Aries (Mar 21 – Apr 19)
Maging sensitive ka sa mararamdaman ng ibang tao, para naman makagawa ka ng mga desisyon na hindi mo pagsisisihan sa huli.
Love:
Couples: Subukan mong sorpresahin ngayong araw ang iyong partner. Pwede mo siyang regaluhan o kaya ay i-treat sa isang dinner.
Money/Career:
Ipagpaliban mo muna ang ilan sa iyong mga lakad ngayong araw at magpahinga na lamang sa bahay.
Lucky color: Orange
Lucky number: 26
Taurus (Apr 20 – May 20)
Huwag mo na kasi gawing kumplikado pa ang isang simpleng bagay. Ikaw lang ang nagpapalala sa iyong problema.
Love:
Sigles: Mukhang may malaking chance na mahulog ang loob mo sa isang foreigner. Huwag kang mag-alala dahil mukhang bagay naman kayo.
Money/Career:
Kailangan mong magsipag ngayong araw para hindi ka madamay sa init ng ulo ng iyong boss.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 26
Gemini (May 21 – Jun 20)
Kung hindi mo sure kung tama ba iyong narinig, subukan mong tanungin mismo ang taong involved dito.
Love:
Couples: May malaking chance na kukulitin mo ang iyong partner ngayong araw, lalo na kung hindi ka na niya masyadong nilalambing.
Money/Career:
Kung may balak kang subukan ang isang investment, magtanong-tanong ka muna para hindi naman masayang ang pera mo.
Lucky color: Purple
Lucky number: 18
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Huwag kang madisappoint kung hindi nangyari ang iyong inaasahan. May next time pa naman kaya magtiwala ka lang.
Love:
Couples: Mukhang masyado ka na nagfofocus sa iyong trabaho, kaya may chance na magtampo sa iyo ang partner mo.
Money/Career:
Kung galit ka sa isang tao, huwag mo hayaan na makaapekto ito sa iyong mga gawain.
Lucky color: Dark violet
Lucky number: 9
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Kung gusto kang tulungan ng isang tao, pagbigyan mo siya para naman hindi ka na masyadong mahirapan.
Love:
Singles: Kung hindi ka naman pinapansin ng crush mo kahit na anong gawin mo, marahil ay panahon na para magfocus ka sa ibang tao.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa pagtuturo ang trabaho.
Lucky color: Blue
Lucky number: 27
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Kung kailangan mong suwayin ang isang tao, gawin mo ito lalo na kung alam mong kokontra ito sa iyong konsensiya.
Love:
Singles: Mukhang halata naman para sa ibang tao ang dapat mong gawin, pero hindi ka pa rin sigurado dito.
Money/Career:
Subukan mong humanap ng bagong hobby para naman hindi ka na masyadong tamarin sa iyong trabaho.
Lucky color: Brown
Lucky number: 21
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Kung masyadong clingy sa iyo ang isang tao, pagsabihan mo siya para naman hindi ka na maging awkward sa kanya.
Love:
Singles: Mukhang panahon na para magseryoso ka. Huwag ka basta pumasok sa isang relasyon para lang masabi na meron ka.
Money/Career:
Bago ka pumayag sa isang deal, basahin mo muna ang inyong agreement nang mabuti para wala kang pagsisihan.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 11
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Tapusin mo muna ang iyong mga gawain bago mo tulungan ang ibang tao. Magfocus ka muna sa mga bagay na inutos sa iyo.
Love:
Couples: Kung nalilito ka sa mga kinikilos ng iyong partner, magmasid-masid ka muna para magkaroon ka ng ideya.
Money/Career:
Kung hindi ka tatamarin, magagawa mong matapos ang ilan sa mga pending mong gawain kahapon.
Lucky color: Rainbow
Lucky number: 27
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Magtiwala ka muna sa iyong kutob at hinala. Kung kailangan mong kontrahin ang sinasabi ng ibang tao, gawin mo ito.
Love:
Couples: Mukhang panahon na para magdesisyon ka kung gusto mo na ilevel up ang inyong relasyon o hindi pa.
Money/Career:
May pagbabago na darating sa iyong trabaho. Hindi mo man ito magustuhan, tiyak na makikinabang ka rin dito.
Lucky color: Navy blue
Lucky number: 12
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Kung hind mo sigurado ang isang bagay, huwag mo muna ito sabihin sa iba para naman hindi ka lumabas na paasa o sinungaling.
Love:
Singles: Mukhang may chance na makita mo ulit ang iyong ex at meron siyang dalang balita para sa iyo.
Money/Career:
Huwag ka na tamarin ngayong araw. Marami ka pang dapat na asikasuhin kaya kumilos ka.
Lucky color: Red
Lucky number: 2
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Dapat ay hindi ka lang pala-tanggap. Dapat ay marunong ka rin magbigay sa ibang tao para naman hindi maging masama ang tingin nila sa iyo.
Love:
Singles: Maglaan ka ng maraming oras para sa iyong pamilya, lalo na kung sila lang ang mga taong sumusuporta sa iyo.
Money/Career:
Huwag mo na muna tanggapin ang isang bagay, lalo na kung feeling mo ay hindi mo ito kayang tapusin.
Lucky color: Lavender
Lucky number: 20
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Mas mabuti kung hindi ka muna makikialam sa problema ng ibang tao, para naman wala rin silang masisi sa iyo.
Love:
Singles: Kung may taong humihingi sa iyo ng advice, bigyan mo siya dahil tiyak na magaling ka naman sa mga ganyang bagay.
Money/Career:
Kung wala masyadong sumusuporta sa mga gusto mo, mahihirapan ka na i-pursue ang iyong nais na gawin.
Lucky color: Gold
Lucky number: 22