Maliban sa ‘The Voice Generations,’ naghahanda na rin ang GMA Network sa kanilang bagong franchise.
Noong Tuesday (April 11) lang ay inannounce na nga ng GMA Network thru their Twitter account ang ‘Battle Of The Judges PH.’ Kung ang ‘The Voice Generations’ ay para sa mga singers, iba-iba namang talents at acts ang ipapamalas sa ‘Battle Of The Judges PH.’
Mula sa title pa lang nito, aasahan ang competition sa pagitan ng mga celebrity judges.
Kilala na namin ang magiging direktor nito at ang magiging host nito ay isang top star ng GMA Network.
Last year pa nabalitang nakuha na ng GMA Network ang franchise ng ‘Battle of the Judges’ na pag-aari ng Fremantle.
The world's ultimate talent competition is coming to Asia for the first time!
Abangan ang #BattleOfTheJudgesPH soon on GMA Network.
For more updates follow BOTJPH's official accounts:
FB and YT: BattleOfTheJudgesPhilippines
TW, IG, and TikTok: @BOTJPH pic.twitter.com/CkzRwooo0a— GMA Network (@gmanetwork) April 11, 2023
Nagsimula bilang isang special format ng ‘Got Talent’ franchise, ang ‘Battle of the Judges’ na nagsimula 3 years ago lang sa France’s ‘Got Talent.’