in ,

Daily Horoscope: August 9, 2018 – Thursday

Aries (Mar 21 – Apr 19)
May mga bagay talaga na hindi mo kayang kontrolin, kaya mas mabuting maghintay ka na lamang kung ano ang mangyayari.
Love:
Couples: Ilaan mo ang araw na ito para sa iyong partner, lalo na kung gusto mong bumawi sa kanya sa mga panahon na naging busy ka.
Money/Career:
May chance na muli mong makita ang iyong dating kaibigan. Kamustahin mo siya at baka meron siyang i-ooffer sa iyo.
Lucky color: Blue
Lucky number: 4

Taurus (Apr 20 – May 20)
Subukan mo munang tapusin ang mga bagay na inutos sa iyo, bago mo simulang gawin ang trabaho ng iba.
Love:
Singles: Walang taong perfect. Kaya huwag mo masyadong taaasan ang iyong expectations at baka madisappoint ka lang.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa travel ang trabaho.
Lucky color: Black
Lucky number: 5

Gemini (May 21 – Jun 20)
Kung hindi mo naman kasalanan ang nangyari, huwag ka na mag-alala lalo na kung sinisisi ka ng ibang tao.
Love:
Couples: Mukhang may malalaman kang bagay tungkol sa iyong partner at maaari ninyo itong pag-awayan.
Money/Career:
Huwag mong hayaang mauto ka ng ibang tao para lamang gawin mo ang kanilang mga gawain.
Lucky color: Gold
Lucky number: 17

Cancer (Jun 21 – Jul 22)
May malaking chance na maging emosyonal ka ngayong araw, lalo na kung makikita mo ulit ang isang tao na special para sa iyo.
Love:
Singles: Okay lang naman na maging busy ka muna. Huwag kang mag-alala dahil darating din ang time na magkakaroon ka ng love life.
Money/Career:
Huwag mo na pagsabihan ang iyong mga kasama. Hayaan mo na lamang na ang boss mo na ang sumita sa kanila.
Lucky color: Orange
Lucky number: 23

Leo (Jul 23 – Aug 22)
Kung meron kang planong gumala ngayong araw, ipagpaliban mo muna ito dahil may chance na maging masama ang panahon.
Love:
Couples: Huwag mo na lamang kulitin ang iyong partner tungkol sa isang bagay, lalo na kung tinanggihan niya na ito dati.
Money/Career:
Kung meron kang talent sa art, pagkakitaan mo ito para hindi ito masayang.
Lucky color: Pink
Lucky number: 21

Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Kung hindi sumasang-ayon sa iyo ang ibang tao, hayaan mo na lang sila. Malalaman din naman nila sa huli kung tama ka.
Love:
Singles: Yayain mo ang iyong pamilya na kumain sa labas ngayong araw, lalo na kung matagal ninyo na itong hindi nagagawa.
Money/Career:
Maging masipag ka lang sa iyong trabaho at tiyak naman na magkakaroon ka ng magandang future.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 23

Libra (Sep 23 – Oct 22)
Ibigay mo na lang ang iyong best sa isang bagay. Kung hindi man ito magtagumpay, at least wala kang pagsisisihan.
Love:
Couples: Kung nagtatampo sa iyo ang iyong partner, subukan mong iluto ang kanyang favorite na ulam.
Money/Career:
Kung may balak kang mag-invest sa isang bagay, tiyakin mo na matino ang kausap mo para hindi ka magsisi sa huli.
Lucky color: Black
Lucky number: 1

Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
May malaking chance na maging malabo ang iyong pag-iisip ngayong araw, lalo na kung masyadong marami ang iyong inaalala.
Love:
Couples: Subukan mong yayain ang iyong partner na gumala, lalo na kung wala naman kayong masyadong gagawin.
Money/Career:
Huwag mong hayaang tamarin ka sa iyong mga gawain, dahil tiyak na malilintikan ka sa iyong boss.
Lucky color: White
Lucky number: 11

Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
May chance na may matanggap ka ng good news ngayong araw at maaaring may kinalaman ito sa pera.
Love:
Couples: I-share mo sa iyong partner ang ilan sa iyong mga sikreto para naman mas maging close kayo.
Money/Career:
Huwag mong pasamain ang mood ng iyong boss para naman hindi na niya dagdagan pa ang iyong mga gawain.
Lucky color: Rose
Lucky number: 21

Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Hindi man maging maganda ang panahon, may mga bagay pa rin na magpapasaya sa iyong mood ngayong araw.
Love:
Couples: Kung hindi mo kakausapin ang iyong partner tungkol sa isang bagay, mas lalong hindi mo siya maiintindihan.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa construction ang trabaho.
Lucky color: Orange
Lucky number: 19

Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Kung kaya mo namang tumulong sa ibang tao, gawin mo ito. Malay mo, kailanganin mo rin ang tulong nila someday.
Love:
Couples: Kung napapansin mong hindi na kayo gaano ka-sweet sa isa’t-isa, gumawa ka na ng paraan bago pa lumala ito.
Money/Career:
Kung meron kang kakilala na nagtatrabaho abroad, mas malaki ang chance mo na makapagtrabaho rin doon.
Lucky color: Grey
Lucky number: 22

Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Ilayo mo na lang ang sarili mo sa mga taong masyadong perfect ang tingin nila sa kanilang mga sarili.
Love:
Couples: Humingi ka ng suporta sa iyong partner lalo na kung hindi mo na talaga kinakaya ang iyong kasalukuyang sitwasyon.
Money/Career:
Huwag ka nalamang makialam sa trabaho ng ibang tao, para hindi ka rin masisi kung sakaling may pumalpak rito.
Lucky color: Blue
Lucky number: 19

Comments

BY THE NUMBERS: “FPJ’s Ang Probinsyano” guns down “Victor Magtanggol” on pilot week

SHOWBIZ FAN! Harry Roque wants to appear in “FPJ’s Ang Probinsyano”