in ,

Daily Horoscope: December 29, 2018 – Saturday

Aries (Mar 21 – Apr 19)
Kung masama ang pakiramdam mo ngayong araw, mas mabuting tanggapin mo na lang muna ang alok na tulong ng ibang tao.
Love:
Singles: Huwag mo muna aminin sa crush mo na meron kang gusto sa kanya. Hindi pa ito ang tamang panahon para roon.
Career:
Marami ka namang naiisip na idea, pero mas maganda kung gagawin mo agad ang mga ito bago ka pa maunahan ng iba.
Lucky color: Sky blue
Lucky numbers: 21 37 10 27 29 26

Taurus (Apr 20 – May 20)
Huwag mo masyadong ipagyabang ang isang bagay lalo na kung ayaw mong maging awkward sa iyo ang iyong mga kaibigan.
Love:
Couples: Kaysa sa magfocus ka sa mga problema, isipin mo na lang kung ano ang pwede mong maging advantage sa iba.
Career:
Maging open ka sa ibang tao para mas lalo nilang maintindihan ang motives mo.
Lucky color: Pink
Lucky numbers: 35 9 27 34 40 30

Gemini (May 21 – Jun 20)
Kung hindi mo naman feel na tulungan ang isang tao, huwag kang mangako sa kanya na tutulungan mo siya para hindi na siya umasa.
Love:
Singles: Kung hindi mo pa feel na humanap ng makakapartner, huwag mo ito gawin. Take your time lang.
Career:
Makinig kang mabuti sa sasabihin ng ibang tao para maiwasan mong magkamali.
Lucky color: Green
Lucky numbers: 25 53 7 38 6 30

Cancer (Jun 21 – Jul 22)
May malaking chance na makagawa ka ng mga maling desisyon ngayong araw. Mag-ingat ka na lang muna.
Love:
Singles: Huwag kang mahiya na sumama sa party ng iyong kaibigan, lalo na kung libre lang naman ito.
Career:
Kung feeling mo ay iniignore ka, mas mabuting huwag ka na lang muna makialam sa kanila.
Lucky color: Pink
Lucky numbers: 8 44 37 14 26 49

Leo (Jul 23 – Aug 22)
Huwag mo na hintayin pa ang ibang tao na sabihan ka. Kumilos ka na lang kaagad para hindi masayang ang oras mo.
Love:
Couples: Para hindi na lumala pa ang gulo, manahimik ka na lang muna. Huwag agad sasabay sa init ng ulo ng ibang tao.
Career:
Huwag mo agad simulan ang isang bagay lalo na kung wala ka talagang experience dito.
Lucky color: Blue
Lucky numbers: 34 44 41 53 49 46

Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Kung ayaw mong ikwento sa ibang tao ang iyong sitwasyon, huwag mo itong gawin. Huwag ka magpapressure sa sasabihin ng iba.
Love:
Singles: Huwag mo na tiisin ang isang tao, lalo na kung palagi na lang sakit ng ulo ang dulot niya sa iyo.
Career:
Mukhang may malaking chance na magkaroon ka ng pera ngayong araw. Huwag mo agad ito gagastusin.
Lucky color: Yellow
Lucky numbers: 2 50 52 34 43 19

Libra (Sep 23 – Oct 22)
Huwag kang mahiya na sabihin sa ibang tao ang iyong naiisip. Malay mo, magustuhan nila ito ng sobra.
Love:
Singles: Huwag ka masyadong mainsecure sa iba. May mga ginagawa ka naman na hindi nila kaya, kaya magfocus ka na lang sa mga ito.
Career:
Gawin mo na lang ang bagay na inutos sa iyo kaagad para hindi ka na mapagalitan pa.
Lucky color: Green
Lucky numbers: 13 43 32 38 37 2

Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Okay lang na maging skeptical ka sa isang bagay lalo na kung hindi ka masyadong pamilyar dito.
Love:
Singles: Mukhang may taong nagkakagusto sa iyo, pero hindi mo siya type kaya mas mabuting huwag mo na siya paasahin pa.
Career:
Huwag ka kaagad madisappoint sa isang bagay lalo na kung hindi mangyari ang inaasahan mo. Mas mabuting mag-adjust ka na lang dito.
Lucky color: Purple
Lucky numbers: 23 54 49 27 48 35

Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Tulungan mo ang isa sa iyong mga kamag-anak ngayong araw, dahil hindi ka naman magiging busy ngayong araw.
Love:
Couples: Maging positive ka lang. Malalampasan ninyo rin ang problema ninyo at magiging okay din ang lahat sa huli.
Career:
Palampasin mo na lang ang ginagawa ng isang tao sa iyo para hindi ka na mastress pa.
Lucky color: Pink
Lucky numbers: 29 48 19 39 4 43

Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Kung naguguluhan ka sa isang bagay, solusyunan mo na agad ito para hindi na ito lumala pa. Huwag mo na ito ipagpaliban pa.
Love:
Singles: Kung gusto mo talaga na gumala ngayong araw, yayain mo ang iyong mga kaibigan at baka ikaw lang ang hinihintay nila.
Career:
Kung may balak kang simulan na business, gawin mo ito kaagad kahit na maliit lang ito.
Lucky color: Blue
Lucky numbers: 37 39 2 41 49 53

Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Hindi ka naman magiging busy ngayong araw,pero may chance pa rin na tanggihan mo ang isang taong humihingi ng tulong sa iyo.
Love:
Couples: Huwag mo muna subukan ang isang bagay lalo na kung tutol dito ang iyong partner. Pagbigyan mo muna siya.
Career:
Huwag kang matakot na mag-invest ng oras sa isang bagay na gusto mo.
Lucky color: Blue
Lucky numbers: 17 54 8 52 27 14

Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Maging attentive ka sa iyong kapaligiran ngayong araw. Mag-ingat ka dahil baka masalisihan ka ng ibang tao.
Love:
Singles: Huwag mong madaliin ang isang tao dahil tiyak na mapepressure lang siya sa iyo. Habaan mo na lamang ang iyong pasensiya.
Career:
Huwag ka masyadong magpagod ngayong araw. Magpahinga ka kung dinedemand ito ng iyong katawan.
Lucky color: Brown
Lucky numbers: 3 43 38 33 4 26

Comments

Regine Velasquez reacts to a netizen who doesn’t like her rendition of “The General’s Daughter” theme song

‘Rainbow Sunset’ upsets the most-expensive entry ‘Aurora’ at MMFF 2018’s Gabi ng Parangal