Opisyal nang natapos ni Choi Bo Min ang kanyang huling araw ng taping sa Pilipinas para sa revenge drama na “Beauty Empire.”
Sa Instagram post ng GMA Network, makikita ang video kung saan sinorpresa ng kanyang co-actors at Beauty Empire production team ang South Korean actor matapos ang intense na eksena nila ni Sid Lucero. May kasamang bouquet of flowers at cake pa ang padespedida mula sa team na pinangunahan nina Barbie Forteza at Kyline Alcantara. Kitang-kita naman na naantig si Bo-Min sa gesture ng kanyang mga kasamahan na naging second family na rin niya rito sa Pilipinas.
Samantala, pa-intense nang pa-intense ang mga kaganapan sa Beauty Empire na laging tinututukan ng viewers. Magtagumpay kaya si Noreen (Barbie) sa kanyang plano laban kay Eddie (Sid)? Ano ang kahihinatnan nilang tatlo nina Velma (Ruffa Gutierrez) at Shari (Kyline Alcantara)?
Mapapanood ang “Beauty Empire” tuwing Lunes hanggang Huwebes, 9:35 p.m. sa GMA Network. Available din ito sa Viu.

