Winner agad sa puso ng viewers ang pagbabalik-primetime ni Jillian Ward sa “My Ilonggo Girl”!
Matapos nga subaybayan ng viewers si Jillian bilang si Doc Analyn ng Abot-Kamay na Pangarap, ngayon ay inaabangan naman ang Star of the New Gen bilang sina Tata at Venice. Marami ang kinikilig sa tambalan nila ni Michael Sager sa serye na talagang good vibes daw ang hatid sa gabi.
Sa pilot airing ng programa noong Lunes (January 13) ay nakakuha ito ng combined (GMA at GTV) overnight people rating na 6.5 percent ayon sa data ng Nielsen TV Audience Measurement. Malayo ito sa katapat nitong programa na nakakuha lamang ng combined overnight people rating na 3.1 percent.
Nagsisimula pa lang ang kilig kaya naman ‘wag magpahuli! Abangan ang pagpapatuloy ng kuwento gabi-gabi, 9:35 PM sa GMA Prime!

