Close Menu
  • Home
  • News
  • Tech Jungle
  • RAWRMag
  • BIZnest
  • Brands
  • About
    • BE PART OF THE LIONHEARTV FAMILY!
    • THE PRIDE
    • ADVERTISE AT LIONHEARTV
What's Hot

Integra R.E. unveils new brand identity, strengthens commitment to Philippine energy security

May 26, 2026

Maris Racal receives mixed reactions over donation drive for jeepney drivers

May 26, 2026

Jerald Napoles praises Coco Martin for hands-on work in ‘Sigabo’

May 26, 2026
Facebook X (Twitter) Instagram
Facebook X (Twitter) Instagram YouTube TikTok
LionhearTVLionhearTV
  • Home
  • News
  • Tech Jungle
  • RAWRMag
  • BIZnest
  • Brands
  • About
    • BE PART OF THE LIONHEARTV FAMILY!
    • THE PRIDE
    • ADVERTISE AT LIONHEARTV
LionhearTVLionhearTV
Home»Press Release»Talino at dunong ng Pinoy sa advanced manufacturing, ibinida ng DOST sa ACAM 2025
Press Release

Talino at dunong ng Pinoy sa advanced manufacturing, ibinida ng DOST sa ACAM 2025

Lion's DenBy Lion's DenNovember 18, 2025No Comments3 Mins Read
Share
Facebook Twitter Reddit Pinterest Email

Mula sa agham patungo sa aksyon—ibinahagi ni Sec. Renato U. Solidum Jr. sa ACAM 2025 kung paano magbubukas ng mas maraming oportunidad ang advanced manufacturing para sa bawat Pilipino. (Larawan mula sa DOSTv)

Advanced manufacturing, ang magbubukas ng oportunidad sa mga Pinoy upang makilala sa pandaigdigang entablado ng agham, teknolohiya, at inobasyon.

Ito ang isinulong ni Department of Science and Technology (DOST) Secretary Renato U. Solidum, Jr. sa kanyang talumpati sa katatapos lang na Asian Conference on Advanced Manufacturing o ACAM 2025.

Aniya, ang bawat dakilang yugto ng kasaysayan ng sangkatauhan ay naisulat sa paraan ng paggawa ng lipunan, tulad ng bakal at asero ng panahong industriyal at silicon chips ngayong panahon ng digital. Sa lahat ng ito, ang pagmamanupaktura ay nasa gitna ng pagbabago.

“Ngayon, ang advanced manufacturing ang ating pagkakataong isulat ang susunod na yugto—isang kabanata kung saan ang agham, teknolohiya, at inobasyong Pilipino ay kinikilala sa buong mundo,” ani Solidum.

Bilang patunay, ibinida ng kalihim ang ilang halimbawa kung paano napabibilis ng advanced manufacturing ang pag-unlad sa iba’t ibang larangan sa ating bansa.

Aniya noong panahon ng pandemya, pinatunayan ng advanced manufacturing ang tulong nito sa healthcare nang mapunan ng 3D printing ang lokal na kakulangan sa protective equipment at ventilator parts. Nagbukas ito ng posilidad na makagawa sa bansa ng abot-kayang prosthetics, implants, at iba pang kagamitang medikal.

Sa larangan naman ng agrikultura at pangingisda, nakatutulong rin ang advanced manufacturing sa mabilis na pagdisenyo at paggawa ng mga makabagong kagamitan na maaaring subukan sa Advanced Manufacturing Center o AMCen ng DOST, at agad na maipamahagi sa mga komunidad upang mas madaling mapakinabangan sa pagpapalakas ng kanilang kabuhayan.

Ang advanced manufacturing ay makatutulong rin sa lokal na produksyon ng mga high performance parts para sa aerospace, automotive, at mga kagamitan para sa pambansang seguridad at katatagan sa sakuna na tiyak na makatutulong para makalahok ang Pilipinas sa global value chains at mapatibay ang kakayahan ng bansa sa panahon ng krisis.

“Sa pamamagitan ng DOST, nagtatayo tayo ng mga regional AMCen laboratories sa iba’t ibang panig ng bansa—walo na ang naipasinaya. Nilagyan ang mga ito ng kakayahan sa advanced manufacturing upang makagawa agad ng spare parts para sa kritikal na kagamitan, bumuo ng mga bahagi para sa relief operations, at makapagdisenyo ng modular shelters malapit sa mga apektadong lugar,” ani Solidum, Jr.

