Mukhang totohanan na nga ang bali-balitang sina John Pratts at Bianca Manalo (see the link). Bulong-bulungan raw iyan sa bakuran ng ABS-CBN. Mukhang totohanan na nga ang mga nagsimula lang sa tuksuhan sa programang Happy! Yippie! Yehey! ng ABS-CBN kung saan hosts ang dalawang ito.
Hindi lang daw maamin ng dalawa na sila dahil magmumukhang mang-aagaw si Bianca. Hindi nga kaya? Well, kung totoo man ‘yan, aamin din ‘yan. Or kung gusto nilang itago, choice na nila ‘yun.
