Aries (Mar 21 – Apr 19)
Dapat ay marunong ka rin magsabi sa isang tao lalo na kung sumusobra na siya. Huwag ka lang palaging tanggap nang tanggap.
Love:
Singles: May malaking chance na pagtsismisan ka ngayong araw lalo na kung medyo kakaiba ang kinilos mo nung mga nakaraang araw.
Money/Career:
Marami ka pang dapat na matutunan kaya naman huwag kang mahiyang humingi ng tulong sa iba.
Lucky color: Blue
Lucky numbers: 42 2 17 31 24 40
Taurus (Apr 20 – May 20)
Kung may atraso ka sa isang tao, lapitan mo na siya kaagad at magsorry ka para hindi na lumala pa ang away ninyo.
Love:
Couples: Manalig ka lang at makakasurvive ka rin sa iyong problema. Kailangan mo na lamang magfocus dito at huwag magpaistorbo sa iba.
Money/Career:
Huwag mo na lamang pansinin ang mga taong minamaliit masyado ang iyong trabaho.
Lucky color: Pink
Lucky numbers: 23 8 7 18 33 35
Gemini (May 21 – Jun 20)
Hindi mo man makuha ang sinasabi ng isang tao sa iyo, makinig ka na lamang sa kutob mo at tiyak na magiging safe ka.
Love:
Singles: Kung gusto mo muna layuan ang isang tao, gawin mo ito para naman makapag-isip ka na rin nang mabuti.
Money/Career:
Isa kang magaling na leader kaya naman marami ang humahanga sa ipinapakita mo sa trabaho.
Lucky color: Black
Lucky numbers: 11 40 46 5 28 26
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Kung kaya mo namang bigyan ng advice ang isang tao, magsalita ka at baka ikaw ang maging savior niya.
Love:
Couples: Huwag ka matakot na mag-open up sa partner mo. Makakatulong ito para mas lalo ka niyang maintindihan.
Money/Career:
Maging matatag ka lang dahil may chance na maging mahirap ang mga gawain mo ngayong araw.
Lucky color: Blue
Lucky numbers: 11 42 32 44 7 13
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Hindi mo man sigurado pero kailangan ka ng iyong mga kasama kaya huwag ka na muna umabsent ngayong araw.
Love:
Couples: Kung napapansin mo na iniisnob ka ng partner mo, tanungin mo siya at maaaring may tinatago siya sa iyo.
Money/Career:
Kailangan mo ng momentum ngayong araw para naman matapos mo na ang mga lahat ng mga pending mong gawain.
Lucky color: Yellow
Lucky numbers: 46 9 3 2 12 29
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Kung may gustong makipagpartner sa iyo sa isang gawain, pumayag ka na para na rin mabawasan ang iyong mga gawain.
Love:
Singles: Huwag mong kalimutan ang iyong sarili. Huwag na lang palaging siya ang dapat mong inaalala.
Money/Career:
Bago mo tulungan ang ibang tao, tapusin mo muna ang iyong mga gawain para wala ka na dapat pang intindihin.
Lucky color: Silver
Lucky numbers: 42 20 16 3 35 44
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Mukhang may taong balak na siraan ka sa isang tao. Magmasid-masid ka muna para malaman mo kung sino siya.
Love:
Couples: Marami pa kayong dapat na matutunan sa inyong mga sarili. Kaya sa ngayon, bigyan ninyo muna ng space ang isa’t-isa.
Money/Career:
Huwag mo na lang patulan ang mga taong umaaway sa iyo, lalo na kung wala namang sense ang sinasabi niya.
Lucky color: Pink
Lucky numbers: 48 36 30 25 40 22
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Mukhang may matatanggap kang message ngayong araw at malaki ang chance na matuwa ka sa iyong mababasa.
Love:
Couples: Marami pa kayong maooffer sa isa’t-isa kaya huwag kayo agad mapressure dahil hindi naman magiging boring ang inyong relasyon.
Money/Career:
Kung kailangan mong sundin ang isang tao para lang matapos na ang usapan, gawin mo na ito para makamove on na kayo.
Lucky color: Yellow
Lucky numbers: 45 38 16 39 20 14
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Kung kailangan mong lapitan ang isang tao, gawin mo na ito para matapos mo na ang iyong ginagawa.
Love:
Singles: Mukhang mahuhulog ka na naman sa isang tao ngayong araw at may malaking chance na pinsan ito ng iyong kaibigan.
Money/Career:
Dapat ay hindi ka lang puro plano. Mag-execute ka rin para naman may patutunguhan ang mga naisip mo.
Lucky color: Baby blue
Lucky numbers: 3 36 19 7 6 4
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Madali mong nalalaman kung ano ang problema sa gawa ng ibang tao dahil napaka-observant mo. Dahil dito, minsan ayaw ka nilang katabi.
Love:
Singles: Kung meron kang party na pupuntahan, huwag mong kalimutan na magpaalam para hindi ka ulit masermonan.
Money/Career:
Mukhang may malaking chance na matapos mo ang iyong mga gawain ngayong araw kaya naman magkakaroon ka ng panahon para makapagrelax.
Lucky color: Green
Lucky numbers: 6 38 27 30 29 35
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Magtiwala ka sa iyong kutob at hinala ngayong araw dahil malaki ang chance na magkatotoo ang mga ito.
Love:
Couples: Pagbigyan mo ang partner mo sa kanyang gusto, pero huwag mo ito ugaliin para naman hindi siya umabuso.
Money/Career:
Kung nasa bahay ka na, huwag ka na muna mag-isip ng tungkol sa iyong trabaho. Magrelax ka muna para mabawasan ang stress mo.
Lucky color: Orange
Lucky numbers: 46 23 8 12 44 21
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Kahit na magmukha kang KJ para sa iba, hindi ka basta-basta pumapatol sa trends lalo na kung wala naman itong sense.
Love:
Couples: Mukhang magkakaroon ka ng chance para makabonding ang partner mo kaya naman sulitin mo na ang araw na ito.
Money/Career:
Kung hindi ka masaya sa iyong career, magtry ka muna ng ibang bagay para naman hindi ka masyado ma-burnout.
Lucky color: Grey
Lucky numbers: 35 48 10 47 12 28