Nagbalak mang lumipat si Paulo Avelino sa ABS-CBN (see the link), mukha namang napigilan ito dahil sa dami na rin ng mga kumausap kay Paulo. 90% na sana ang chance na maging Kapamilya si Paulo (see the link) dahil na rin sa kanyang kinamumuhian sa network na kinabibilangan niya (see the link). Pirma na nga lang daw ang kulang pero talagang nahabol pa si Paulo na desidido na talagang maging Kapamilya sana.
Wala namang sinabing malaking project na inilatag ang GMA Network na plano sa kay Paulo pero hindi maikakailang malaki rin ang pagkagusto niyang magstay sa Kapuso Network kung saan siya nagsimula. Nasa GMA din kasi si LJ Reyes (sa danseryeng Time of My Life) na ina ng anak niya.
May bali-balita ngayong makakasama siya sa isang seryeng pagbibidahan nina Carla Abellana at Michelle Madrigal na “Magkaagaw” (see the link).

