in ,

Daily Horoscope: September 27, 2018 – Thursday

Aries (Mar 21 – Apr 19)
Huwag mong madaliin ang iyong mga gawain. Magdahan-dahan ka para naman hindi ka madaling magkamali.
Love:
Couples: May malaking chance na mainis ka sa isang tao ngayong araw at mailabas mo ito sa iyong partner.
Money/Career:
Subukan mong i-entertain ang katanungan ng ibang tao lalo na kung hindi naman ito nakakaistorbo sa iyo.
Lucky color: Pink
Lucky number: 4

Taurus (Apr 20 – May 20)
Bago ka manisi ng ibang tao, siguraduhin mo muna na wala ka ring ginawang mali para hindi ka mapahiya sa kanila.
Love:
Couples: Huwag ka na magpapressure sa sinasabi ng ibang tao. Gawin ninyo lang ng iyong partner ang sa tingin ninyo ang dapat.
Money/Career:
Kailangan mong magconcentrate muna sa iyong trabaho lalo na kung hectic ang iyong schedule.
Lucky color: Red
Lucky number: 17

Gemini (May 21 – Jun 20)
Mukhang magkakaroon kayo ng reunion soon, kaya naman bawas-bawasan mo na ang iyong pagkain para hindi ka maasar ng iyong mga kamag-anak.
Love:
Singles: Bago ka maghanap ng taong magmamahal sa iyo, dapat ay mahalin mo muna ang iyong sarili.
Money/Career:
Kahit na maging maingat ka, may mga bagay pa rin na mangyayari sa ayaw mo at sa gusto.
Lucky color: Baby blue
Lucky number: 4

Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Kung hindi naman effective sa iyo ang isang bagay, huwag mo na ito pilitin at baka mas lalo ka lang madisappoint.
Love:
Singles: Magbehave ka kapag nasa malapit lang ang crush mo, para naman hindi siya maturn-off sa iyo.
Money/Career:
Kung may plano ka na mag-abroad, mas mabuting ayusin mo na ang iyong requirements para hindi ka na magkaroon pa ng problema.
Lucky color: Black
Lucky number: 26

Leo (Jul 23 – Aug 22)
Kung hindi mo kayang gawin ang isang bagay, huwag ka mangako na gagawin mo ito para hindi ka mapahiya.
Love:
Singles: Subukan mong yayain sa isang date ang isang tao na hindi mo talaga type. Malay mo, maging successful naman ito.
Money/Career:
Bago mo pasukin ang isang business, alamin mo muna kung anong klaseng mga problema ang maaari mong harapin.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 16

Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Mukhang may taong sosorpresa sa iyo ngayong araw. Maaaring isa siyang dating kaibigan na matagal mo na hindi nakikita.
Love:
Couples: Bago kayo kumain sa labas ng iyong partner, pag-isipan ninyo na agad kung saan kayo kakain para hindi masayang ang oras ninyo.
Money/Career:
Makipagpartner ka lamang sa mga taong kilala mo para lumiit ang chance na maloko ka.
Lucky color: Grey
Lucky number: 4

Libra (Sep 23 – Oct 22)
Huwag mo muna sabihin sa iyong mga kaibigan ang tsismis na narinig mo dahil maaaring may magalit sa iyo.
Love:
Singles: Kung hindi ka pa handa na magkaroon ng partner, huwag mong pilitin ang iyong sarili. Huwag kang magpapressure sa ibang tao.
Money/Career:
Mukhang magkakaroon ka ng magandang job offer pero masyado itong malayo. Tanungin mo ang iyong pamilya tungkol dito.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 18

Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Ayusin mo muna ang iyong mga gawain bago mo tulungan ang ibang tao para na rin hindi ka ma-delay.
Love:
Singles: Bigyan mo muna ng atensyon ang iyong pamilya, lalo na kung meron kayong pinoproblema sa ngayon.
Money/Career:
Kung masyadong malayo ang iyong trabaho, subukan mong maghanap ng matitirhan malapit doon.
Lucky color: Cream
Lucky number: 3

Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Huwag ka muna magconcentrate sa mga bagay na hindi masyadong importante. Subukan mong imanage mabuti ang iyong oras.
Love:
Singles: Ilaan mo muna ang araw na ito para sa iyong pamilya, lalo na kung meron kayong kamag-anak na bibisita.
Money/Career:
Mukhang kinakaya mo pa naman ang mga gastusin. Maging mapanuri ka na lamang sa iyong mga bibilhin.
Lucky color: Black
Lucky number: 14

Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Magseryoso ka muna sa iyong mga gawain, dahil tiyak na ikaw ang mahihirapan kung hindi mo gagalingan sa mga ito.
Love:
Singles: Kung hindi man magwork out ang relationship ninyo, marahil ay nakatadhana talaga na hanggang kaibigan lang kayo.
Money/Career:
Kung hindi mo feel ang isang tao, huwag mo na lamang siya pansinin para hindi masira ang araw mo.
Lucky color: Red
Lucky number: 6

Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Huwag ka muna magpaistorbo ngayong araw. Marami ka pang kailangang gawin kaya tapusin mo muna ang mga ito.
Love:
Singles: Kung wala siyang ginagawang hakbang, ikaw na mismo ang mag-first move para naman magkaroon ka na ng love life.
Money/Career:
Mukhang may chance na ma-promote ka in the future, lalo na kung may tiwala sa iyo ang iyong boss.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 13

Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Mukhang wala masyadong papansin sa iyo ngayong araw. Chance mo na ito para gawin ang mga bagay na gusto mo.
Love:
Singles: Kung yayain ka ng iyong mga kaibigan na gumala ngayong araw, sumama ka para naman hindi ka ma-bore sa bahay.
Money/Career:
Maaaring makatanggap ka ng regalo ngayong araw. Huwag mo kalimutang magpasalamat sa kanya.
Lucky color: Orange
Lucky number: 30

Comments

Maine Mendoza proclaims comedy is her forte

“She’s always been supportive of me”: New Darna Liza Soberano wants to make Angel Locsin proud