Aries (Mar 21 – Apr 19)
Mukhang may chance na masira ang araw mo ngayong lalo na kung meron kang kamag-anak na gagawin ang lahat para lang makautang sa iyo.
Love:
Couples: Bumawi ka na lamang sa iyong partnerkung napapadalas ang pagiging busy mo sa iyong mga gawain.
Money/Career:
Hayaan mo na ibang tao muna ang mag-isip ng solusyon sa isang problema at huwag mo na istress pa ang iyong sarili.
Lucky color: Silver
Lucky number: 20
Taurus (Apr 20 – May 20)
Kung akala mo ay marami ka pang oras, maaaring nagkakamali ka. Umaksyon ka na para hindi ka magsisi sa huli.
Love:
Couples: Kung may away kayong dalawa, mas mabuting palamigin na muna ninyo ang inyong mga ulo bago kayo mag-usap.
Money/career:
May malaking chance na makapagtrabaho ka abroad, lalo na kung meron kang kakilala na nagtatrabaho na doon.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 12
Gemini (May 21 – Jun 20)
Kung hindi mo na gusto ang iyong ginagawa, siguraduhin mo muna ito dahil sayang naman ang iyong effort kung bigla ka na lamang titigil.
Love:
Couples: Huwag ka na maging pasaway sa iyong partner. Kung meron siyang gusto, subukan mo itong ibigay sa kanya.
Money/Career:
Mag-ingat ka sa iyong mga gawain dahil may malaking chance na magkamali ka dahil sa iyong pagpapabaya.
Lucky color: Red
Lucky number: 25
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Kung meron kang gustong puntahan ngayong araw, umalis ka nang maaga para hindi ka maipit sa traffic.
Love:
Couples: Habaan mo na lamang ang iyong pasensiya sa iyong partner, lalo na kung hindi niya sinasabi ang kanyang mga balak.
Money/Career:
Kung may gusto kang sabihin sa isang tao, diretsyuhin mo na siya at huwag ka na mahiya.
Lucky color: Green
Lucky number: 19
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Kung meron kang idea, sabihin mo ito sa iba dahil baka makatulong ito sa kanila at pasalamatan ka pa sa huli.
Love:
Couples: Subukan mong asarin ang iyong partner ngayong araw, lalo na kung madalas ay masyado siyang seryoso.
Money/Career:
Kung may mga bagay ka na dapat gawin, simulan mo na agad ito at huwag ka na tamarin.
Lucky color: White
Lucky number: 12
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Kung meron kang importanteng pupuntahan o gagawin, dapat ay maging handa ka rito para maging maganda ang resulta nito.
Love:
Couples: Kausapin mo ang iyong partner, lalo na kung napapansin mo na medyo wala siya sa kanyang sarili lately.
Money/Career:
Marami ka namang matatapos na bagay ngayong araw kaya makakapagpahinga ka nang maaga-aga.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 13
Libra (Sep 23 – Oct 22)
May chance na tamarin ka ngayong araw kaya kung meron kang ginawang schedule, baka hindi mo rin ito masunod.
Love:
Couples: I-treat mo ang iyong partner ngayong araw. Pwede kayong pumunta sa mall o kaya’y ipagluto mo na lamang siya.
Money/Career:
Huwag kang mag-alala. Tiyak na may magandang pupuntahan ang iyong mga paghihirap.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 5
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Maaaring may matanggap kang balita ngayong araw. Ikaw lang din ang makakapagsabi kung good news ba ito o hindi.
Love:
Couples: Kung hindi mo maibigay ang gusto ng iyong partner, sabihin mo ito sa kanya agadpara hindi na siya umasa.
Money/Career:
Maging honest ka lang sa iyong trabaho. Importante ito para makuha mo ang kanilang tiwala.
Lucky color: Green
Lucky number: 18
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Alam mo naman ang dapat mong gawin, pero mukhang nahihirapan ka na gawin ito dahil tiyak na merong taong maaapektuhan.
Love:
Couples: Huwag mo na kulitin ang iyong partner tungkol sa isang bagay, lalo na kung sinabi na niya sa iyo na hindi ito pwede.
Money/Career:
Bago mo tanggapin ang isang gawain, siguraduhin mo muna na kaya mo itong tapusin.
Lucky color: Navy blue
Lucky number: 20
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Kung meron kang hindi naiintindihan, huwag ka mahiyang magtanong. Mas mabuti nang sigurado ka sa iyong mga ginagawa.
Love:
Singles: Kung meron kang taong nagugustuhan, huwag mong kalimutan na magparamdam kahit papaano para magkaroon siya ng idea.
Money/Career:
Huwag ka na malungkot kung hindi man naging maganda ang resulta ng isang bagay. Bumawi ka na lamang sa susunod.
Lucky color: Red
Lucky number: 22
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Kung yayayain ka ng iyong mga kaibigan, sumama ka. Pero kung wala kang pera, sabihin mo na agad ito sa kanila para maintindihan nila.
Love:
Couples: Suportahan mo ang iyong partner sa kanyang mga gawain, kahit na hindi ka masyadong sang-ayon sa mga ito.
Money/Career:
Huwag ka na mainggit sa ibang tao. Tandaan mo na may mga bagay pa rin na magpapatunay na special kang tao.
Lucky color: Grey
Lucky number: 10
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Huwag kang mahiya na gawin ang isang bagay, lalo na kung alam mong makakatulong ito sa iyo sa hinaharap.
Love:
Couples: Huwag ka matakot na humingi ng tulong sa iyong partner o sa kanyang pamilya. Tiyak naman na maiintindihan ka nila.
Money/Career:
Maging motivated ka lang sa iyong mga gawain at tiyak na magiging successful ka rin balang araw.
Lucky color: Pink
Lucky number: 1