Aabangan namin ang bagong cinema plug ng GMA 7 sa mga sinehang paglalabasan ng entries sa 2010 Metro Manila Film Festival dahil makukumpirma ang mga bagong shows ng network.

Anim na bagong shows ang kasama sa cinema plug at kabilang ang Captain Barbell ni Richard Gutierrez, ang Pinoy adaptation ng Coffee Prince na unang nabalitang pagtatambalan nina Carla Abellana at Dennis Trillo, Dwarfina na hindi pa alam ang bida, ang epic serye ni Marian Rivera na ang unang balita’y Sultana ang title na naging Crysa, at soap ni Claudine Barretto at isa pang soap na hindi pa namin alam kung para kanino.

Share