Aries (Mar 21 – Apr 19)
May malaking chance na matakot ka sa pwedeng mangyari ngayong araw lalo na kung hindi mo makontrol ang mga bagay-bagay sa iyong paligid.
Love:
Couples: Subukan ninyong maghanap ng bagong hobby para naman kahit papaano ay magkaroon ng something fresh sa inyong relasyon.
Money/Career:
Mas mabuting isipin mo na agad ang gusto mong goal sa buhay para makapagfocus ka na agad dito.
Lucky color: Dark Purple
Lucky numbers: 16 58 7 41 6 42
Taurus (Apr 20 – May 20)
Mukhang kailangan mong gawin agad ang isang bagay na inutos sa iyo para hindi ka na mapagalitan pa.
Love:
Couples: Kung merong bumabagabag sa iyo, sabihin mo ito sa iyong partner at baka pwede ka niyang tulungan tungkol dito.
Money/Career:
May chance na mahirapan ka sa iyong mga gawain ngayong araw lalo na kung marami ang umiistorbo sa iyo.
Lucky color: Pink
Lucky numbers: 45 10 28 56 40 39
Gemini (May 21 – Jun 20)
Huwag ka masyadong mag-alala kung napagsasabihan kang isip-bata. Maaaring masayahin ka lang talaga o hindi gaano nag-iingat.
Love:
Singles: Subukan mong sumali sa ilang groups para marami kang makilalang tao. Malay mo, marami ka ring maka-close sa kanila.
Money/Career:
Huwag mo na masyadong pahirapan ang sarili mo. Kung pwede mong ipagpabukas na lang ang iyong mga gawain, gawin mo ito.
Lucky color: Green
Lucky numbers: 18 8 1 19 25 41
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Mukhang hindi mo magugustuhan ang mangyayari ngayong araw dahil may chance na magkatotoo ang kinakatakutan mo.
Love:
Singles: Huwag ka magmadali na pumasok sa isang relasyon. Kilalanin mo muna ung tao para hindi ka magsisi sa huli.
Money/Career:
Dapat ay marunong ka ring magligpit sa iyong mga gamit lalo na kapag tapos mo na gamitin ang mga ito.
Lucky color: Black
Lucky numbers: 53 19 50 2 12 54
Leo (Jul 23 – Aug 22)
May malaking chance na marami kang makalimutan ngayong araw kaya naman mapapraning na naman ang isip mo.
Love:
Singles: Huwag ka na tamarin na lumabas ng bahay at sumama sa lakad ng iyong mga kaibigan. Huwag muna maging KJ.
Money/Career:
Huwag ka muna gumawa ng desisyon tungkol sa isang seryosong bagay. Kung kaya mo pa itong pag-isipan, gawin mo ito.
Lucky color: Black
Lucky numbers: 26 10 33 18 14 21
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Kung palagi na lang problema ang hinaharap mo araw-araw, marahil ay meron kang mali talaga na ginagawa.
Love:
Couples: Huwag ka masyadong mag-alala sa future ng inyong relasyon. Manatili na lamang kayong honest sa isa’t-isa para maiwasan ang problema.
Money/Career:
Bago mo paniwalaan ang isang bagay, siguraduhin mo muna na tama ito para hindi ka mapahamak.
Lucky color: Pink
Lucky numbers: 41 8 9 12 52 31
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Huwag mo babaan ang tingin mo sa iyong sarili. Kaya mo naman gawin ang iyong mga nais pero kailangan mo lang magtiwala sa iyong kakayahan.
Love:
Singles: Magfocus ka muna kung paano mo mapapalago ang iyong sarili. Marami ka pang dapat na matutunan.
Money/career:
Huwag ka kaagad magpapadala sa sasabihin ng ibang tao, lalo na kung wala naman silang basehan tungkol dito.
Lucky color: Red
Lucky numbers: 35 19 36 26 29 2
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Maging positive ka na lamang ngayong araw. Huwag mo sayangin ang oras mo sa mga negative na bagay at ikasisira lang ito ng mood mo.
Love:
Singles: Huwag kang magpapadala sa iyong emosyon dahil may malaking chance na magkamali ka sa iyong mga desisyon.
Money/Career:
Hindi ito ang tamang oras para simulan ang isang bagong gawain, lalo na kung meron ka pang pending na trabaho.
Lucky color: Cream
Lucky numbers: 1 36 38 8 17 13
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Kung hindi mo sigurado kung sino ba talaga ang susundin mo, subukan mong gawin ito ng sabay para makita mo kung sino ang tama.
Love:
Couples: May malaking chance na sorpresahin ka ng iyong partner ngayong araw at matuwa ka dahil dito.
Money/Career:
Habaan mo na lamang ang iyong pasensiya. Kung hindi talaga nakalaan sa iyo ngayon ang isang bagay, matutong maghintay na lamang.
Lucky color: Green
Lucky numbers: 49 3 50 57 18 38
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Mukhang panahon na para harapin mo ang isang bagay na matagal mo na iniiwasan para hindi na ito lumala pa ang mga pangyayari.
Love:
Couples: Kung napapansin mo na meron kang kailangang baguhin, gawin mo agad ito lalo na kung napapansin din ito ng iyong partner.
Money/Career:
Huwag mo na sayangin ang oras sa mga taong hindi naman marunong makinig sa mga sinasabi mo.
Lucky color: Silver
Lucky numbers: 47 32 28 18 12 22
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Kung merong plano ang iyong pamilya, tumulong ka sa pagsetup nito para naman malaki ang chance na magtagumpay ito.
Love:
Couples: Kung hindi mo kinakaya ang inaasta ng partner mo, marahil ay lumayo ka muna para mabawasan ang init ng ulo mo.
Money/Career:
Okay lang naman na lumutang ang isip mo ngayong araw lalo na kung masyado kang stressed.
Lucky color: Sky blue
Lucky numbers: 21 48 24 57 46 22
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Bago mo gawin ang isang bagay, i-check mo muna ang available options mo para makagawa ka ng right decision.
Love:
Singles: Gawin mo lang kung ano sa tingin mo ang kailangan mong gawin. Huwag ka masyadong magpadikta sa sinasabi ng ibang tao.
Money/Career:
Huwag ka muna pumayag sa isang deal, lalo na kung meron ka pang natatanggap na offer sa iba.
Lucky color: Dark brown
Lucky numbers: 4 20 53 14 21 15