Aries (Mar 21 – Apr 19)
Huwag mo masyadong bigyan ng effort ang isang bagay lalo na kung alam mo naman na hindi ito magtatagal.
Love:
Couples: Kung may inaalala ang iyong partner, subukan mo siyang tanungin tungkol dito at baka may maitulong ka.
Money/Career:
Kahit na gusto mong mag-ipon, hindi mo ito magagawa lalo na kung makikita mo na naka-sale ngayon ang gusto mong bilhin.
Lucky color: White
Lucky number: 2
Taurus (Apr 20 – May 20)
Mas mabuti pang isulat mo na lang ang isang bagay dahil may malaking chance na hindi mo ito maaalala.
Love:
Singles: Mukhang may taong gustong mapalapit sa iyo. Kung hindi mo siya type, mas mabuting sabihin mo na agad ito sa kanya.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa construction ang trabaho.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 14
Gemini (May 21 – Jun 20)
Ingatan mo ang iyong mga kilos dahil may malaking chance na minamanmanan ka ng iyong kaaway.
Love:
Singles: Kung wala talagang pagtingin sa iyo ang taong nagugustuhan mo, marahil ay panahon na para ibaling mo ang atensyon mo sa iba.
Money/Career:
Kung may mga bagay ka na hindi natapos kahapon, simulan mo na ang mga ito ngayong araw.
Lucky color: Pink
Lucky number: 13
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Hindi mo man maintindihan ang isang bagay ngayon, maiintindihan mo rin ito pagdating ng tamang panahon.
Love:
Couples: Kung bored ka na sa relasyon ninyo, panahon na para gumawa ka ng paraan para hindi ito masayang.
Money/Career:
Subukan mong i-convince ang isang tao na gawin ang iyong mga gawain kapalit ng panlilibre.
Lucky color: White
Lucky number: 13
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Kung pinagkakatiwalaan ka ng ibang tao, dapat ay magtiwala ka rin sa kanila. Wala ka namang dapat na ikatakot.
Love:
Couples: Kung meron kayong balak na pumunta sa isang event, maging prepared lang kayo at baka sumama ulit ang panahon.
Money/Career:
Mukhang mahihirapan kang solusyunan ang problema mo sa trabaho kung hindi ka susuportahan ng iyong mga kasama.
Lucky color: Blue
Lucky number: 9
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Huwag mo na masyadong seryosohin ang sinasabi ng ibang tao sa iyo, lalo na kung alam mo namang pinapatawa ka lang nila.
Love:
Singles: Mukhang may taong lalapit sa iyo ngayong araw. Mag-ingat ka lang at bantayan nang mabuti ang kanyang mga kilos.
Money/Career:
Magfocus ka sa mga bagay kung saan ka magaling. I-develop mo ito at baka pwede mo rin itong pagkakitaan.
Lucky color: Black
Lucky number: 8
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Subukan mong tulungan ang isang tao sa kanyang problema. Maaaring i-treat ka niya kapag nagawa mo ito.
Love:
Couples: Sundin mo na lamang ang sinasabi ng iyong partner sa iyo. Makabubuti rin naman ito sa inyong relasyon.
Money/Career:
Alam mo naman kung ano ang target mo, kaya huwag kang mawawalan ng focus para makuha mo ito kaagad.
Lucky color: Purple
Lucky number: 15
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Okay lang magkaroon ng tiwala sa iyong sarili, pero huwag ka naman masyadong mayabang sa iba dahil hindi nila ito ikatutuwa.
Love:
Couples: Kung nakukulitan ka sa iyong partner, subukan mo munang lumayo sa kanya saglit para naman hindi ka mapraning.
Money/Career:
Magfocus ka na lamang sa iyong mga gawain. Huwag mo na pakialaman pa ang gawain ng iba.
Lucky color: Grey
Lucky number: 8
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Siguraduhin mo na tama ang iyong mga nagawa bago ka lumipat sa iba para hindi naman masayang ang oras mo.
Love:
Singles: Mukhang may malaking chance na makita mo na ang taong nakalaan para sa iyo. Magmasid-masid ka sa iyong paligid.
Money/Career:
Kung meron kang pinahiram na gamit sa iba, kunin mo na ito ngayon bago pa nila makalimutan na isoli.
Lucky color: Blue
Lucky number: 25
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Huwag ka na masyadong mag-alala. May tao naman na tutulong sa iyo kaya mas mabuting magrelax ka lang.
Love:
Singles: Gawin mo lang kung ano ang gusto mo ngayong araw. Hayaan mo na lamang na mangyari ang dapat mangyari.
Money/Career:
I-manage mo ang iyong oras para naman hindi masayang ang mga ito ngayong araw.
Lucky color: Navy blue
Lucky number: 30
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Madali kang mabobore ngayong araw, kaya mas mabuting yayain mo na lang ang iyong mga kaibigan para gumala.
Love:
Couples: Huwag mong kalimutan na kamustahin ang araw ng iyong partner, lalo na kung naging busy ka kamakailan.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa construction ang trabaho.
Lucky color: Pink
Lucky number: 28
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Kung hindi mo gagawin ang mga ideas na naisip mo, wala ring mangyayari sa araw mo. Hindi ito ang panahon para maging tamad.
Love:
Singles: Magaling kang makipagflirt sa ibang tao. Pero kung palagi mo itong gagawin, walang taong seseryoso sa iyo.
Money/Career:
Huwag ka na lamang makipagtalo sa iyong mga kasama para hindi maging awkward ang inyong pagkikita.
Lucky color: Grey
Lucky number: 7