Ibinida rin niya na ang AMCen ay ang nagsisilbing tulay sa pagitan ng iba’t ibang disiplina at institusyon upang maging ganap na katotohanan ang mga pangarap at sumusuporta sa apat na haligi ng DOST: pinalalakas nito ang kagalingang pantao sa pamamagitan ng mga solusyon sa healthcare at agrikultura; lumilikha ito ng yaman sa pamamagitan ng paghahanda sa ating industriya para sa hinaharap; pinoprotektahan nito ang ating yaman sa pamamagitan ng pagpapatibay ng katatagan sa panahon ng krisis; at pinananatili nito ang kapaligiran sa pamamagitan ng circular approaches sa pagbuo ng materyales.

Patunay ito aniya na naririto na ang advanced manufacturing na binabago ang mga industriya sa buong mundo.

“Ang tanong: tayo ba ang mangunguna o manonood lang tayo habang hinuhubog ito ng iba? Ang sagot natin ay dapat malinaw: tayo ang mangunguna. Tayo ang magpapabilis,” aniya.

Ang Department of Science and Technology (DOST) ang pangunahing ahensya ng pamahalaan na nangunguna sa pagpapaunlad ng siyensiya, teknolohiya, at inobasyon upang mapabuti ang buhay ng bawat Pilipino, patatagin ang industriya, pangalagaan ang komunidad, at isulong ang pangmatagalang kaunlaran.

Comments

ACAM 2025 Asian Conference on Advanced Manufacturing o ACAM 2025 Department of Science and Technology (DOST) DOST STII PR Sec. Renato U. Solidum Jr
Share. Facebook Twitter Pinterest LinkedIn Reddit Email
Previous ArticleThe Power of Purposeful Play: RePlay Launches First-Ever Summit to Champion the Importance of Play in Early Childhood Education
Next Article Puno Ng Puso Ang Pasko: GMA Network’s Christmas Station ID Rekindles the Spirit of Christmas
Lion's Den
  • Website
  • Facebook
  • X (Twitter)
  • Instagram

LionhearTV has always believed in what the everyday reader can contribute, and has always been open to receiving input, help, or leads on stories. Readers are always encouraged to drop us their thoughts either by either by leaving a comment on a post, or contact us directly – email us at lionheartvnet@gmail.com.

Related Posts

Surf2Sawa Brings Fun, Connectivity to Pangasinan Through BRGY S2S Event

May 26, 2026

Find Your Pace Together: PUMA Kicks Off 2026 PH Half Marathon Series and Unveils the Deviate Route in Bridgetowne

May 26, 2026

GMA Network Climbs to No. 13 Worldwide in Tubular Leadership Rankings in April 2026

May 26, 2026

The Beast Is Coming: Infinix Unleashes the Next-Generation GT 50 Pro Gaming Flagship

May 26, 2026
Add A Comment

Comments are closed.

Find us on Facebook
Blogmeter.Top



Trending

SILOG Awards 2026 returns to honor Filipino online creators and digital mavericks

May 13, 2026

Lion With A Heart Year 9, from acts of giving to sustainable impact

April 28, 2026

LionhearTV continues to grow: Strengthening BIZNest, Tech Jungle, and RAWRTrip for 2026

February 14, 2026

15 Adored PH Celebrity Loveteams That Eventually Parted Ways

February 2, 2026

25 Best Teleseryes of 2025

January 14, 2026
Showbiz News

Integra R.E. unveils new brand identity, strengthens commitment to Philippine energy security

May 26, 2026

Maris Racal receives mixed reactions over donation drive for jeepney drivers

May 26, 2026

Jerald Napoles praises Coco Martin for hands-on work in ‘Sigabo’

May 26, 2026

Ogie Alcasid denies knowledge of rumored host changes in ‘It’s Showtime’

May 26, 2026

‘It’s Showtime’ reaches new all-time high ratings since 2024

May 25, 2026
Most Viewed

Integra R.E. unveils new brand identity, strengthens commitment to Philippine energy security

May 26, 2026

Maris Racal receives mixed reactions over donation drive for jeepney drivers

May 26, 2026

Jerald Napoles praises Coco Martin for hands-on work in ‘Sigabo’

May 26, 2026

Ogie Alcasid denies knowledge of rumored host changes in ‘It’s Showtime’

May 26, 2026

Pooh shocked after alleged ₱7-M jewelry collection turns out fake during visit to Maddox Jewelry

May 26, 2026
eMVP Digital is an online empire that useful pieces of information and a resource for a daily dose of entertainment in all forms. It produces LionhearTV.net, Dailypedia.net, RAWR Awards, RAWRMag, DailyPIPOL, and Broken Lion. These platforms have a highly-engaged audience per month, which varies from ages and sexes.



Blogmeter.Top
© 2026 LionhearTV.net.
  • Home
  • News
  • Tech Jungle
  • RAWRMag
  • BIZnest
  • Brands
  • About
    • BE PART OF THE LIONHEARTV FAMILY!
    • THE PRIDE
    • ADVERTISE AT LIONHEARTV

Type above and press Enter to search. Press Esc to cancel.