Aries (Mar 21 – Apr 19)
Kailangan mong maayos ang iyong pagkakamali kaagad. Kung gusto mo, pwede kang humingi ng tulong sa iba para mapabilis ito.
Love:
Singles: Huwag ka na tumingin sa malayo dahil nasa malapit lang ang taong nagkakagusto sa iyo. Maaaring magulat ka kapag nalaman mo kung sino siya.
Money/Career:
Bago mo bilhin ang isang bagay, pag-isipan mo muna itong mabuti para hindi masayang ang pera mo.
Lucky color: White
Lucky number: 15
Taurus (Apr 20 – May 20)
Mukhang magkakaroon ka na ng chance para subukan ang isang bagay na matagal mo na gustong gawin.
Love:
Couples: Kung wala na talagang future ang relasyon mo sa kanya, mas mabuting itigil mo na lang ito para hindi masayang ang effort mo.
Money/Career:
Kung may balak ka na umalis na sa isang partnership, gawin mo ito bago ka pa malugi nang husto.
Lucky color: Silver
Lucky number: 4
Gemini (May 21 – Jun 20)
Mas mabuting magfocus ka na lang sa iyong mga gawain at huwag ka na magpaistorbo sa ibang tao para matapos ka kaagad.
Love:
Singles: Mukhang may malaking chance na makita mo ang taong nakalaan sa iyo sa isang simbahan ngayong araw.
Money/Career:
Magrelax ka lang. Magagawa mo rin na maayos ang iyong gawain basta hindi ka magpapanic.
Lucky color: Green
Lucky number: 26
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Huwag ka na lamang magpaistorbo ngayong araw lalo na kung gusto mo talaga magkaroon ng pahinga.
Love:
Couples: Pagbigyan mo na lamang ang iyong partner ngayong araw para hindi na siya magtampo sa iyo.
Money/Career:
Mas mabuting huwag mo na lamang pautangin ang iyong kamag-anak lalo na kung alam mo na wala siyang balak bayaran ka.
Lucky color: Blue
Lucky number: 12
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Subukan mong maging creative ngayong araw. Sorpresahin mo ang ibang tao sa maaari mong magawa.
Love:
Couples: Kung hindi ka magsasalita, hindi malalaman ng partner mo ang problema. Huwag mo na siya pahulain.
Money/Career:
Kung hindi masyadong maganda ang status ng iyong career, subukan mong magtry ng ibang trabaho.
Lucky color: Gold
Lucky number: 7
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Mukhang panahon na gawan mo ng aksyon ang isang bagay, lalo na kung napapansin mo na lumalala lang ito.
Love:
Singles: Huwag mong hayaan na utuin ka ng isang tao, porke alam niyang may gusto ka sa kanya.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga estudyanteng naghahanda para sa isang exam.
Lucky color: Purple
Lucky number: 23
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Mukhang mahihirapan ka na naman na solusyunan ang isang bagay, lalo na kung walang tao na gustong tumulong sa iyo.
Love:
Couples: Kung hindi ka na masaya sa iyong kasalukuyang relasyon, dapat ay pag-usapan ninyo ito ng iyong partner para magawa ninyo ito ng paraan.
Money/Career:
Mukhang may chance na makapag-abroad ka dahil sa iyong talento.
Lucky color: Black
Lucky number: 15
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Huwag mo na lokohin ang sarili mo. Kung hindi mo talaga gusto ang isang bagay, huwag mo na ito ipagpilitan pa.
Love:
Couples: May malaking chance na mag-away kayong dalawa ngayong araw, lalo na kung masyadong makulit ang iyong partner.
Money/Career:
Mukhang mapapagastos ka na naman ngayong araw, kaya sulitin mo na lang ito.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 17
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Huwag mo muna sabihin sa ibang tao ang iyong nalalaman. Gamitin mo muna ito sa iyong advantage.
Love:
Couples: Mukhang mahihirapan ka na kausapin ang iyong partner tungkol sa isang bagay, lalo na kung palagi niyang iniiba ang usapan.
Money/Career:
Nasa iyo naman ang kakayahan para maging matagumpay sa buhay. Kailangan mo lang ng tamang motivation.
Lucky color: Black
Lucky number: 23
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Sumabay ka na lamang sa trip ng isang tao para naman hindi ka na niya kulitin pa tungkol sa isang bagay.
Love:
Couples: Maiintindihan ka rin naman ng iyong partner. Bigyan mo na lang muna siya ng oras para makapag-adjust.
Money/Career:
Pag-isipan mo nang mabuti ang gagawin mong desisyon para naman hindi masayang ang iyong pera.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 21
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Gamitin mo ang nalalaman mo para lamangan ang isang tao ngayong araw. Panahon na para ipakita mo na mas magaling ka sa kanya.
Love:
Singles: Huwag ka na tumanggi at sumama ka na sa gimik ng iyong barkada. Malay mo, makita mo roon ang taong nakatadhana sa iyo.
Money/Career:
Kahit na hindi ka masyadong nagtitipid, hindi ka naman magkakaroon ng malaking problema sa pera.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 30
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Huwag mo na takasan ang isang bagay na inutos sa iyo. Gawin mo na lamang ito para hindi ka na masermonan.
Love:
Singles: Kalimutan mo na ang nangyari dati at magfocus ka sa mga nangyayari ngayon. Huwag mo na pahirapan pa ang iyong sarili.
Money/Career:
Itama mo agad ang mali mong nagawa para naman hindi na ito lumala pa.
Lucky color: Black
Lucky number: 15