No date, no problem this Valentine’s weekend dahil hatid ng GMA stars ang pagpapakilig at paghahatid-saya sa mga Kapuso sa iba’t ibang regions sa bansa, courtesy of GMA Regional TV!
Bago ang mismong araw ng Valentine’s Day (February 13) ay maghahandog ng love-filled surprises ang House of Lies cast na sina Kris Bernal, Mike Tan, Martin Del Rosario, at Kokoy de Santos sa Kapuso Fiesta para sa HaMaKa Festival 2026 na gaganapin sa Don Hilario Cruz Avenue, Taytay, Rizal, 7 p.m. Makakasama pa sa paghahatid ng ‘di matatawarang entertainment sina Kapuso Ultimate Heartthrob Miguel Tanfelix, PBB Collab 2.0 ex-housemates Lee Victor at Waynona Collings, pati na rin si Kapuso host Pepita Curtis.
Sa araw naman ng mga puso (February 14), sagot na ng GMA ang ultimate kasiyahan ng mga Kapuso dahil paliliparin nila sa Sarangani sina Sparkle stars Katrina Halili, Jeric Gonzales, at Teejay Marquez para maki-join sa selebrasyon ng 22nd Timpuyog Festival. Abangan sila sa Municipal Kiosk, Municipality of Kiamba, Sarangani Province, 8:30 p.m.
Hindi pa nagtatapos d’yan ang pa-Valentine’s gift sa mga Kapuso sa regions dahil sa Linggo (February 15) ay makikipagkulitan sa Kapuso Float Parade sina Sparkle actress Arra San Agustin, Hating Kapatid star Vince Maristela, at Kapuso actor Bryce Eusebio. Abangan sila sa Grand Float Parade sa Victoria, Tarlac, 2 p.m.
Damhin ang Feb-ibig ngayong buwan, mga Kapuso!

