Malakas ang kutob ko na magiging matagum­pay ang Celebrity Ukay-Ukay project ng mag-asa­wang Ogie Alcasid at Regine Velasquez dahil mga bonggang items na pag-aari ng mga sikat na artista ang kanilang ibebenta.

May mga damit na Gucci ang brand, mga bag na Louis Vuitton at kung anik-anik pa.

Sure ako na dadayuhin at dudumugin ng mga tao sa April 15 hanggang April 17 ang World Trade Center dahil ito ang venue ng Celebrity Ukay-Ukay.

Hindi dapat mag-expect ang mga fans na makikita nila si Regine sa bonggang event dahil complete rest ang advice ng kanyang mga doktor.

Share