang mga ito.
Lucky color: Cream
Lucky number: 7