in ,

Daily Horoscope: November 16, 2018 – Friday

Aries (Mar 21 – Apr 19)
Para naman matuwa sa iyo ang ibang tao, bawas- bawasan mo na ang pagiging pasaway mo ngayong araw.
Love:
Singles: Huwag ka muna masyadong umasa sa isang tao, lalo na kung ngayon pa lang ay hindi mo na nararamdaman na meron siyang binibigay na effort sa iyo.
Money/Career:
Sumubok ka ng ibang bagay. Huwag mong ikulong ang sarili mo sa mga nakasanayan mo ng gawin.
Lucky color: Blue
Lucky numbers: 27 29 21 22 45 6

Taurus (Apr 20 – May 20)
Kung gusto mo talagang matapos ang isang bagay, ibigay mo ang lahat ng makakaya mo rito. Hindi ito ang panahon para magpigil ka.
Love:
Couples: Huwag kang matakot sa sasabihin ng ibang tao tungkol sa iyo, dahil tiyak naman na palagi kang susuportahan ng iyong partner.
Money/Career:
Kung hindi mo kayang labanan ang isang tao sa kanyang gusto, marahil ay mas magandang pagbigyan mo na lang siya.
Lucky color: Red
Lucky numbers: 20 58 3 16 4 52

Gemini (May 21 – Jun 20)
Nasa iyo ang kakayahan para matapos ang lahat ng iyong mga gawain ngayong araw, pero may chance talaga na tatamarin ka pa rin.
Love:
Couples: Kung maiintindihan mo pang lalo ang iyong partner, mas lalalim ang inyong relasyon at makakatulong ito para sa inyong future.
Money/Career:
Kung kaya mo namang magbigay sa ibang tao, gawin mo ito para naman may mapasaya ka ngayong araw.
Lucky color: Pink
Lucky numbers: 58 3 31 36 20 44

Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Kung gusto mong gawin ang isang bagay pero may kaibigan kang kontra rito, subukan mo siyang kausapin para pagbigyan ka.
Love:
Couples: Huwag kang mag-alala kung tinatanong ka ng iyong partner tungkol sa iyong nakaraan. Marahil, gusto niya lang na maintindihan ka pa lalo.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may balak na mag-audition sa isang contest.
Lucky color: Baby blue
Lucky numbers: 9 27 20 11 16 57

Leo (Jul 23 – Aug 22)
Ienjoy mo muna kung ano ang meron ka. Huwag ka mag-expect masyado at baka madisappoint ka lang pagdating sa huli.
Love:
Singles: Bago ka magfocus sa ibang tao, magfocus ka muna sa iyong sarili. May mga bagay pa na pwede mong iimprove para mag-grow ka as a person.
Money/Career:
Magiging maayos din naman ang lahat as long as marunong kang makipagcooperate sa iyong mga kasama.
Lucky color: Pink
Lucky numbers: 29 11 2 28 54 12

Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Kung hindi mo sigurado kung kakayanin mo ang isang bagay, huwag ka muna mangako sa ibang tao para hindi sila umasa.
Love:
Singles: Huwag mo sayangin ang oras mo sa taong wala namang pagtingin sa iyo. Ibigay mo na lamang ang effort mo sa iba.
Money/Career:
Huwag kang mahiya sa ibang tao, lalo na kung kailangan mo talaga silang lapitan para sa isang bagay.
Lucky color: Yellow
Lucky numbers: 23 57 5 40 56 13

Libra (Sep 23 – Oct 22)
Gamitin mo ang mga bagay na meron ka para mapaghandaan ang isang event na paparating. Kailangan mong kumilos kaagad para hindi ka mapraning sa huli.
Love:
Couples: Kung kakaiba ang kinikilos ng iyong partner, pabayaan mo muna siya at hayaan mo siya sa kanyang gustong gawin.
Money/Career:
Mukhang maganda naman ang status ng iyong career sa ngayon. Ipagpatuloy mo na lang ang pagiging masipag sa trabaho.
Lucky color: Red
Lucky numbers: 23 19 40 25 2 29

Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Hindi porke kaya mong gawin ang isang bagay ay magiging maganda na ang outcome nito. Huwag ka muna magsalita ng tapos hangga’t wala ka pang sinisimulan.
Love:
Singles: Kung gusto mo talagang makapagmove on sa isang tao, harapin mo ang mga bagay na iyong kinakatakutan para magkaroon ka ng peace of mind.
Money/Career:
Kailangan mong maging masipag ngayong araw, lalo na kung ayaw mong mapagalitan ka ng iyong boss.
Lucky color: Black
Lucky numbers: 50 6 37 28 33 12

Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Huwag ka muna sumali sa isang usapan kung hindi ka naman invited. Baka magmukha ka lang epal sa paningin ng iba.
Love:
Singles: Kung kakabreak mo lang sa isang tao, huwag mo muna ibigay ang atensyon mo sa iba. Magfocus ka muna sa iyong sarili.
Money/Career:
Masaya naman ang ibang tao tuwing kasama ka nila sa trabaho, kaya tiyak na hindi ka magdudulot ng stress sa kanila.
Lucky color: Blue
Lucky numbers: 5 42 1 43 4 52

Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Huwag ka masyadong maging aggressive sa isang tao dahil may tendency na lumayo siya sa iyo kapag tinuloy mo ito.
Love:
Couples: Kung bibigyan mo ng space ang iyong partner sa inyong relasyon, mas lalo kayong magtatagal as a couple.
Money/Career:
Huwag ka masyadong mag-alala sa isang bagay, lalo na kung marami naman kayong gagawa nito.
Lucky color: Black
Lucky numbers: 20 16 9 6 7 50

Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Okay lang naman na magkamali ka ngayong araw, as long as gagawa ka ng paraan para maitama ang mga ito.
Love:
Couples: Kung kaya mo namang gawin ang isang bagay nang mag-isa, gawin mo na ito at huwag mo na istorbohin ang iyong partner.
Money/Career:
Huwag kang matakot na gawin ang isang bagay dahil marami ka namang matatanggap na suporta galing sa iyong mga kasama.
Lucky color: Grey
Lucky numbers: 22 10 54 43 1 12

Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Mukhang may isang tao na makakapansin sa pagbabago na ginawa mo sa iyong sarili. Huwag ka maging awkward dahil dito.
Love:
Couples: Kung nahihirapan ka sa status ng inyong relasyon sa ngayon, marahil ay mas maganda kung lalayo muna kayo sa isa’t-isa para makapag-isip.
Money/Career:
Mas makakabuti sa iyo kung magiging masaya ka pagpasok mo ng trabaho, para naman hindi agad-agad iinit ang ulo mo.
Lucky color: Purple
Lucky numbers: 18 9 4 15 17 19

Comments

RAWR Awards bare its official winners for the Year 2018

What Makes Maymay Entrata Different Among The Other Female Celebrities