Kumpirmado na nang Lilipat sa TV5 ang actress-TV host na si Mariel Rodriguez na patuloy pa ring napapanood sa noontime show ng ABS-CBN na ‘Happy! Yippie! Yehey!’. Siya na nga ang magiging new co-host ni Willie Revillame sa Wiltime Bigtime dahil malapit nang magasawa si Shalani Soledad.

Wala naman daw s’yang exclusive contract sa Kapamilya  at inamin pa n’yang hindi ito masyadong maganda dahil walang security. May mga napag-usapan din daw na projects n’ya sa Dos na unfortunately ay hindi natuloy. Aware naman daw ang Kapamilya sa existing offer na ito at naiintindihan naman daw nila. Trabaho lamang naman daw and nothing personal.

Share