ANG “Juan for All, All for Juan Sugod-Bahay sa Barangay” ang pinakabagong segment sa Eat Bulaga ng GMA Network na labis na kinagigiliwan nga-yon ng publiko.
Kasi naman nagbibigay ng “biyaya” ang segment na ito sa mga taga-barangay na nadadalaw nina Wally at Jose. Katakut-takot na pera ang ipinamimigay nila sa mga taga-barangay na kanilang napupuntahan.
Ang segment naman na Pinoy Henyo, na matagal nang number one sa buong bansa, ay mas dumarami pa ang mga tumatangkilik.
Mayroon kasing malalaking cash na napapanalunan dito ang studio audience. Tutok na sa Eat Bulaga, Lunes hanggang Sabado, sa Kapuso Network kung gusto ninyong kumita habang naglilibang.

