Aries (Mar 21 – Apr 19)
Mukhang mabibigyan ka ng opportunity para patunayan ang galing mo ngayong araw. Huwag mo silang bibiguin.
Love:
Couples: Subukan mong baguhin ang iyong outfit ngayong araw at tingnan mo kung ano ang magiging reaksyon ng iyong partner.
Money/Career:
Gamitin mo ang iyong utak para diskartehan ang isang bagay, lalo na kung gusto mo talagang matapos ito.
Lucky color: Black
Lucky number: 3
Taurus (Apr 20 – May 20)
Huwag mo na kulitin ang isang tao tungkol sa isang bagay, lalo na kung kasalanan mo na hindi ka nakikinig sa kanya.
Love:
Couples: Pansinin mo na kasi ang iyong partner, lalo na kung meron siyang pinapagawa sa iyo na matagal na niyang sinabi.
Money/Career:
Magiging maswerte ka ngayong araw dahil may chance na may taong magbayad na ng kanyang utang sa iyo.
Lucky color: Green
Lucky number: 19
Gemini (May 21 – Jun 20)
Maging positive ka lang. Magagawa mo ring tapusin ang isang bagay, lalo na kung walang taong iistorbo sa iyo.
Love:
Couples: Huwag mo pairalin ang iyong ego sa inyong relasyon, dahil may chance na masira lamang ito dahil dito.
Money/Career:
Kung masyadong marami ang pinapagawa sa iyo, gawin mo muna ung mga madadali para kahit papaano ay may matapos ka.
Lucky color: Green
Lucky number: 15
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Huwag kang matakot na gawin ang isang bagay. Subukan mo munang panoorin ang iba na gawin ito para magkaroon ka ng idea.
Love:
Couples: Bantayan mo ang iyong partner ngayong araw dahil may chance na may taong umagilid sa kanya kapag wala ka.
Money/Career:
Mukhang kailangan mong maghanap ng pangalawang trabaho, lalo na kung kinakapos ka talaga sa budget.
Lucky color: Blue
Lucky number: 13
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Kung feeling mo ay tama naman ang ginagawa mo, ipagpatuloy mo lang ito. Malay mo, mabago mo ang isip ng ibang tao.
Love:
Couples: Kung talagang gusto mo na magpatuloy sa inyong relasyon, dapat ay maging supportive ka sa mga gustong gawin ng iyong partner.
Money/Career:
Mukhang makakaisip ka na ng solusyon para hindi ka masyadong nauubusan ng pera.
Lucky color: Orange
Lucky number: 15
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Kung hindi ka sigurado kung dapat mo nga bang gawin ang isang bagay, subukan mong tanungin ang opinyon ng iyong best friend.
Love:
Singles: Huwag ka masyado maging clingy sa taong gusto mo, dahil malaki ang chance na mainis lang siya sa iyo.
Money/Career:
Gawin mo ang iyong natutunan para diskartehan ang isang bagay na pinapagawa ng iyong boss.
Lucky color: Blue
Lucky number: 16
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Kailangan mong gumawa agad ng desisyon. Huwag mo na ito patagalin pa para hindi na lumaki ang problema.
Love:
Couples: May malaking chance na makatanggap ka ng regalo mula sa iyong partner ngayong araw, lalo na kung naging behave ka kamakailan.
Money/Career:
Huwag mo hayaang maapektuhan ka sa mga sinasabi ng ibang tao sa iyo, lalo na kung alam mo naman na hindi ito totoo.
Lucky color: Brown
Lucky number: 16
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Subukan mong gawin ang isang hobby na hindi mo pa nasusubukan. Malay mo, magustuhan mo ito at gawin mo na ito araw-araw.
Love:
Couples: Kausapin mo ang iyong partner, lalo na kung feeling mo ay meron siyang inaalala. Iparamdam mo na nandiyan ka lang palagi.
Money/Career:
Huwag mo na lang pakialaman ang gawa ng ibang tao para naman hindi ka masisi kapag nagkamali sila.
Lucky color: Baby blue
Lucky number: 26
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Bago mo bilhin ang isang bagay, siguraduhin mo muna na may pupwestuhan ito at baka ang ending ay nakakalat lang ito kung saan-saan.
Love:
Couples: Kung hindi ka maintindihan ng iyong partner, bigyan mo lang siya ng time para makapag-isip nang mabuti.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa alahas ang trabaho.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 25
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Hindi ka dapat ma-guilty sa mga sinasabi mo sa ibang tao, lalo na kung ito naman talaga ang totoo.
Love:
Couples: Kung masyadong mainitin ang iyong ulo, tiyak na darating ang panahon na hihiwalayan ka ng iyong partner.
Money/Career:
Kung masyadong magastos na ang iyong pamasahe, subukan mong maghanap ng trabaho na home-based para makatipid ka.
Lucky color: Pink
Lucky number: 24
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Iparamdam mo sa isang tao na tama ang kanyang ginawang desisyon, para naman magkaroon na siya ng peace of mind.
Love:
Singles: Kung hindi ka sigurado kung ano ang kanyang tunay na ugali, subukan mo munang kaibiganin siya para makita mo ito.
Money/Career:
Huwag ka muna mag-quit sa iyong trabaho. Sa ibang araw mo na lamang ito planuhin.
Lucky color: Pink
Lucky number: 9
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Bigyan mo ng payo ang iyong kaibigan, lalo na kung ilang araw na siyang hindi mapakali dahil sa kanyang problema.
Love:
Singles: Mukhang may taong nagkakagusto sa iyo, pero mag-ingat ka lang at baka naman hindi pa siya handa para isang seryosong relasyon.
Money/Career:
Kung may project kang ginagawa, siguraduhin mo na complete ang iyong resources para hindi ka na magkaroon pa ng problema.
Lucky color: White
Lucky number: 16