Aries (Mar 21 – Apr 19)
Sundin mo na lamang ang sinasabi sa iyo ng ibang tao. Huwag ka na gumawa ng ibang diskarte para hindi ka mapahamak.
Love:
Couples: Ipagshopping mo ang iyong partner ngayong araw, lalo na kung gusto mo siyang i-congratulate sa isa niyang achievement.
Money/Career:
Maghintay ka lang. Darating din ang hinihintay mo kaya huwag ka masyadong mainip.
Lucky color: Blue
Lucky number: 30
Taurus (Apr 20 – May 20)
Pagbigyan mo muna ang request ng isang tao ngayong araw. Gawin mo na ito para hindi ka niya kulitin pa.
Love:
Couples: Hindi mo naman kasalanan kung masyado kang busy sa iyong trabaho. Bumawi ka na lamang sa iyong partner.
Money/Career:
Malapit ka na magtagumpay sa iyong career, kaya naman huwag ka agad-agad susuko.
Lucky color: Gold
Lucky number: 26
Gemini (May 21 – Jun 20)
Ipakita mo sa ibang tao na kaya mong gawin ang isang bagay dahil sa iyong experience. Panahon na para bumilib sila sa iyo.
Love:
Couples: Kung hindi mo gusto ang gagawin ng iyong partner, sabihin mo ito sa kanya para magkaroon siya ng idea.
Money/Career:
Huwag ka na makipagkwentuhan sa iyong mga kasama at asikasuhin mo muna ang iyong trabaho.
Lucky color: Red
Lucky number: 30
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Kung masama ang iyong pakiramdam, huwag ka na lamang umalis ngayong araw at magpahinga ka na lamang.
Love:
Singles: Huwag mong hayaang kontrolin ka ng isang tao. Gawin mo kung ano ang sa tingin mo ang makakabuti sa iyo.
Money/Career:
Huwag ka muna bumili ng isang bagay na mamahalin ngayong araw. Hintayin mo na mag-sale ito.
Lucky color: Sky Blue
Lucky number: 9
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Huwag ka na muna makialam sa isang bagay na wala ka naman talagang alam. Iwasan mong magmarunong ngayong araw.
Love:
Couples: May malaking chance na maging kumplikado ang love life mo, lalo na kung nawawalan ka na ng panahon sa iyong partner.
Money/Career:
Huwag mo na utuin ang isang tao para lamang gawin niya ang iyong mga gawain.
Lucky color: White
Lucky number: 10
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Bago ka magsalita, isipin mo muna kung meron kang maooffend na tao. Iwasan mong mapaaway ngayong araw.
Love:
Couples: Maglaan ka ng panahon sa iyong partner. Kahit na maliit na effort ay sasapat naman para sa kanya.
Money/Career:
Huwag ka na lamang makipagtalo sa isang tao lalo na kung hindi naman siya nakikinig sa iyo.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 14
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Huwag ka muna mangako sa isang tao, lalo na kung hindi ka naman sigurado. Iwasan mong magpaasa ng tao.
Love:
Couples: Huwag ka na kasi maging pasaway sa iyong partner para hindi na siya hina-high blood pa sa iyo.
Money/Career:
Mukhang magiging maganda naman ang araw mo sa iyong trabaho dahil may chance na maganda ang mood ng iyong boss.
Lucky color: Grey
Lucky number: 17
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Huwag ka na lamang gumawa ng desisyon kung hindi mo rin naman ito pinag-isipan nang mabuti. Tandaan mo na nasa huli ang pagsisisi.
Love:
Singles: Kung hindi ka naman pinapansin ng crush mo, marahil ay panahon na para ilaan mo ang iyong oras sa iba.
Money/Career:
May chance na maging hectic ang iyong schedule ngayong araw, kaya naman madaliin mo na ang iyong mga gawain.
Lucky color: Grey
Lucky number: 11
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Mukhang magiging parte ka ng gawain ng ibang tao ngayong araw. Gawin mo ang lahat para magawa ito ng tama.
Love:
Singles: Subukan mong pag-aralan ang love life ng iyong mga kaibigan para maging handa ka kapag nagkaroon ka na.
Money/Career:
Mukhang may chance na matapos mo ang iyong mga gawain at matuwa sa iyo ang iyong boss.
Lucky color: Dark violet
Lucky number: 16
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Huwag mong madaliin ang mga bagay-bagay. Maaari kang magkamali kung hindi mo masyadong pag-iisipan ang iyong mga gawain.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para bigyan mo ng surprise ang iyong partner. Iwasan mo na rin ang pagiging sakit sa ulo sa kanya.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa pagtravel ang trabaho.
Lucky color: Brown
Lucky number: 16
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Isipin mong mabuti ang iyong mga gagawin at baka may makalimutan ka. Mas mabuti na isulat mo ang mga ito.
Love:
Singles: Mukhang handa ka na para pumasok sa isang relasyon. Tandaan mo na dapat magbigay ka ng sapat na oras para sa iyong partner.
Money/Career:
Kung masyadong demanding ang iyong trabaho, may chance talaga na mastress ka ngayong araw.
Lucky color: Green
Lucky number: 7
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Hindi mo kayang iwasan ang lahat ng bagay. May mga bagay talaga na mangyayari kahit na anong ingat pa ang gawin mo.
Love:
Singles: Mukhang hindi pa ito ang tamang panahon para ikaw ay magkaroon ng love life. Magfocus ka na muna sa iyong sarili.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong busy sa kanilang research.
Lucky color: Rainbow
Lucky number: 26