Ngayong araw (April 27) na nga ibinalita ang mga susunod na magiging projects ni Daniel Padilla sa ABS-CBN.
Sa live streaming ng naturang event kung saan si MJ Felipe ang host, makakasama ni Daniel Padilla sa pelikulang pinamagatang ‘The Guest’ ay ang award-winning actor na si John Arcilla, kasama pa ang writer na si Patrick valencia at direk Jerrold Tarog.
Ang ‘The Guest’ ay under ng Blacksheep Productions na kilala sa mga movies nila na ‘Whether the Weather is Fine’ (2021), ‘Fan Girl’ (2020), ‘Alone/Together,’ ‘Isa Pa With Feelings’ (2019) at Exes Baggage (2018).
Sabi sa usapan, ang tema raw ng pelikulang ito ay dark at siguradong kakaiba (different) kumpara sa mga nauna nang nagawa ni Daniel Padilla.
Daniel Padilla, gagawin ang psychological suspense-thriller na #TheGuest, kasama ang premyadong aktor na si John Arcilla.
Si Jerrold Tarog na nasa likod ng blockbuster period/war drama film na #HeneralLuna. ang direktor nito.
#NewMovieAlertDaniel pic.twitter.com/ftsCmxdU83
— LionhearTV.net (@LionhearTVNet) April 27, 2023
Wala pang balita kung kailan ito ipalalabas pero sisimulan na raw itong ishoot ngayong second quarter.