Loisa Andalio, inulan ng suporta mula sa mga kasamahan sa showbiz

Nag-viral sa social media ang pangalan ng Kapamilya actress na si Loisa Anadalio dahil sa isang video scandal. Sabi ng mga netizens na nakakita, una itong ibinahagi ng isang Facebook user, at mula dito ay nagsimula na ang pagkalat ng nasabing scandal. Ilang mga netizens naman ang nakitang nagrepost ng nasabing video, dahilan para lalo pa itong kumalat.

Sa video na tatagal ng nasa dalawang minuto, makikita ang isang babae na may pagkakahawig sa Kapamilya actress na aktong ginagalaw ang dibdib nito sa harap ng kamera. Makikita pa ang nakasulat na pangalan ng aktres sa ibaba ng vid na may petsang July 1, 2018.

Habang sinusulat namin ang balitang ito wala pang inilalabas na official statement tungkol sa iskandalo ang kampo ni Loisa, ng Star Magic. Hindi pa rin nagkokomento sa isyu ang boyfriend ng dalaga na si Ronnie Alonte.

Maliban sa mga fans, umuulan din ngayon ng suporta para kay Loisa Andalio mula sa mga kasamahan sa showbiz!

https://twitter.com/thedonlucas/status/1109295701022797824

https://twitter.com/thedonlucas/status/1109298579078692864

Ilang netizens naman ang nagsabi na edited daw ang video at may gusto lang manira kay Loisa. Marami rin ang naniniwalang hindi ito magagawa ng dalaga. Nanawagan naman ang ilang fans ng young actress na huwag nang ikalat o i-share ang video dahil nakakakaawa naman daw si Loisa, pati na rin ang totoong babaeng nasa video. Tigilan na rin daw sana ang pambabatos sa dalaga nang dahil viral video na ito.

Comments

Loading...
LIKE IT? SHARE WITH YOUR FRIENDS!

Article Tags

ABS-CBN4575 Angel Locsin519 Baninay Bautista6 Katrina Paraiso Simangan2 Loisa Andalio125 Loisa Andalio scandal3 Maru Delgado2 Star Magic429