Marami na namang mga followers ni Paulo Avelino ang hindi nakatulog kagabi sa dami ng nagpasa ng kanilang mga tanong pero syempre, iilan lang ang kakayanin niyang sagutin.
Nagsimula sa mga pabebe questions na tinapatan naman ni Paulo.
Sa Manila na siya naka graduate sakin hindi sa Elyu https://t.co/WU5OZQ6w7Y
— PAULO (@mepauloavelino) April 10, 2023
Hindi. https://t.co/OauYNOPhn2
— PAULO (@mepauloavelino) April 10, 2023
Bumawas ng landi https://t.co/Lh8C6pZAY7
— PAULO (@mepauloavelino) April 10, 2023
Mani parin https://t.co/3SQo1gmkET
— PAULO (@mepauloavelino) April 10, 2023
Kahit nagrereklamo ay pinatulan na ni Paulo.
Isang Barangay ba ako? https://t.co/92IHbWHcbo
— PAULO (@mepauloavelino) April 10, 2023
At ang question na nagpataas ng kilay pati ng kanyang mga fans ay ang kanyang edad. Sa tweet niya ay nasa 27 pa lang daw siya, pero iba ang sinasabi ng google na nasa 34 na siya. Kahit saang website siya icheck, pare-parehas ang nakalagay na birthday ni Paulo ay May 13, 1988 – that makes him 34 ngayon.
Wala namang emoji or emotion itong tweet ni Paulo para malamang nagjojoke lang siya pero maraming nagsasabing playtime lang itong tweet niya.
Ha? Mag 27 palang ako this year https://t.co/CGLVhNFVsq
— PAULO (@mepauloavelino) April 10, 2023
May paparating na teleserye ngayon si Paulo na ‘Linlang’ kasama ang powerhouse cast na pinangungunahan ni Kim Chiu.