Sa gitna ng masamang panahon ay tila “ray of sunshine” ang sorpresang bumulaga sa fans nina Barbie Forteza at David Licauco nitong Miyerkules nang inanunsyo ng GMA Network ang pag-guest ni David sa hit primetime series ni Barbie na Beauty Empire.
Tiyak na masaya na naman nga ang BarDa fans sa regalo ng kanilang mga idolo. Sa ulat sa 24 Oras, ibinahagi ng dalawang Kapuso stars ang detalye ng kanilang special gift para supporters ng kanilang tambalan.
Say ni Barbie: “Plot twist ba ito? Actually, matagal na siya dapat pumasok pero ‘yun, finally. OK din na ngayon siya pumasok dahil, like, bumibigat na rin ‘yung mga eksena namin, so perfect timing din talaga.”
Si David, inaming excited na muling umarte matapos ang ilang buwan. “Also, obviously, I’m working with Barbie again,” dagdag pa nito.
Mapabata o matanda ay talagang ang lakas ng hatak ng BarDa.
Say nga ng isang fan sa social media: “GMA.. Thank u so much..Yan ang hinihintay nmen..being a senior citizen both n magkasama cla kinikilig n kme Kya cla ang best medicine nmen..”
Ano kaya ang papel na gagampanan ni David sa Beauty Empire?
Tuluy-tuloy lang ang pinakamagandang laban sa “Beauty Empire” kasama sina Kyline Alcantara, Ruffa Gutierrez, Gloria Diaz, Sid Lucero, Sam Concepcion, at Choi Bo Min.
Abangan ito mula Lunes hanggang Huwebes, 9:35 p.m. sa GMA Prime. Mapapanood din ito sa Viu.

