in ,

Daily Horoscope: August 6, 2018 – Monday

Aries (Mar 21 – Apr 19)
Kahit na may magbago sa iyong schedule ngayong araw, tiyak naman na makakapag-adjust ka kaagad at hindi ito magiging problema.
Love:
Couples: Malaki ang chance na maging busy ka ngayong araw, kaya naman sabihin mo na agad ang iyong partner para hindi siya magtampo sa iyo.
Money/Career:
Kung medyo toxic ang working environment mo, marahil ay mabuting lumipat ka na lamang sa iba.
Lucky color: Silver
Lcuky number: 28

Taurus (Apr 20 – May 20)
Mukhang alam mo naman kung ano ang ginagawa mo kaya huwag kang matakot na magbigay ng advice sa ibang tao.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para i-surprise mo ang iyong partner at bigyan siya ng isang regalo.
Money/Career:
May malaking chance na makatanggap ka ng pera ngayong araw mula sa taong hindi mo inaasahan.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 25

Gemini (May 21 – Jun 20)
Kung hindi mo kayang tapusin ang lahat ng iyong mga gawain, subukan mong humingi ng tulong sa ibang tao.
Love:
Couples: Huwag mong pairalin ang iyong ego sa inyong relasyon. May mga bagay ka dapat na sina-sacrifice para sa iyong partner.
Money/Career:
Mag-ingat ka sa iyong mga gawain at huwag kang magpabaya para hindi ka magkamali.
Lucky color: Green
Lucky number: 5

Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Mukhang may taong handang tumulong sa iyo ngayong araw. Huwag mong kalimutan na magpasalamat sa kanya lalo na kung gagawin niya ito ng libre.
Love:
Singles: Kung may problema ang iyong kaibigan tungkol sa relasyon niya, subukan mong pakalmahin siya lalo na kung masyadong magulo ang kanyang isip.
Money/Career:
Mukhang magkakaroon ka ng chance para tapusin ang ilan sa mga gawain mo na hindi natapos kahapon.
Lucky color: Purple
Lucky number: 18

Leo (Jul 23 – Aug 22)
Maging magulo man ang buhay mo sa ngayon, tandaan mo na may mga tao pa rin na handang sumuporta sa iyo.
Love:
Couples: Subukan mong yayain ang iyong partner sa isang food trip. Puntahan ninyo ang isang resto na malapit sa inyo na kakabukas lang.
Money/Career:
Kung hindi man gumana ang iyong plano, huwag kang susuko at subukan mo ito ulit.
Lucky color: Blue
Lucky number: 26

Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Huwag ka muna makipagtalo sa kahit na sino ngayong araw, para na rin hindi sumakit ang ulo mo at tumaas ang iyong blood pressure.
Love:
Couples: Mukhang may malalaman kang bago tungkol sa iyong partner. Huwag mo muna ito ipahalata at mag-observe ka muna.
Money/Career:
Kung hindi masyadong maganda ang status ng iyong career, subukan mong magfocus na lamang sa ibang bagay.
Lucky color: Purple
Lucky number: 11

Libra (Sep 23 – Oct 22)
Makinig ka sa kaibigan mo, lalo na kung bibigyan ka niya ng advice. Huwag na kasi matigas ang ulo para hindi ka napapahamak.
Love:
Singles: Kung may balak kang pumasok sa isang relasyon, huwag mo kalimutan na ipaalam ito sa iyong mga magulang.
Money/Career:
Kumalma ka lang. Kung mainit ang iyong ulo, tiyak na wala ka talagang matatapos.
Lucky color: Pink
Lucky number: 27

Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
May malaking chance na maging emosyonal ka ngayong araw, kaya naman huwag ka muna manood ng mga drama para hindi ito matrigger.
Love:
Couples: Kung gusto mong bumawi sa iyong partner, gawin mo ito ngayong araw. I-treat mo siya para hindi na siya magtampo sa iyo.
Money/Career:
Kung hindi na sapat ang iyong kinikita, marahil ay panahon na para maghanap ka ng sideline.
Lucky color: Orange
Lucky number: 7

Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Subukan mong magsaya ngayong araw kung stressed ka sa iyong mga gawain. Yayain mo ang iyong mga kaibigan para hindi ka ma-bore.
Love:
Couples: Kung bago pa lang ang inyong relasyon, gumawa kayo ng mga paraan kung paano mapapatibay ang inyong relasyon.
Money/Career:
Mukhang panahon na para magbago ka ng career, lalo na kung may gusto ka talagang gawin sa iyong buhay.
Lucky color: Cream
Lucky number: 4

Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Hindi mo kayang kontrolin ang lahat ng bagay. Meron talaga na hindi aayon sa iyong kagustuhan kahit anong paghahanda ang gawin mo.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para maging sweet ka sa iyong partner, lalo na kung naging mabait naman siya lately.
Money/Career:
Ipagpatuloy mo lang ang pagiging masipag mo at may malaking chance na mabigyan ka ng bonus ng iyong boss.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 7

Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Kailangan mong magfocus. Kung magulo ang isip mo, tiyak na mahihirapan kang tapusin ang iyong mga gawain.
Love:
Singles: Maganda ang araw na ito para lapitan mo ang iyong crush at sabihin mo kung ano ang nararamdaman mo sa kanya.
Money/Career:
Linisin mo ang lugar kung saan ka nagtatrabaho para naman maging maaliwalas ang iyong paligid.
Lucky color: Orange
Lucky number: 10

Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Kung naghahanap ka ng bagong hobby, subukan mong magtanim sa inyong bakuran at baka may future ka sa gardening.
Love:
Couples: Magiging maayos din ang lahat. Ipakita mo sa iyong partner na kakayanin mo ang lahat para sa kanya.
Money/Career:
Huwag kang mahiyang humingi ng tulong sa ibang tao, lalo na kung hindi mo talaga kaya ang ipinapagawa sa iyo.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 14

Comments

MOVIE REVIEW: “Harry and Patty” is a Surprisingly Delightful Charmer

Pres. Rodrigo Duterte to ABS-CBN: “If I had my way, I will not renew your franchise”